Nimrud
Ang Nimrud (Arabe: النمرود) ay ang Arabe at Arameo na pangalan para sa isang sinaunang Asiryanong lungsod na matatagpuan 30 kilometro timog ng lungsod ng Mosul, at 5 kilometro timog ng nayon ng Selamiyah (Arabe: السلامية), sa mga kapatagan ng Nineveh sa hilagang Mesopotamya. Ito ay naging isang pangunahing Asiryanong lungsod sa bandang 1250 BK hanggang 610 BK.
Maagang kasaysayan
baguhinPagkatatag
baguhinItinayo ng Asiryanong hari na si Shalmaneser I (1274 BK-1245 BK) ang Nimrud sa panahon ng Gitnang Imperyong Asiryano.
Kabisera ng Imperyo
baguhinNakamit ng lungsod ang katanyagan nang ginawa ng hari na si Ashurnasirpal II ng Imperyong Neo-Asirio (883 BK-859 BK) itong kanyang kabisera sa kapinsalaan ng Assur. Nagpatayo siya ng isang malaking palasyo at mga templo sa lungsod na nahulog sa antas ng pagkasira sa Mga Madilim na Panahon ng gitnang ika-11 hanggang ika-10 siglo BK. Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.