Tektonikong plato

(Idinirekta mula sa Plate tectonics)

Ang tektonikong plato[1] (Kastila: tectónica de placas) ay isang teoryang makaagham sa heolohiya. Inilalarawan nito ang malakihang paggalaw ng pitong malaking plato at ang paggalaw ng mas maraming platong mas maliliit ng litospero ng Daigdig, dahil nagsimula ang mga prosesong tektonika sa Daigdig sa pagitan ng 3.3[2] at 3.5 bilyong taon na ang nakalilipas. Nalunsad ang teoriyang ito sa mas lumang ideya ng pag-anod ng kontinente, isang ideyang lumago noong mga unang dekada ng ika-20 siglo. Tinaggap ng heosiyentipikong komunidad ang teorya ng tektonikang plato pagkatapos mapatunayan ang pagpapalawak ng sahig-dagat sa huling bahagi ng dekada 1950 at unang bahagi ng dekada 1960.

Minapa ang mga platong tektonika ng daigdig sa ikalawang kalahati ng ika-20 siglo
Mosyon ng mga plato batay sa datos ng buntalay na Global Positioning System (GPS) mula sa NASA JPLNaka-arkibo 2011-07-21 sa Wayback Machine.. Ang mga bektor ay nagpapakita ng direksiyon at magnitudo ng mosyon.
Mga labi ng Platong Farallon na malalim sa mantel ng Daigdig. Inakalang ang halos ng plato ay simulang umilalim sa Hilagang Amerika (partikular ang kanluraning Estados Unidos at timog kanlurang Canada) sa napaka babaw na anggulo na lumilikha ng teranyong bulubundkin partikular ang katimugang Bulubunduking Mabato.
Tatlong mga uri ng hangganan ng plato.
Paghahati ng superkontinenteng Pangaea sa paglipas ng panahon mula Permiyano, Triasiko, Hurasiko, Kretaseyoso at modernong panahon.

Ang litospero na ang timgambay na pinakadulong balat ng isang planeta (ang krast at itaas na latag), ay nakahati sa mga platong tektonika. Binubuo ang litospero ng Daigdig ng pito o walong pangunahing plato (depende kung paano sila tinukoy) at mararaming mas maliit na plato. Kung saan nakasasalubong ang mga plato, dinedetermina ng kanilang kaukulang paggalaw sa uri ng hangganan: padikit, pahiwalay, or pahalang. Nagkakaroon ng lindol, bulkanikang aktibidad, pagbubuo ng mga bundok, at mga oseanikong posa sa mga hangganan ng plato (o palyadong linya). Mula sero hanggang 100 mm taun-taon ang tipikal na paggalaw ng mga plato.[3]

Binubuo ang mga platong tektonika ng litosperong oseaniko at mas makapal na litosperong kontinental, bawat isa ay pinatungnan ng kanyang sariling uri ng krast. Sa mga hangganang padikit, subduksyon, o ang pagbagsak ng isang plato sa ilalim ng isa pang plato, ay nagdadala ng mas mababang plato patungong latag; binabalanse ang nawalang materyal sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong (oseanikong) krast sa mga pahiwalay na gilid sa pamamagitan ng paglatag ng sahig-dagat. Sa ganitong paraan, nananatili ang kabuuang kalatagan ng litospero. Tinatawag din itong hula ng tektonikang plato bilang prinsipyo ng kulindang. Iminungkahi ng mga dating teorya na pinabulaanan magmula noon ang unti-unting pag-urong (pagpapaikli) o unti-unting pagpapalaki ng mundo.[4]

Nakakapaggalaw ang platong tektonika dahil mas mataas ang sigmuing lakas ng litospero ng Daigdig kaysa sa astenospera sa ilalim. Nagreresulta ang lateral na baryasyon ng kasiksikan sa latag sa kombeksyon; ibig sabihin, ang mabagal na gapang ng solidong latag ng Daigdig. Ipinapalagay na pinapatakbo ang paggalaw ng plato ng kombinasyon ng paggalaw ng sahig-dagat palayo mula sa lumalawak na gulod dahil sa mga pagkakaiba sa topograpiya (topograpikong taas ang gulod) at pagbabago sa kasiksikan sa krast (tumataas ang kasiksikan habang lumalamig ang kakabuong krast at lumalayo mula sa gulod). Sa mga sona ng subduksyon "hinahatak" ang malamig, sisik na krast o lumulubog patungong latag sa ibabaw ng pababang kumokombektang sanga ng isang sihay-latag.[5] Mahahanap ang isa pang pagpapaliwanag sa mga iba't ibang isig na dulot ng isig-pagas ng Araw at Buwan. Hindi malinaw ang matugnaying kahalagahan ng mga salik na ito at ang kanilang relasyon sa isa't isa, at pinagtatalunan pa rin ito.

Paleoheograpiya ng mundo sa huling Kambriyano ca. 490 milyong taon ang nakakalipas.
Mundo noong gitnang Siluriyano ca. 430 milyong taon ang nakakalipas. Ang Avalonia at Baltica ay nagsama kasama ng Laurentia upang bumuo ng Laurussia.
Mundo noong huling Karbonipero ca. 310 milyong taon ang nakakalipas kung saan ang Laurasya ay nagsanib sa Gondwana upang bumuo ng superkontinenteng Pangaea.
Mundo noong hangganang Permiyano-Triasiko ca. 250 milyong taon ang nakakalipas.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Pagsusuri sa Isang Lindol". jw.org. 2002.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. University of the Witwatersrand (2019). "Drop of ancient seawater rewrites Earth's history: Research reveals that plate tectonics started on Earth 600 million years before what was believed earlier". ScienceDaily. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2019. Nakuha noong 11 Agosto 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Read & Watson 1975.
  4. Scalera & Lavecchia 2006.
  5. Stern, Robert J. (2002). "Subduction zones". Reviews of Geophysics. 40 (4): 1012. Bibcode:2002RvGeo..40.1012S. doi:10.1029/2001RG000108.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.