Si Ziusudra (o Zi-ud-sura o Zin-Suddu; Helenisado: Xisuthros: "nakahanap ng mahabang buhay" o "buhay ng mahabang mga araw") ng Shuruppak ay itinala sa resensiyong WB-62 ng talaan ng mga haring Sumeryo bilang ang huling hari ng Sumerya bago ang isang baha. Siya ay itinala sa talaang ito bilang isang hari at saserdoteng gudug sa loob ng 10 sar o 3,600 taon. Namana ni Ziusudra ang kanyang pamumuno sa kanyang amang si Šuruppak na naghari ng 10 sar o 3,600 taon. Si Ziusudra ay kalaunang itinala bilang ang bayani ng epiko ng baha ng Sumerya. Siya ay binanggit rin sa iabng mga sinaunang panitikan kabilang ang Kamatayan ni Gilgamesh, ang Tula ng mga Maagang Pinuno at isang huling bersiyon ng Mga instruksiyon ni Shuruppak. Ang linyang kasunod kay Ziusudra sa talaan ng mga haring Sumeryo na WB-62 ay mababasang: Pagkatapos na ang baha ay tumabon, ang paghahari ay bumaba mula sa langit. Ang paghahari ay nasa Kish. Ang siyudad ng Kish ay yumabong sa sandaling pagkatapos ng isang napatunayan sa arkeolohiyang isang lokal na baha sa Shuruppak(modernong Tell Far sa Iraq) at iba pang mga siyudad ng Sumerya. Ang bahang ito ay pinetsahan ng carbon dating sa ca. 2900 BCE.[1] Ang palayukang polikroma mula sa sa panahong Jemdet Nasr(ca. 3000 BCE-2900 BCE) ay unang natuklasan sa agarang stratum ng baha sa Shuruppak[2] at ang panahong Jemdet Nar ay agad na nauna sa panahong Maagang Dinastiko I. [3] Ang unang bahagi ng tableta ay nauukol sa paglikha ng tao at mga hayop at pagkakatatag ng mga unang siyudad ng Eridu, Bad-tibira, Larsa, Sippar, at Shuruppak. Pagkatapos ng isang nawalang seksiyon sa tableta, mababasang ang mga diyos ay nagpasyang hindi na iligtas ang sangkatauhan sa isang darating na baha. Ang diyos na si Enki na Panginoon ng mundong ilalim ng sariwang katubigan at katumbas ng Diyos ng Babilonia na si Ea ay nagbabala kay Ziusudra na pinuno ng Shuruppak na magtayo ng isang malaking bangka. Ang talatang naglalarawan ng mga direksiyon sa paggawa nito ay nawala sa tableta. Sa pagpapatuloy ng tableta, inilalarawan nito ang isang baha kung saan ay bumago sa loob ng pitong araw. Pagkatapos nito, si Utu(araw) ay lumitaw at binuksan ni Ziusudra ang isang bintana, nagpatirapa at naghandog ng isang baka at tupa. Pagkatapos ng isa pang pagkapatid sa tableta, inilalarawan na ang baha ay tapos na at si Ziusudra ay nagpapatirapa sa harap nina An(Kalangitan) at Enlil na nagbigay ng "hiningang walang hanggan" sa kanya at nagdala sa kanya upang tumira sa Dilmun. Ang natitira nito ay nawala.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harriet Crawford, Sumer and the Sumerians, Cambridge Univ. Press, 1991), p. 19.
  2. Crawford, Harriet (1991). Sumer and the Sumerians. Cambridge University Press. p. 19.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Erik Schmidt, Excavations at Fara (1931), University of Pennsylvania's Museum Journal, 2:193–217.
Sinundan:
Ubara-Tutu o Su-Kur-Lam
Hari ng Sumerya
c. maalamat o 2900 BCE
Susunod:
Jushur ng Kish
Ensi o Shuruppak
c. maalamat o 2900 BCE
Ang siyudad ay binaha