Ang Jahwist na tinutukoy ring Jehovist, Yahwist, o simpleng J ang isa sa apat na pinagkunan o sanggunian ng Torah ng Bibliya. Ang iba pang tatlo ang Elohist, Deuteronomist at Priestly source.[1] Nakuha nito ang pangalan nito mula sa katangiang paggamit nito ng terminong Yahweh(o mas tumpak na "YHWH") para sa diyos sa Aklat ng Genesis.[2] Sa karamihan ng mga Bibliyang Ingles, ang terminong ito ay pinalitan ng "the LORD",[3] " o minsang "GOD".[4] Sa unang kalahati ng ika-20 siglo, pinaniwalaan ng mga skolar ang ang J o Yahwist ay may petsang mula c. 950 BCE,[5] ngunit ayon sa kalaunang pag-aaral, ang mga bahagi ng J ay hindi maaaring mas maaga sa ika-7 siglo BCE.[6] Ang mga kasalukuyang teoriya ay naglalagay ng pagkakasulat nito sa pagkakatapon o pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya noong mga ika-6 siglo BCE hanggang ika-5 siglo BCE.[7] ngunit pinagtatalunan pa rin ito ng mga skolar hanggang ngayon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Murphy, p. 97
  2. Gilbert, p. 31
  3. Gilbert, p. 36, footnote
  4. Gilbert, p. 36, footnote
  5. Romer, pp. 10–16
  6. Campbell and O'Brien, p. 10
  7. Baden, pp. 305–313
  • Baden, Joel S (2009). J, E, and the redaction of the Pentateuch. Mohr Siebeck.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Friedman, Richard Elliott (1987). Who Wrote the Bible?. Harper San Francisco.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Romer, Thomas (2006). "The Elusive Yahwist: A Short History of Research". Sa Thomas B. Dozeman, Konrad Schmid (pat.). A Farewell to the Yahwist?. SBL.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)