Australia

bansa sa Oceania
(Idinirekta mula sa Awstralya)

Ang Komonwelt ng Australia[n 1] (Kastila: Aus·tra·lia; Ingles: Aus·tra·lia /əˈstrljə,_ɒʔ,_ʔiə/,[1][2]) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki rito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal (constitutional monarchy). Kasama sa mga karatig-bansa ng Australia ay ang Indonesia, Silangang Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Kapuluang Pasipiko sa hilagang-kanluran, ang Kapuluang Solomon at Vanuatu sa hilagang-silangan, at ang New Zealand sa timog-silangan.

Komonwelt ng Australia (Commonwealth of Australia)
Watawat ng Australia
Watawat
Eskudo ng Australia
Eskudo
Salawikain: wala (dati'y Advance Australia)
Awiting Pambansa: Advance Australia Fair
Location of Australia
KabiseraCanberra
Pinakamalaking lungsodSydney
Wikang opisyalIngles (de facto)1
PamahalaanMonarkiyang konstitusyonal
• Monarko
Charles III
David Hurley
Scott Morrison
Kalayaan 
1 Enero 1901
11 Disyembre 1931
3 Marso 1986
Lawak
• Kabuuan
2,967,909 mi kuw (7,686,850 km2) (6th area_km2 = 7686850)
• Katubigan (%)
1
Populasyon
• Pagtataya sa Setyembre 2005
20,406,800 (ika-52)
• Senso ng 2001
18,972,350
• Kapal
2/km2 (5.2/mi kuw) (ika-191)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2006
• Kabuuan
$674.97 bilyon (ika-16)
• Bawat kapita
$32,686 (ika-13)
TKP (2003)0.955
napakataas · ika-3
SalapiDolyar (AUD)
Sona ng orasUTC+8–+10 (iba't-ibang lugar ng Australia2)
• Tag-init (DST)
UTC+8–+11 (iba't-ibang lugar ng Australia2)
Kodigong pantelepono61
Kodigo sa ISO 3166AU
Internet TLD.au
1Ang wikang Ingles ay wala pa sa uring opisyal na de jure (source)
2May mga maliit na pagkakaiba mula sa tatlong nabanggit na timezones.

Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng mga katutubong Australian, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.

Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.

Ang Australia ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australia ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australia ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (human development index), mataas ang nagiging ranggo ng Australia sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (national performance), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australia ay kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, G20, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD), Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (World Trade Organization o WTO), Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC), at ng Pacific Islands Forum.

EtimolohiyaBaguhin

Binibigkas bilang [əˈstɹæɪljə, -liə] sa Ingles Australiano, ang pangalang Australia ay nagmula sa salitang Latin na australis, na nangangahulugang "katimugan." Tinutukoy din ang bansa sa wikang kolokyal bilang Oz mula noong simula ng ika-20 dantaon. Ang Aussie ay isang karaniwang salitang balbal para sa "Australiano." Sa kapitbahayang New Zealand, at bibihira naman sa Australia mismo, ang pangngalang "Aussie" ay ginagamit din upang tukuyin ang bansa, isang pagbubukod na tawag mula sa mga naninirahan dito. Ang awit-pampalakasan na C'mon Aussie C'mon ay isang halimbawa ng lokal na gamit ng Aussie bilang kasingkahulugan ng Australia.

Ang mga alamat tungkol sa Terra Australis Incognita—isang "di-kilalang kalupaan sa Timog"—ay nag-umpisa mula pa noong panahon ng mga Romano at naging isang karaniwang bagay sa heograpiya ng Kalagitnaang Panahon, bagaman at hindi ito batay sa anumang nasusulat na kaalaman hinggil sa kontinente. Matapos ang pagkakatuklas ng mga Europeo, ang pangalan para sa kalupaang Australian ay malimit na nagiging batayan ng sikat na Terra Australis.

