Arko ni Noe

Ang sisidlan sa salaysay ng baha sa Aklat ng Henesis

Ang Arko ni Noe ay isang daong o malaking bangkang ginamit ni Noe upang sagipin ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya sa paparating na bahang ipadadala ng Diyos na si Yahweh sa mundo dahil sa kasamaan nito. Ang salaysay na ito ay matatagpuan sa Aklat ng Henesis (Henesis 6–10) sa Lumang Tipan ng Bibliya. May sukat na 150 x 25 x 15 mga metro ang sasakyang arko ni Noe. Mayroon itong bukasan sa paligid, sa gawing itaas, na ginagamit na daanan ng hangin at liwanag. Ang kuwentong ito ay itinuturing ng mga siyentipiko at skolar ng Bibliya na isang mito o hindi totoo dahil bukod sa walang ebidensiya ang kuwentong ito ay sinasalungat din ito ng agham at heolohiya.[1] Ayon sa mga skolar, ito ay hinango mula sa mas naunang isinulat sa Bibliya na Epiko ni Gilgamesh.

Isang pagsasalarawan ng Amerikanong si Edward Hicks (1780 - 1849) na nagpapakita ng mga hayop na sumasakay sa Arka ni Noe ng tigdadalawa.

Buod ng kuwento ni Noe

baguhin

Sa Bibliya

baguhin

Ayon sa Bibliya, si Noe ay inutusan ng diyos na si Yahweh upang lumikha ng isang arko upang iligtas ang sarili nito at ang kanyang pamilya sa isang bahang ipadadala ni Yahweh dahil sa kasamaan ng mundo. Si Noe ay inutusan na magdala ang isang pares ng mga babae at lalake ng lahat ng hayop sa Genesis 6:19-20. Ito ay sinasalungat naman sa Genesis 7:2-3 na ang iniutos kay Noe na ipasok sa arko ay pitong pares ng malinis na babae at lalakeng hayop at isang pares ng maruming babae at lalakeng hayop. Pagkatapos na ipasok ang mga hayop, pumasok ni Noe at ng kanyang pamilya sa arko at umulan ng 40 araw at gabi. Ang ulan ay bumaha sa buong mundo sa loob ng 150 araw at ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay namatay. Nang tumila na ang baha, ang arko ay lumapag sa Bundok Ararat. Sa ikasampung buwan, ang mga tuktok ng bundok ay nakita na at si Noe ay nagpadala ng uwak at isang kalapati upang makita kung humupa na ang baha. Muling nagpadala si Noe ng isang kalapati ngunit hindi na ito bumalik. Pagkatapos ng mga isang taon, si Noe at ang kanyang pamilya ay lumabas sa arko. Pagkatapos nito ay nagtayo siya ng altar at sinamba si Yahweh sa pamamagitan ng mga inihaw na handog ng mga hayop. Si Yahweh ay nagalak sa samyo ng mga handog na ito at nangakong hindi na muling wawasakin ang lahat ng mga buhay na nilalang.

Sa Quran

baguhin

Sa Quran, ang kuwento ng baha ni Noe (Nuh sa Quran) ay inilahad sa dalawang kabanata na Sura 11 and Sura 71. Ayon sa Surah 11, ang arko ni Nuh ay lumapag sa Bundok Judi (al-Gudi).

Pinagmulan ng storya ni Noe

baguhin
 
Tableta ng Epiko ni Gilgamesh. Ang Epiko ni Gilgamesh ay naisalin lang sa Ingles ni George Smith noong 1872.

Ayon sa mga modernong skolar ng Bibliya, ang kuwento ni Noe sa Bibliya ay direktang binase o kinopya sa kuwentong Babilonya na Epiko ni Gilgamesh na mas naunang isinulat sa Bibliya.[2][3] Ang storya ni Noe ay isang pinagtagni-tagning teksto na ang ilang mga bahagi ay nagmula sa pinagkunang Jahwist at ang ilan ay sa pinagkunang Saserdoteng teksto (priestly). Ang dalawang magkaibang may-akda ang nagpapaliwanag sa magkaibang mga mga bokabularyo at mga magkakasalungat na teksto gaya ng ipapasok na hayop sa arko (1 pares/Genesis 6:19-20,7:8,15-16 vs. 7 pares/Genesis 7:2-3), tagal ng baha (40 araw/Gen. 7:17,2 vs. 150 araw/Gen. 7:24), pagsisimula ng baha (7 araw pagkatapos pumasok sa arko ni Noe/Gen. 7:7,10 vs. sa araw na pumasok si Noe sa arko/Gen.7:11-13), sanhi ng baha (ulan/Gen.7:4,12 vs. bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan/Gen.7:11,8:12)[4][5] Ayon sa mga skolar, ang Jahwist ay nilikha noong pagkakatapon ng mga Hudyo sa Babilonya o pagkatapos nito (ika-6 hanggang ika-5 BCE)[6] at ang tekstong Saserdote ay nilikha noong pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya (ika-5 siglo BCE).[7] Ang Genesis 7:2-3 ay isa ring anakronismo (hindi angkop na konsepto) dahil ang paglalarawan ng mga malinis at maruming hayop ay inihayag lang sa Levitico 11 kay Moises pagkatapos ng sinasabing Exodo sa Ehipto. Ang bersiyong Jahwist ay bumago sa teksto ng Babilonya upang ito ay umaayon sa teolohiyang monoteistiko.[2]

