Sistemang koordinadong pangheograpiya

(Idinirekta mula sa Longhitud)

Ang sistemang koordinadong pangheograpiya (Ingles: geographic coordinate system o GCS) ay isang sistemang koordinado na heodesiko o pabilog para sa pagsukat at pakikipagtalastas ng mga posisyong direkta sa Daigdig bilang latitud at longhitud.[2][3] Ito ang pinakasimple, pinakamatanda, at pinakamalawak na ginagamit sa iba't ibang mga sistemang reperensyang pang-espasyo, at binbuo ang batayan para sa iba pa. Bagaman binubuo ng latitud at longhitud ang isang koordinadong tupla, tulad ng isang sistemang koordinadong kartesiyano, ang sistemang koordinadong pangheograpiya ay hindi kartesiyano dahil mga anggulo ang mga sukat at hindi nasa ibabaw na patag.[4]

Ipinapakita sa mapa ng Daigdig ang mga guhit latitud (pahalang) at longitud (patayo), Panudlaing Eckert VI [1]

Kinabibilangan din ng isnag buong espesikipikasyong GCS, tulad ng yaong mga nakatala sa mga pamantayang EPSG at ISO 19111, ng isang piniling datum heodesiko (kabilang ang elipsoydeng Daigdig), bilang ibang mga datum na magbibigay ng ibang halaga ng latitud at longhitud sa kaparehong lokasyon.[5]

Latitud at longhitud

baguhin

Ang latitud (Ingles:Latitude) ay ang isang koordinado na tinutukoy ang posisyong hilaga-timog ng isang punto sa ibabaw ng Daigdig o iba pang bahaging selestiyal. Binibigay ang latitud bilang isang anggulong mula −90° sa timog polo hanggang 90° sa hilagang polo, na may 0° sa Ekwador. Tumatakbo ang mga linya ng mga di-nagbabagong latitud, o mga paralelo, ng silangan-kanluran bilang mga bilog na kahilera ng ekwador. Kadalasang sinisimbolo ang anggulong latitud ng maliit na titik na Griyego na phi (ϕ o φ).

Samantala, ang longhitud (Ingles: longitude),[6] na kadalasang inihahayag bilang digri dahil isa itong sukat pang-anggulo at sinisimbolo ng Griyegong titik na lambda (λ), ay ang heograpikong koordinado na ang karaniwang ginagamit sa kartograpiya at ang pandaigdigang paglalayag para sa pagtukoy ng silangan-kanlurang posisyon ng Daigdig, o iba pang bahaging selestyal. Ang mga meridiyano ay mga linyang imahinaryong semisirkular na tumatakbo mula polo hangang polo na kinakabit ang mga punto sa parehong longhitud. Nabibigayan kahulugan ang punong meridiyano bilang 0° longhitud; sa kumbensyon, dumadaan ang Internasyunal na Meridiyanong Reperensya (International Reference Meridian) para sa Daigdig sa Obserbatoryong Real sa Greenwich, timog-silangang Londres sa pulo ng Gran Britanya. Nasa silangan ng punong meridiyano ang positibong longhitud, at negatibo naman ang nasa kanluran.

Magkasamang ginagamit ang latitud at longhitud bilang koordinadong pares upang tukuyin ang isang lokasyon sa ibabaw ng Daigdig na hindi kinukunsidera ang altitud o lalim.

Mga sanggunian

baguhin
  1. malaking bersyon Naka-arkibo 2012-05-05 sa Wayback Machine. (pdf, 3.12MB)
  2. A Guide to coordinate systems in Great Britain v1.7 October 2007 D00659 - kinuha noong 14.4.2008 (sa Ingles)
  3. Chang, Kang-tsung (2016). Introduction to Geographic Information Systems (sa wikang Ingles) (ika-9 (na) edisyon). McGraw-Hill. p. 24. ISBN 978-1-259-92964-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. DiBiase, David. "The Nature of Geographic Information" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Pebrero 2024. Nakuha noong 18 Pebrero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Using the EPSG geodetic parameter dataset, Guidance Note 7-1". EPSG Geodetic Parameter Dataset (sa wikang Ingles). Geomatic Solutions. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Disyembre 2021. Nakuha noong 15 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Oxford English Dictionary
baguhin