Daigdig

pangatlong planeta mula sa Araw sa ating Sistemang Solar

Ang Daigdíg[1] (sagisag: 🜨; eng: Earth), o ang Lupà o ang Tiyera ay ang ikatlong planeta mula sa Araw, ang pinakamasukal na planeta sa Sistemang Solar, ang pinakamalaki sa apat na planetang terestriyal ng Sistemang Solar, at ang kaisa-isang planeta kung saan maaaring tumirá ang mga buháy na organismo.

Ang Holeng Bughaw, isang sikát na larawan ng Daigdig na kinuhanan ng Apollo 17

Ayon sa pagpepetsang radyometriko at iba pang pinagmula ng ebidensiya, ang Daigdig ay nabuo mga 4.57 bilyong taon na ang nakalipas. Ang Daigdig ay grabitasyonal na nakikisalamuha sa iba pang mga bagay sa kalawakan, lalo na ang Araw at ang Buwan. Sa loob ng isang orbit sa Araw, ang Daigdig ay umiikot sa aksis nitó nang 366.62 beses, na lumilikha ng 365.26 araw na solar o isang sidereal year.[n 7] Ang aksis ng pag-ikot ng Daigdig ay nakatagilid nang 23.4° palayo mula sa perpendikular ng kapatagang orbital nitó, na lumilika naman ng mga baryasyon sa panahon sa rabaw ng plante sa loob ng isang taong tropikal (365.24 araw na solar).[30]Ang Buwan lámang ang permanenteng likás na satelayt ng Daigdig. Ang pakikisalamuhang grabitasyonal nitó sa Dagidig ang nagdudulot ng pagtaas ng tubig sa dagat, nagpapapirmi sa oryentasyon ng Daigdig sa kaniyang aksis ng pag-ikot, at unti-unting nagpapabagal sa tulin ng pag-ikot ng Daigdig.

Ang litospera ng Daigdig ay nahahati sa ilang rigid tectonic plates na dumadayo sa rabaw nitó sa loob ng milyon-milyong taon. Ang 71 bahagdan ng rabaw ng Daigdig ay nababalot ng tubig, at ang natitirá ay binubuo ng mga lupalop at pulo na may mga lawas ng tubig na bumubuo naman sa hidrospera. Ang mga polar regions ng Daigdig na halos lahat ay natatakpan ng yelo kabílang ang Antarctic ice sheet at ang sea ice ng Arctic ice pack. Ang loob ng Daigdig ay nananatiling aktibo na may solidong bakal na inner core, likidong outer core na lumilikha ng magnetic field, at ang convecting mantel na kumokontrol sa mga plate tectonics.

Simula ng Daigdig baguhin

 
Ang daigdig kung paano ito umikot.

Nabuo ang planetang Daigdig mga 4.57 bilyon (4.57×109) taon na ang nakalipas. Nabuo naman ang nag-iisang natural na satelayt ng Daigdig o Buwan noong nakalipas na 4.533 bilyon taon.

Ang simbolong astronomikal nito ay binubuo ng pabilog na krus, kinakatawan ang meridyan at ang ekwador; nilalagay naman sa itaas ng bilog ang krus sa ibang simbolo (Unicode:   or  ).

Tatlong mga bahagi baguhin

Ang tatlong bahagi ng daigdig ay ang mga kinakailangan ng mga organismo upang mabuhay. Pinagkukunan ng halaman ang lupa ng mga sustansiya. Kinakailangan din ng halaman ang elementong tubig upang lumago at magbunga. Ang hangin ay ginagamit din ng mga halaman sa potosintesis. Ang mga hayop, kabílang na ang tao,ay nakakakuha ng enerhiya mula sa mga kinakaing halaman na nagmula sa lupa. Ang katawan ng hayop ay binubuo din ng tubig kung kaya't kinakailangan nating uminom ng tubig araw-araw. Upang makahinga ang mga hayop, kinakailangan din ang hangin na binubuo ng oksiheno at iba pang mga gases. Ang oksiheno ay isang napakaimportanteng elemento sa búhay ng hayop. Ang tatlong bahagi ng daigdig ang nagbibigay ng búhay sa mga organismo.

Lupa baguhin

Ang lupa ng daigdig ay nahahati sa pitóng malalaking kontinente. Sinasabing nagmula sa isang malaking kontinente ang pitóng kilalang kontinente ngayon. At dahil sa mga sakunâ at mga pagbabago sa klima, nagkawatak-watak ang mga lupa at nabuo ang kasalukuyang anyo ng mga kontinente sa daigdig. May iba't ibang anyo ang lupa sa daigdig. Nariyan ang bundok, bulkan, kapatagan, talampas, tangway, burol, lambak at mga isla.

Mga kontinente baguhin

Tubig baguhin

May apat na malalakíng katawan ng tubig o karagatan ang daigdig. Matatagpuan din ang iba't ibang anyo ng tubig sa daigdig tulad ng karagatan, dagat, ilog, talon at lawa. Sa mga anyo ng tubig, tanging mga karagatan at dagat lámang ang maalat ang tubig at ang iba'y mga di-maaalat o tubig tabáng.

Mga karagatan baguhin

Tingnan din baguhin

Mga sanggunian baguhin

  1. English, Leo James (1977). "Daigdig, world, earth". Tagalog-English Dictionary (sa Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.