Sistemang Solar
Ang Sistemang Solar ay isang sistemang planetaryo na binubuo ng Araw at ng iba pang mga bagay sa kalawakan na apektado ng pwersa ng grabitasyon nito.[1]
Nabuo ang Sistemang Solar 4.6 bilyong taon na ang nakalilipas mula sa pagkagiba ng pwersa ng grabitasyon ng isang higanteng interstellar molecular cloud. Binubuo ng walong planeta ang sistemang planetaryo na umiikot sa araw. Apat sa mga ito ay mga planetang terestrial na pangunahing binubuo ng bato at metal—Merkuryo, Benus, ang Daigdig, at Marte, at apat sa mga ito ay mga higanteng planeta na mas malaki kumpara sa apat na planetang terestrial. Ang dalawa sa pinakamalaki, ang Hupiter at Saturno, ay mga gas giant na pangunahing binubuo ng idrohino at elyo, habang ang Urano, at Neptuno ay mga ice giant na pangunahing binubuo ng mga sangkap na may matataas na mga punto ng pagkatunaw tulad ng tubig, metano, at amonya.
Ayon sa tradisyon, binubuo ito ng Araw, walong planeta at ang kanilang 165 na kilalang likas na satelayt, mga asteroyd, meteoroyd, kometa, bulkanoyd, at Bagay na Sinturon ng Kuiper. Sa pagitan ng mga ito ay may interplanetaryong alikabok.
Ang bulkanoyd ay mga batong lumiligid sa araw sa loob ng orbit ng Merkuryo. Ang Bagay na Sinturon ng Kuiper (Kuiper Belt Object o KBO) naman ay mga mala-kometang batong binubuo ng yelong metano na lagpas sa orbit ng Neptuno. Tinatawag din ang KBO bilang Trans-Neptunian Object o TNO (Bagay na Trans-Neptunyano).
DiskubreBaguhin
Pinagtatalunan ngayon ng mga astronomo ang klasipikasyon ng Xena na tinaguriang ikasampung planetang nakadiskubre nii Michael Brown ng Caltech, at iba pang mga TNO na tulad ng Sedna at Quaoar, kasama ang posibleng pagbabago ng klasipikasyon ng Pluto. Dahil dito, tinalakay sa panlahatang pagpupulong ng International Astronomical Union (IAU) na ginanap sa Prague, Republikang Tseko noong Agosto 2006, na dinaluhan ni Dr. Cynthia Celebre ng Astronomy Research and Development Section (AsRDS) ng PAG-ASA bilang opisyal na kinatawan ng Pilipinas. Naing nakadepende sa resulta ng pagpupulong ng mga siyentipiko ang maaaring pagiging planeta ng Xena, Sedna, at Quaoar, at maaari ring mawala ang katayuan ng Pluto bilang isang planeta.
ArawBaguhin
Ang araw ay ang nag-iisang bituin sa kalagitnaan ng sistemang solar na ay nililibotan ng walong planeta, kasama na ang "Daigdig" (Earth), Ang enerhiyang nagmumula sa anyong ilaw at init na nagmumula rito.
Buwan (Earth)Baguhin
Ang mga planeta ng Sistemang Solar at malamang ay mga unanong planeta ay inikutan ng hindi bababa sa 219 natural na satellite o buwan.
Ang Mercury na pinakamaliit at pinakaloob na planeta sa Sistemang Solar ay walang buwan.[2] Ang Venus ay walang buwan.[3] Ang Mundo(Earth) ay may isang buwan. Ang Mars ay may dalawang buwan: ang Phobos at Deimos.[4] Ang Jupiter ay may 80 buwan. Ang Saturn ay may 83 buwan na walang alam na orbito. Kabilang dito ang Titan na ikalawang pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Ang Uranus ay may 27 buwan. Ang Neptune ay may 14 buwan na ang pinakamalaki ang Triton. Ang Pluto na isang unanong planeta ay may 5 buwan. Ang pinakamalaki rito ang Charon. Sa mga unanong planeta, ang Ceres ay walang buwan.
Panloob na mga planetaBaguhin
Ang mga "Inner planets" nakacompurmiso sa isang rehiyon ito ay mga tinatawag na mga terrestriyal mga planeta na napapalibutan ng asteriod belt, Ay binubuo ng mga metal at mga bagay, Ang mga inner planets ay malapit sa Araw (Sun), Ito ay may layong 5 AU (750 milyon km; 460 milyon mi).
1. MerkuryoBaguhin
Ang merkuryo ay isang planeta sa sistemang solar ay ang ika-una at pinaka-maliit sa walong planeta, Ipinangalan ito sa Romanong diyos na si Merkuryo.
2. BenusBaguhin
Ang benus ay ang ikalawa at tinaguriang pinakamiit sa walong planeta, dahil sa inilalabas nitong "green house effect" na natatabunan mula sa mababang lebel ng ulap, Nahigitan nito ang planetang Merkuryo na ika-una na katabi mula sa Araw, Pinangalanan mula sa diyosa ng pag-ibig at kagandahan ng mga Romano.
3. Mundo (Earth)Baguhin
Ang mundo (earth) ay ikatlong planeta na umiinog sa gitnang bituin na Araw ng sistemang solar, Ang buhay at mayrong mga namumuhay na organismo, kasama nito ang "Buwan" sa pag-ikot sa rehiyon ng "frost line".