Ang Epiko ni Gilgamesh ay naglalaman ng storya ni Utnapishtim na inutusan ng Diyos na si Ea na gumawa ng arko (bangka) upang iligtas ang kanyang pamilya at mga hayop sa isang delubyo na ipapadala ng Diyos na si Enlil dahil sa kanyang galit sa sangkatauhan. Pagkatapos ng pitong araw nang tumila ang baha, si Utnapishtim ay nagpalipad ng kalapati at uwak upang tingnan kung wala nang tubig. Nang matuyo ang baha, ang arko ni Utnapishtim ay lumapag sa Bundok Nisir (kasalukuyang tinatawag na Pir Magrun sa Iraq). Si Utnapishtim ay naghandog naman ng tupa at naamoy ng mga dios ang mabangong samyo nito.

Sa pananaw siyentipiko

baguhin
 
Arko ni Noah. Pandaigdigang baha.

Ayon sa mga siyentipiko, ang pag-iral ng geologic column na mga patong na bato at fossil record ay nagpapakitang ang mga hayop ay hindi sabay sabay na umiral o sabay sabay na namatay gaya ng nangyari sa kuwento ni Noe. Ang sekwensiya ng mga stratang ito ay nagpapakitang ang mga simpleng organismo ay mas naunang umiral kesa sa mga komplikadong organismo. Ito ay maaaring ilarawan na sa pinakailalim na strata, ang mga hayop na makikita ay mga simpleng organismo gaya ng bacteria at habang tumataas sa strata ay nagiging mas komplikado ang mga hayop na makikita.[8] Bukod dito, sa dami ng species ng mga hayop sa kasalukuyang panahon,[9][10] imposibleng maipasok sa isang arko ang isang pares ng mga babae at lalake ng lahat ng hayop (Genesis 6:19-20) o pitong pares ng babae at lalakeng hayop na malilinis at isang pares ng babae at lalakeng maruming hayop (Genesis 7:2-3) ng mga milyon milyong mga species na ito upang magpatuloy na magparami pagkatapos ng baha. Imposible ring maipasok ni Noe ang mga hayop na katutubo sa mga lugar na malalayo gaya ng Kangaroo sa Australya, Polar bear sa north pole at marami pang iba gayundin ang mga hayop na sobrang laki gaya ng dinosaur at wooly mammoth. Ayon sa mga siyentipiko, ang inaangkin ng mga kreasyonistang heolohiya ng baha ni Noe ay sinasalungat ng agham heolohikal dahil itinatakwil ng kreasyonismo ang mga prinsipyong heolohikal na unipormitarianismo at radiometric dating. Ayon sa mga siyentipiko, walang ebidensiya ng gayong baha ang napagmasdan sa mga naingatang patong ng bato at ang bahang sinasabi sa bibliya ay imposible dahil sa kasalukuyang mga masa ng lupain. Halimbawa, ang Bundok Everest ay tinatayang 8.8 kilometro sa elebasyon at ang area ng ibabaw ng mundo ng daigdig ay 510,065,600 km2. Ang bolyum ng tubig na kailangan upang takpan ang bundok Everest sa lalim na 15 cubits (6.8 m) gaya ng sinasabi sa Genesis 7:20 ay 4.6 bilyong kubikong kilometro. Ang mga pagsukat ng halaga ng presipitable na vapor ng tubig sa atmospero ay magbibigay ng mga resulta na nagpapakita na ang ang pagkokondensa ng lahat ng vapor ng tubig sa isang column ng atmoespero ay lilikha ng likidong tubig na may lalim na mula sero at tinatayang 70mm depende sa petsa at lokasyon ng column.[11] Dahil dito, ang kuwentong ito ay itinuturing ng mga siyentipiko at skolar ng Bibliya na isang mito o hindi totoo dahil bukod sa walang ebidensiya ang kuwentong ito ay sinasalungat din ito ng agham at heolohiya.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Noah's Flood" Not Rooted in Reality, After All?, National Geographic, 6 Pebrero 2009
  2. 2.0 2.1 Van Seters, p.120
  3. source Genesis Noah flood narrative&f=false Rendsberg, p.120
  4. Campell&O'Brien, p.213
  5. Nicholson, p.120
  6. Baden, pp. 305–313
  7. Blum, pp.32-33
  8. http://www.talkorigins.org/faqs/faq-noahs-ark.html#georecord
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-21. Nakuha noong 2011-12-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. http://www.guardian.co.uk/environment/2011/aug/23/species-earth-estimate-scientists
  11. Total Precipitable Water Naka-arkibo 2011-09-05 sa Wayback Machine., NWCSAF.