Ang klima ay ang pangmatagalang padron ng lagay ng panahon sa isang rehiyon, na karaniwang may katatamang nasa loob ng 30 taon.[1][2] Mas mahigpit, nangangahulugan ito bilang ang pagkakaiba-iba ng mga bariyable ng meteorolohiko sa loob ng isang panahon na sumasaklaw mula sa mga buwan hanggang sa milyun-milyong taon. Ilan sa mga bariyable na meteorolohiko na karaniwang sinusukat ay ang temperatura, halumigmig, presyon sa atmospera, hangin, at pag-ulan. Sa mas malawak na kahulugan, ang klima ay ang estado ng mga bahagi ng sistema ng klima, kabilang ang atmospera, hidrospera, kriyospera, litospera at bioyspera at ang mga interaksyon sa pagitan ng mga ito.[1] Apektado ang klima ng isang lokasyon ng latitud, longhitud, lupain, altitud, paggamit ng lupa at kalapit na anyong tubig at ang mga agos nito.[3]

Maaaring uriin ang mga klima ayon sa karaniwan at karaniwang mga bariyable, pinakakaraniwan ang temperatura at presipitasyon. Ang pinakamalawak na ginagamit na pamamaraan ng pag-uuri ay ang pag-uuri ng klima na Köppen. Ang sistemang Thornthwaite,[4] na ginagamit mula noong 1948, ay nagsasama ng ebapotranspirasyon kasama ang temperatura at impormasyon ng presipitasyon at ginagamit sa pag-aaral ng pagkakaiba-ibang pambiyolohiya at kung paano ito naaapektuhan ng pagbabago ng klima. Ang mga pangunahing klasipikasyon sa klasipikasyon ng klima ng Thornthwaite ay mikrotermal, mesotermal, at megatermal.[5] Sa wakas, ang mga sistema ng Sinoptikong Klasipikasyong Bergeron at Espasyal ay nakatuon sa pinagmulan ng masa ng hangin na tumutukoy sa klima ng isang rehiyon.

Kahulugan

baguhin

Ang klima (mula sa Sinaunang Griyego na κλίμα 'inklinasyon' ) ay karaniwang tinutukoy bilang ang lagay panahon na kinatamtaman sa loob ng mahabang panahon.[6] Ang karaniwang katamtaman na lagay ng panahon ay 30 taon,[7] subalit maaring gamitin ang ibang mga tagal ng panahon depende sa layunin. Kasama rin sa klima ang mga estadistika maliban sa katamtaman, gaya ng mga laki ng pang-araw-araw o taon-taon na mga pagkakaiba-iba. Ang kahulugan ng glosaryo ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC, Pangkat Intergobermental sa Pagbabago ng Klima) noong 2001 ay ang sumusunod:

"Ang klima sa pinakikitid na kahulugan ay kadalasang tumutukoy sa "katamtamang lagay ng panahon", o mas mahigpit, bilang isang paglalarawang pang-estadistika sa mga tuntunin ng kalagitnaan o mean at bariyabilidad ng kaugnay na dami sa paglipas ng panahon na sumusukat mula buwan hanggang libo o milyon na mga taon. Ang klasikong panahon ay 30 taon, na binibigyan kahulugan ng World Meteorological Organization (WMO, Pandaigdigang Organisasyong Pang-meteorolohiya). Ang mga dami na ito ay kadalasang mga bariyable na pang-ibabaw tulad ng temperatura, presipitasyon, at hangin. Sa mas malawak na kahulugan, ang klima ay ang estado, kabilang ang paglalarawang estadistika, ng sistemang klima."[8]

Pag-uuri ng klima

baguhin
 
Mga klasipikasyon ng klima na Köppen sa buong mundo

Ang mga pag-uuri ng klima ay mga sistema na ikinakategorya ang mga klima sa mundo. Ang isang pag-uuri ng klima ay maaaring malapit na nauugnay sa isang pag-uuri ng biyospero, dahil isang malaking impluwensya ang klima sa buhay sa isang rehiyon. Pinakaginagamit ang iskimang klasipikasyon ng klima na Köppen na unang binuo noong 1899.[9]