4. MarteBaguhin
Ang Marte o Mars ay ang ikaapat at mapulang planeta, dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa sistemang solar ang "Olympus Mons", ito ay may kasakasamang dalawang siluna ito ang "Phobos" at "Deimos", Ang Mars ay kasinglaki ng kontinente ng Aprika na makikita sa Daigdig.
Panlabas na mga planetaBaguhin
Ang "outer region planets" o "giant planets" sa sistemang solar ay nagtataglay ng maraming siluna (buwan) at nag lalabas ng gas, ammonia, yelo at diyamante, Ang planetang Hupiter ay ang pinakamalaki sa 8 walong planeta, na siyang nagbabalanse ng puwersa sa pagitan ng Saturno, Marte at Benus ng asteriod belt mula sa kabilang rehiyon na terrestrayal planeta at frost line.
5. HupiterBaguhin
Ang Hupiter ay ang ikalima at pinakamalaking planeta na nasa loob ng sistemang solar na nasa pagitan ng mga planetang Saturno at Marte. Ang hupiter ang siyang kumokontrol sa puwersa ng mga planetang Marte at Benus mula sa pag-inog nito sa gitnang Araw. Ang planeta ay mayroong mga malalaking bagyo mula sa apat na singsing nito at nagtataglay ng gas.
6. SaturnoBaguhin
Ang Saturno ay ang ika-anim na planeta sa sistemang solar ito ay mga katabi ng planetang Hupiter at Urano, Ang saturn ay ang tinaguriang the "Jewel Planet of the Solar System" dahil sa taglay nitong nakapalibot na singsing, ito ay napapalibotan ng mga walong siluna ang mga: Mimas, Enceladus, Tethys, Dione, Rhea, Titan, Hyperion, Lapetus.
7. UranoBaguhin
Ang Urano o uranus ay ang ika pitong planeta sa loob ng sistemang solar at Jovian planets, ito ay nagtataglay ng ammonia, yelo at masangsang na amoy, may mga ilang pag-ulan ng diyamante, ito ay katabi ng mga planetang Saturno at Neptuno, kasama ng "uranus" ang limang siluna (buwan) sa pag-inog nito ito ang mga: Miranda, Ariel, Umbriel, Titana at Oberon.
8. NeptunoBaguhin
Ang Neptuno o neptune ay ang ika walong planeta sa loob ng sistemang solar at Jovian planets, ito ay ang pinakamalayo at dulong planeta maliban sa planetang Pluto na sa ika-siyam na puwesto, Ang Neptuno ay ipinangalan sa Diyos ng dagat ng mga Romano. Ang kasamang siluna (buwan) nito sa pag-inog ay ang Triton.
Kuiper beltBaguhin
Ang mga planeta sa "kuiper belt" o napapaloob sa "trans-Neptunian region" kabilang ang planetang Pluto at Ceres na tinaguriang mga "dwarf planet".
9. PlutoBaguhin
Ang Pluto ay ang pinakamaliit na planeta mula sa planetang Merkuryo, Ang "pluto" ay ang ika-siyam na planeta na nakapaloob sa sistemang solar, ngunit hindi nabibilang sa bilang ng walong planeta. kasama ng Pluto ang Ceres sa dwarf planets.
KomposisyonBaguhin
Bagamat madalas ding gamitin ang salitang "sistemang solar" upang tumukoy sa iba pang mga sistemang planetaryong natuklasan sa mga bituin, ang tamang gamit nito ay sa sistemang kinabibilangan ng Daigdig. Hango ang salitang "solar" mula sa Sol na siyang pangalan ng Araw sa wikang Latin, kaya't marapat na gamitin lamang ang katawagang ito sa sistemang nabuo sa grabitasyon ng Araw. Kapag pinag-uusapan ang iba pang sistemang planetaryo, mas mabuting gamitin ang pangalan ng pangunahing bituin bilang kapalit ng pangalan ng Araw. Halimbawa, ang "sistemang Pollux" o "sistemang 51 Pegasi" upang tumukoy sa mga bituin nito kasama ang mga planetang lumiligid dito. Sa ngayon, umaabot na sa 200 ang bilang ng mga planetang natatagpuan sa ibang bituin.
Tingnan sa DaigdigBaguhin
Tingnan dinBaguhin
Mga panlabas na kawingBaguhin
- Talaan ng mga sistema ng mga bituin na pinananatili ng Observatoire de Paris sa pangunguna ni Jean Schneider ng Laboratoire de l'Univers et de ses Théories.
- ↑ "Our Solar System". NASA Solar System Exploration (sa wikang Ingles). NASA. 22 Marso 2023. Nakuha noong 25 Marso 2023.
- ↑ Warell, J.; Karlsson, O. (2007). "A search for natural satellites of Mercury". Planetary and Space Science. 55 (14): 2037–2041. Bibcode:2007P&SS...55.2037W. doi:10.1016/j.pss.2007.06.004.
- ↑ "Solar System Exploration: Planets: Venus: Moons". NASA. Tinago mula sa orihinal noong 11 February 2016. Nakuha noong 16 March 2008.
- ↑ Sheppard, Scott; et al. (2004). "A Survey for Outer Satellites of Mars: Limits to Completeness". The Astronomical Journal. 128 (5): 2542–2546. arXiv:astro-ph/0409522. Bibcode:2004AJ....128.2542S. doi:10.1086/424541. S2CID 45681283.