Enerhiya

katangiang pisikal na naipapása sa mga bagay upang makapagbigay ng init o gawa
Para sa ibang gamit, tingnan ang Lakas (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Enerhiya (paglilinaw).

Sa pisika, ang enerhiya (mula sa Griyego ἐνέργεια - energeia, "aktibidad, operasyon", mula sa ἐνεργός - energos, "aktibo, gumagana"[1]) o lakas ay isang eskalar na pisikal na dami na naglalarawan ng halaga ng gawa na maaaring gawin sa pamamagitan ng puwersa. Katangian ng mga bagay at kaparaanan ang enerhiya na nasasaklaw ng batas ng pangangalaga (law of conservation). May ilang mga iba't ibang mga anyo ng enerhiya na kayang magpaliwanag sa mga kilalang likas na pangyayari. Kabilang (ngunit hindi limitado) sa mga anyo ng enerhiya ang enerhiyang kinetiko, potensiyal, init, grabitasyonal, tunog, liwanag, nababanat, at elektromagnetiko. Kadalasang binibigyan ng pangalan ang uri sa kaugnay na puwersa nito.

Kidlat, isang elektrikong pagkasira ng hangin sa pamamagitan ng malakas na elektrikong kampo at isa itong daloy ng enerhiya. Napapalitan ang elektrikong potensiyal na enerhiya sa init, liwanag at tunog, na mga ibang anyo ng enerhiya.

Mga sanggunianBaguhin

  1. Harper, Douglas. "Energy". Online Etymology Dictionary. Nakuha noong 1 Mayo 2007.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.