Saribuhay

baryedad at pagkakaiba-iba ng mga anyong buhay

Ang saribuhay[1] o pagkasari-sari ng buhay (Ingles: biodiversity, biological diversity) ay baryedad at pagkakaiba-iba ng buhay sa mundo. Sukatan ang saribuhay ng baryasyon sa mga antas ng henetika, espesye, at ekosistema.[2]

Ilang halimbawa ng kolatkolat ng kinolekta noong tag-init ng 2008 sa gubat ng Hilagang Saskatchewan, malapit sa La Ronge, na ilustrasyon ng saribuhay ng espeye ng fungi. Sa litratong ito, mayroon ding mga lumot.

Hindi pantay-pantay ang saribuhay sa mundo; mas sari-sari ito sa mga tropiko dahil sa mainit-init na klima at mataas na pangunahing produksiyon sa rehiyon na malapit sa ekwador. Wala pang 10% ng rabaw ng mundo ang mga ekosistema ng tropikal na kagubatan at nilalaman ang mga ito ng 90% ng mga espesye sa mundo. Mas mataas ang saribuhay ng dagat sa mga baybayin sa Kanlurang Paspiko, kung saan pinakamataas ang temperatura ng pinakaibabaw ng dagat, at sa bandang gitnang latitud sa lahat ng mga karagatan. Waring kumukumpol-kumpol ang saringbuhay sa mga hotspot, at tumataas ito sa paglipas ng panahon, ngunit malamang na babagal ito sa hinaharap bilang pangunahing bunga ng deporestasyon. Sinasaklaw nito ang mga proseso sa ebolusyon, ekolohiya, at kultura na sumusustine sa buhay.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "saribuhay - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 8 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "What is biodiversity?" [Ano ang saribuhay?] (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Environment Programme, World Conservation Monitoring Centre. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-08-29. Nakuha noong 2023-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tracy, Benjamin F. (2000). "Patterns of plant species richness in pasture lands of the northeast United States" [Mga huwaran ng kayamanan ng mga espesye ng halaman sa mga pastulan ng hilagang-silangang Estados Unidos]. Plant Ecology (sa wikang Ingles). 149 (2): 169–180. doi:10.1023/a:1026536223478. ISSN 1385-0237. S2CID 26006709.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)