Ang pinakaunang naitalang paggamit ng salitang Australia ay noong 1625 sa “Isang talá ng Australia del Espiritu Santo, isinulat ni Ginoong Richard Hakluyt,” (A note of Australia del Espíritu Santo, written by Sir Richard Hakluyt) inilathala ni Samuel Purchas sa Hakluytus Posthumus, isang korupsiyon ng orihinal na pangalang Espanyol na "Tierra Austral del Espíritu Santo" (Katimugang Lupain ng Espiritu Santo) para sa pulo ng Vanuatu. Ang pang-uring Olandes na salitang Australische ay ginamit sa isang aklat na Olandes sa Batavia (Jakarta) noong 1638, upang tumukoy sa bagong tuklas na mga lupain sa timog. Ginamit sa ibang pagkakataon ang Australia noong 1693 sa isang salin ng Les Aventures de Jacques Sadeur dans la Découverte et le Voyage de la Terre Australe, isang nobelang Pranses noong 1676 ni Gabriel de Foigny, sa ilalim ng sagisag-panulat na Jacques Sadeur. Upang tumukoy sa buong rehiyon ng Timog Pasipiko, ginamit ito ni Alexander Dalrymple sa Isang Makasaysayang Paglilikom ng mga Paglalakbay at mga Natuklasan sa Timog Karagatang Pasipiko (An Historical Collection of Voyages and Discoveries in the South Pacific Ocean) noong 1771. Sa pagtatapos ng ika-18 siglo, ang katawagan ay ginamit upang partikular na tukuyin ang mismong bansa, na isinulat naman ng mga botanistang sina George Shaw at Ginoong James Smith ang tungkol sa “malawak na pulo, o manapa’y kontinente, ng Australia, Australasia, o New Holland” sa kanilang dokumento noong 1793 na Soolohiya at Botanika ng New Holland (Zoology and Botany of New Holland), at si James Wilson naman na isinama ito sa isang talangguhit noong 1799.

Ang pangalang Australia ay pinasikat ng manlalakbay na si Matthew Flinders, na nagtulak dito upang pormal itong pagtibayin simula 1804. Sa dokumento ni Robert Brown na Pangkalahatang puna, heograprikal at sistematikal, hinggil sa botanika ng Terra Australis (General remarks, geographical and systematical, on the botany of Terra Australis), ginamit ni Brown ang salitang pang-uri na Australian sa kabuuan – ang unang nalalamang gamit ng pormang iyon. Sa kabila ng popular na kabatiran, ang aklat ay hindi nakatulong sa pag-angkin ng pangalan: ang pangalan ay unti-unting tinanggap higit sampung taon pa ang dumaan.

Ang unang beses na ang pangalang Australia ay lumitaw upang opisyal na gamitin ay sa isang pagsugo kay Lord Bathurst ng 04 Abril 1817 kung saan kinilala ni Gobernador Lachlan Macquarie ang pagtanggap sa mga talangguhit ng Australia ni Kapitan Flinders. Noong 12 Disyembre 1817, itinagubilin ni Macquarie sa Tanggapang Kolonyal na pormal itong kilalanin. Noong 1824, sumang-ayon ang Kaalmirantehan (Admiralty) na ang kontinente’y dapat opisyal na kilalanin bilang Australia.

Mga estado at mga teritoryoBaguhin

 
Mapa ng mga estado at teritoryo ng Australia

ANG Australia ay may anim na mga estado — New South Wales (NSW), Queensland (QLD), South Australia (SA), Tasmania (TAS), Victoria (VIC) and Western Australia (WA) — at tatlong pangunahing mga teritoryo— ang Australian Capital Territory (ACT), the Northern Territory (NT), at ang Jervis Bay Territory (JBT). Sa karamihan ng mga respto, ang ACT at NT ay gumagangap bilang mga estado maliban nang ang Parliyamento ng Commonwealth ay may kapangyarihang magbago o magbaliktad ng anumang batas na ipinasa mga parliyamento ng isang teritoryo.[3]

Sa ilalim ng Saligang Batas ng Australia, ang mga estado ay may mga plenaryong kapangyarihan na gumawa ng mga batas]] sa anumang nasasakupan samantalang ang Parliamento ng Pederal na Komonwelt ay gumagawa lamang ng batas sa saklaw ng mga nasasakupang lugar sa ilalim ng Seksiyong 51 ng Saligang Batas ng Australia. Halimbawa, ang mga parliamento ng isang estado ay may kapangyrihang magpasa ng batas na nauukol sa edukasyon, batas kriminal, kapulisan ng estado, kalusugan, transportasyon, at lokal na pamahalaan ngunit ang Parliamento ng Komonwelt ay walang spesipikong kapanyariha na magpasa ng batas sa mga isyung ito.[4] Gayumpaman, ang mga batas ng Komonwelt ay maaaring manaig sa mga batas ng estado kung ito ay sasalungat.[5]