Mayroong ilang mga paraan upang pag-uri-uriin ang mga klima sa magkatulad na mga rehimen. Sa orihinal, binibigyang kahulugan ang mga klima noong Sinaunang Greece upang ilarawan ang panahon depende sa latitud ng isang lokasyon. Maaring malawak na nahahati ang mga makabagong pamamaraan ng pag-uuri ng klima sa mga henetikong pamamaraan, na nakatuon sa mga sanhi ng klima, at mga empirikong pamamaraan, na nakatuon sa mga epekto ng klima. Kasama sa mga halimbawa ng pag-uuring henetiko ang mga pamamaraan batay sa relatibong dalas ng iba't ibang uri ng masa ng hangin o lokasyon sa loob ng mga kaguluhan sa panahong sinoptiko. Kabilang sa mga halimbawa ng empirikong klasipikasyon ang mga sona ng klima na tinukoy ng tibay ng halaman, ebapotranspirasyon,[10] o higit pa sa pangkalahatan ang klasipikasyon ng klima na Köppen na orihinal na idinisenyo upang tukuyin ang mga klimang nauugnay sa ilang biospero. Ang isang karaniwang pagkukulang ng mga iskima ng pag-uuri na ito ay ang paggawa ng mga ito ng mga natatanging hangganan sa pagitan ng mga sona na kanilang tinukoy, sa halip na ang unti-unting paglipat ng mga katangian ng klima na mas karaniwan sa kalikasan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Matthews, J.B. Robin; Möller, Vincent; van Diemen, Renée; Fuglestvedt, Jan S.; Masson-Delmotte, Valérie; Méndez, Carlos; Semenov, Sergey; Reisinger, Andy (2021). "Annex VII. Glossary: IPCC – Intergovernmental Panel on Climate Change" (PDF). IPCC Sixth Assessment Report (sa wikang Ingles). p. 2222. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2022-06-05. Nakuha noong 2022-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Shepherd, J. Marshall; Shindell, Drew; O'Carroll, Cynthia M. (1 Pebrero 2005). "What's the Difference Between Weather and Climate?". NASA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Setyembre 2020. Nakuha noong 13 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gough, William A.; Leung, Andrew C. W. (2022). "Do Airports Have Their Own Climate?". Meteorology (sa wikang Ingles). 1 (2): 171–182. doi:10.3390/meteorology1020012. ISSN 2674-0494.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Thornthwaite, C. W. (1948). "An Approach Toward a Rational Classification of Climate" (PDF). Geographical Review (sa wikang Ingles). 38 (1): 55–94. doi:10.2307/210739. JSTOR 210739. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Ene 24, 2012. Nakuha noong 2010-12-13.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "All About Climate". Education | National Geographic Society (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Climate". Glossary of Meteorology (sa wikang Ingles). American Meteorological Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-07. Nakuha noong 2008-05-14.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Climate averages" (sa wikang Ingles). Met Office. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-06. Nakuha noong 2008-05-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Intergovernmental Panel on Climate Change. Apendiks I: Glosaryo. Naka-arkibo 2017-01-26 sa Wayback Machine. Nakuha noong 2007-06-01. (sa Ingles)
  9. Beck, Hylke E.; Zimmermann, Niklaus E.; McVicar, Tim R.; Vergopolan, Noemi; Berg, Alexis; Wood, Eric F. (30 Oktubre 2018). "Present and future Köppen-Geiger climate classification maps at 1-km resolution". Scientific Data (sa wikang Ingles). 5: 180214. Bibcode:2018NatSD...580214B. doi:10.1038/sdata.2018.214. ISSN 2052-4463. PMC 6207062. PMID 30375988.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Thornthwaite Moisture Index". Glossary of Meteorology (sa wikang Ingles). American Meteorological Society. Nakuha noong 2008-05-21.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)