Araw (astronomiya)
Ang araw (sagisag: ) ay ang bituin na nasa gitna ng sistemang solar. Sa ating sangkaarawan, ang araw ay nag-iisang bituin na nasa gitna ng walong planetang nagsisilibot dito, kasama na sa mga lumilibot ay ang Daigdig. Kasama sa walong planetang nagsisilibot sa araw ay ang iba pang mga bagay, tulad ng mga asteroyd, kometa, at alikabok.
Hidroheno, helyo, at mga bakas ng iilang mga bagay tulad ng bakal, nikel, oksiheno, silikon, asupre, magnesiyo, neon, kalsiyo, at kromyo. Ang araw ay mayroong init na 5780K, na nagbibigay rito ng puting kulay, na kadalasang nakikitang dilaw mula sa Daigdig dahil sa paghihiwalay sa himpapawid, na siyang nagbabawas mula sa mga maiigsing liboyhaba ng ilaw, tulad ng bughaw at lila, na nag-iiwan ng mga frequency na nakikita ng mata bilang dilaw. Itong paghihiwalay na ito ang nagbibigay sa kalawakan ng bughaw nitong kulay. Kapag ang araw ay mababa sa kalawakan,tulad na lang tuwing bukangliwayway at takipsilim, mas marami pang ilaw ang napaghihiwalay, kaya ang kalawaka'y nagmumukhang pula o kulay kahel
Ang enerhiyang mula sa araw sa anyong ilaw at init ang siyang nagpapatakbo ng photosynthesis na siyang nagpatatakbo ng buhay sa Daigdig, at siyang nagpapatakbo ng panahon at mga klima sa naturang buntala.
Pagkakabuo
baguhinAng araw ay nabuo noong mga 4.6 bilyong taon ang nakakalipas mula sa pagguho ng bahagi ng isang higanteng ulap na molekular na binubuo ng halos hidroheno at helium na nagbigay rin ng buhay sa iba pang mga bituin sa uniberso. Ang edad ng araw ay batay sa mga modelong pang-kompyuter ng ebolusyon pang-bituin at sa pamamagitan ng nukleyokomokronolohiya. Ang edad ng uniberso ay 13.8 bilyong taon. Ang mga atomong hidroheno at helium ay nagsasama sa isang reaksiyon na naglalabas ng enerhiya upang kontrahin ang labis ng presyon ng grabidad na nagpapaguho sa ulap ng gas.
Kamatayan
baguhinPagkatapos ng 5 hanggang 7 bilyong taon, ang araw ay mauubusan na nang hidroheno at kapag ito ay nangyari na, ang isang shell ng pagsasama o fusion ng hidroheno ay mabubuo sa palibot ng napupuno ng helium na gitnang looban. Ang puwersang grabitasyonal ay mananaig at sisiksik sa looban na magpapalawak sa araw. Ang araw ay lalaki ng labi na ito ay babalot sa mga planeta nito kabilang ang mundo. Ang araw ay magiging isang pulang higante at mananatiling gayon sa loob ng isang bilyong taon. Ang hidroheno sa labas ng kalooban nito ay mauubos na mag-iiwan ng labis na helium. Ito ay magsasama naman sa mas mabigat na mga elemento tulad ng oksiheno at karbon sa mga reaksiyon hindi magbibigay ng labis na enerhiya. Kapag naglaho na ang helium, ang grabitasyon ay mananaig at ang araw ay liliit at magiging isang puting unano. Ang lahat ng mga panlabas na materyal ay maglalaho at mag-iiwan ng isang planetaryong nebula. [1] Ang araw ay hindi sobrang laki upang magkaroon ng pagsabog na tinatawag na supernova at hindi rin magiging isang black hole. Upang maging supernova ang isang bituin, ito ay nangangailangan ng masa na 10 beses ang laki at ang gayong bituin ay bubuo ng isang siksik na bangkay na bituin na tinatawag na bituing neutron pagkatapos ng pagsabog nito. Upang maging isa namang black hole, ang isang supernova ay mangyari sa isang bituin na 20 beses nang masa ng araw.
Mga paniniwala tungkol sa araw
baguhinBago sa paglilimbag ng De Revolutionibus orbium coelestium noong 1543 ni Nicolaus Copernicus, ang malawakang paniniwala tungkol sa araw na tinatanggap ng mga tao ay ang geosentrismo ni Ptolomeo na ang mundo(earth) ang gitna ang uniberso at lahat ng mga katawang pangkalawakan ay umiinog dito. Isa sa mga astronomong tutol sa heliosentrismo ni Copernicus si Tycho Brahe na nagbigay ng alternatibo sa geocentrismo kung saan ang araw at buwan ay umiinog sa mundo, ang Mercury at Venus at umiinog sa araw sa loob ng orbito ng araw ng mundo at, Mars, Hupiter at ang Saturn ay umiinog sa araw sa labas ng orbito ng araw sa mundo. Si Brahe ay tutol kay Copernicus dahil sa kadahilanang pang-relihiyon. Si Giordano Bruno ang tanging mamamayan noong panahong ito na nagtanggol sa heliosentrismo ni Copernicus.
Sa kanyang 1615 "Liham sa Dakilang Dukesang Cristina", ipinagtanggol ni Galileo ang heliosentrismo at iginiit na ito ay hindi salungat sa Bibliya. Tinanggap ni Galileo ang posisyon ni Agustin ng Hipona na hindi dapat pakahulugang literal] ang Bibliya. Ang prayleng Dominicano na si Tommaso Caccini ang unang umatake kay Galileo. Sa sermon ni Caccini noong 1614, kanyang hinayag na mali si Galileo at ginamit sa kanyang sermon ang Aklat ni Josue 10:13 kung saan pinahinto ng Diyos ang araw. Si Galileo ay humarap sa inkisisyong Romano Katoliko noong 1633 at pumayag na umaming may sala sa pagtatanggol ng heliosentrismo kapalit ng mas magaan na kaparusahan. Si Galileo ay ipinakulong sa bahay ni Papa Urbano III hanggang sa kamatayan ni Galileo sa Florence, Italya noong Enero 8, 1642.