Ang bawat estado ng Australia at mga pangunahing teritoryo ay may sarili nitong Parliamento— unikameral sa Northern Territory, the ACT at Queensland, and bikameral sa iba pang estado. Ang mga estado ay mga soberanyang entidad bagaman napapasailalim ng ilang mga kapangyrihan na gaya ng isinasaad sa Saligang Batas ng Australia. Ang mga mababang kapulungan ay tinatawag na Kapulungan ng Asemblea sa South Australia at Tasmania; ang mga mataas na kapulungan ay tinatawag na Konsehong Lehislatibo. Ang pinuno ng pamahalaan sa bawat estado ay ang Premier at ang sa bawat teritoryo ay Pangunahing Ministro. Ang Hari ng Inglatera ay kinakatawan ng bawat estado sa pamamagitan ng isang Gobernador at sa Northern Territory ay ng Administrador. the upper houses are known as the Legislative Council.[6] Sa Komonwelt, ang kinatawan ng Reyna ng Inglatera ay ang Gobernador-Heneral ng Australia.[7]

Diretsang pinangangasiwaan ng Parliamento ng Komonwelt ang mga panlabas ng teritoryo ng Ashmore and Cartier Islands, Christmas Island, the Cocos (Keeling) Islands, at Coral Sea Islands, Heard Island and McDonald Islands, at ang inaangking rehiyon ng Teritoryong Austrlianong Antarktiko gayundin ang panloob na Jervis Bay Territory isang baseng pandagt at daungang pandagat para pambansang kapital sa lupain ng dating bahagi ng New South Wales.[8] Ang panlas ng teritory ng Norfolk Island ay nakaraang nagsasanay ng malaking autonomiya sa ilalim ng Norfolk Island Act 1979 sa pamamagitan ng sarili ng nitong Asembleyang Lehislatibo at isang talaan ng mga administrador na kumakatawan sa Reyna ng Inglatera.[9] Noong 2015, binuwag ng Parliamento ng Komonwelt ang pangangasiwa sa sarili at nagpapasok saNorfolk Island sa mga sistema ng pagbubuwis at welfare ng Austrlia at nagpalit sa asembleyang lehislatibo nito sa isang konseho.[10] Ang Macquarie Island ay bahagi ng Tasmania,[11] at ang Lord Howe Island ay bahagi ng New South Wales.[12]

Mga estadoBaguhin

Pangalan Postal abbreviation Kabisera Populasyon Lawak (km2) Bilang ng upuan sa Kapulungan Bilang ng mga upuan sa Senado Lehislatura Gobernador Premier
  New South Wales NSW Sydney 8,189,300 809,952 47 12 Parliament Margaret Beazley Dominic Perrottet (Lib)
  Victoria VIC Melbourne 6,649,200 237,657 38 12 Parliament Linda Dessau Daniel Andrews (ALP)
  Queensland QLD Brisbane 5,221,200 1,851,736 30 12 Parliament Jeannette Young Annastacia Palaszczuk (ALP)
  Western Australia WA Perth 2,681,600 2,642,753 16 12 Parliament Kim Beazley Mark McGowan (ALP)
  South Australia SA Adelaide 1,773,200 1,044,353 10 12 Parliament Frances Adamson Peter Malinauskas (ALP)
  Tasmania TAS Hobart 541,500 90,758 5 12 Parliament Barbara Baker Peter Gutwein (Lib)

