Ang Neolitiko (kilala rin bilang "Bagong Panahong Bato") ay ang pangwakas na paghahati ng Panahon ng Bato, nagsimula mga 12,000 taon na ang nakalilipas nang lumitaw ang mga unang pagpapaunlad ng pagsasaka sa Epipaleolitikong Malapit sa Silangan, at kalaunan sa iba pang mga bahagi ng mundo. Ang dibisyong Neolitiko ay tumagal (sa bahaging iyon ng mundo) hanggang sa transisyonal na panahon ng Chalcolithic mula noong mga 6,500 taon na ang nakaraan (4500 BC), na minarkahan ng pag-unlad ng metalurhiya, na humahantong sa Panahon ng Tanso at Panahon ng Bakal. Sa ibang lugar, ang Neolitiko ay tumagal ng mas matagal. Sa Hilagang Europa, ang Neolitiko ay tumagal hanggang mga 1700 BK, habang sa Tsina ay umabot hanggang 1200 BK. Ang iba pang bahagi ng mundo (kabilang ang Oceania at mga hilagang rehiyon ng Amerika) ay kalakhang nanatili sa yugto ng pag-unlad ng Neolitiko hanggang sa ugnay sa Europa.[1]

Neolitikang pagpinta sa dingding mula sa Tell Bouqras sa Museo Deir ez-Zor, Syria

Mga sanggunian

baguhin
  • Bellwood, Peter (Nobyembre 30, 2004). First Farmers: The Origins of Agricultural Societies. Wiley-Blackwell. p. 384. ISBN 978-0-631-20566-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link)
  • Pedersen, Hilthart (2008). Die Jüngere Steinzeit Auf Bornholm. GRIN Verlag. ISBN 978-3-638-94559-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link)
  1. Morelle, Rebecca (21 Hunyo 2019). "old stone tools pre-date earliest human". South African History Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)