Mga teritoryoBaguhin

Pangalan Postal abbreviation Uri Kabisera/Pinakamalaking populasyon Populasyoon Lawak (km2) Bilang ng upuan ng Kapulungan ng Australia Bilang ng upuan sa Senado ng Australia Lehislatura Administrador Pangunahing Ministor/Akalde
  Australian Capital Territory ACT Panloob na teritoryo Canberra 432,300 2,358 3 2 Asembleyang Lehislatibo Andrew Barr (ALP)
  Northern Territory NT Panloob na teritoryo Darwin 246,300 1,419,630 2 2 Parliamento Vicki O'Halloran Michael Gunner (ALP)
  Christmas Island CX Panlabas na teritoryo Flying Fish Cove 1,938 135 Sa ilalim ng Lingiari Sa ilalim ng NT Natasha Griggs Gordon Thomson
  Norfolk Island NF Panlabas ng teritoryo Kingston 1,758 35 Sa ilalim ng Bean Sa ilalim ng ACT Eric Hutchinson Robin Adams
  Cocos (Keeling) Islands CC Panlabas na teritoryo West Island 547 14 Sa ilalim ng Lingiari Sa ilalim ng NT Natasha Griggs Seri Wati Iku
Jervis Bay Territory JBT Panloob na teritoryo Jervis Bay Village 405 67 Sa ilalim ng Fenner Sa ilalim ng ACT
Australian Antarctic Territory AQ Panlabas ng teritoryo 0 5,896,500
Coral Sea Islands Panlabas ng teritoryo 0 780,000
Heard Island and McDonald Islands HM Panlabas ng teritoryo 0 372
Ashmore and Cartier Islands Panlabas na teritoryo 0 199

RelihiyonBaguhin

 

Relihiyon sa Australia (2016)[13]

  Ibang Kristiyano (16.3%)
  Walang relihiyon(Ateista o Agnotiko) (30.1%)
  Hudyo (0.4%)
  Muslim (2.6%)
  Hindu (1.9%)
  Budista (2.4%)
  Walang isinaad (9.7%)
  Anglikano (13.3%)

KulturaBaguhin

Ang Australia ay isang kulturang indibidwalistiko na isang uri ng ng kultura na ang pagpapahalaga ay nasa isang indibidwal o sarili kesa sa isang grupo. Ang mga kulturang indidbidwal ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Australiano ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Australia ay isang uri ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Australiano ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.

Tingnan dinBaguhin

TalababaBaguhin

  1. Binabaybay din na Australiya. Tingnan: English, Leo James (1977). "Australiya, Australia". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.; Panganiban, Jose Villa. (1969). "Australiya, Australia". Concise English-Tagalog Dictionary.

Mga sanggunianBaguhin

  1. Macquarie ABC Dictionary. The Macquarie Library Pty Ltd. 2003. pa. 56. ISBN 1-876429-37-2.
  2. "Australia". Oxford Dictionaries. Oxford University Press. April 2010. Tinago mula sa orihinal noong 29 Hulyo 2012. Nakuha noong 26 July 2012.
  3. "Commonwealth of Australia Constitution Act – Sect 122 Government of territories". Australasian Legal Information Institute. Tinago mula sa orihinal noong 2021-10-04. Nakuha noong 2022-03-28.
  4. "State and Territory Government". Government of Australia. Tinago mula sa orihinal noong 12 November 2009. Nakuha noong 23 April 2010.
  5. Australian Constitution, section 109
  6. "Role of the Administrator". Government House Northern Territory. 16 June 2008. Tinago mula sa orihinal noong 30 April 2013. Nakuha noong 30 March 2010.
  7. "Governor-General's Role". Governor–General of the Commonwealth of Australia. Tinago mula sa orihinal noong 4 August 2008. Nakuha noong 30 March 2010.
  8. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang CIAfactbook); $2
  9. "Administrator of Norfolk Island". Australian Government Attorney-General's Department. Tinago mula sa orihinal noong 6 August 2008.
  10. Tan, Monica; Australian Associated Press (12 May 2015). "Norfolk Island loses its parliament as Canberra takes control". The Guardian. Nakuha noong 21 October 2015.
  11. "Macquarie Island research station to be closed in 2017". ABC News. 13 September 2016. Nakuha noong 19 October 2019.
  12. Nomination of The Lord Howe Island Group by the Commonwealth of Australia For inclusion in the World Heritage List (PDF). New South Wales Government. December 1981. pa. 1–2. ISBN 0-642-87819-6.
  13. "Religion in Australia". Australian Bureau of Statistics. 28 June 2017. Nakuha noong 6 July 2021.

Mga panlabas na kawingBaguhin