Elektrikong potensiyal

Ang elektrikong potensiyal (Kilala din sa tawag na electric field potential o electrostatic potential) ay ang laki ng lakas ng elektrikong potensiyal na mayroon ang isang karga ng kuryente kapag ito ay matatagpuan sa saan mang punto ng kalawakan, at ito ay katumbas ng laki ng trabahong iginugol ng elektrikong field sa pagdala sa isang positibong charge mula impinidad hanggang sa puntong iyon.

Elektrikong potensiyal
Electric potential around two oppositely charged conducting spheres. Purple represents the highest potential, yellow zero, and cyan the lowest potential. The electric field lines are shown leaving perpendicularly to the surface of each sphere.
Mga kadalasang simbulo
V, φ
Yunit SIvolt
Ibang yunit
statvolt
Sa Batayang yunit SIV = kg⋅m2⋅s−3⋅A−1
Ekstensibo?yes
DimensiyonM L2 T−3 I−1

Ayon sa elektromagnetismong klasiko, ang electric potential ay isang kantidad na scalar na gumagamit ng Φ(Phi), ΦE or V, na katumbas sa lakas ng elektrikong potensiyal ng anumang partikulang charged sa anumang lokasyon (isinusukat gamit ang joules) na ibinahagi sa charge ng partikula na iyon. Sa pamamagitan ng pagbahagi palabas ng charge sa partikula, mayroong halagang makukuha na katangian ng electric field na ito.

Ang halagang ito ay makukuha sa isang nagbabago o di-nagbabagong electric field sa isang partikular na oras gamit ang mga yunit na joules bawat coulomb o volt. Ang electric potential sa walang hanggan ay ipinapalagay na katumbas sa wala.

Mayroon ding pangkalahatang electric scalar potential na ginagamit sa electrodynamics kapag mayroong mga pabago-bagong electromagnetic field, ngunit mahirap itong kunin. Ang pinagsamang electric potential at magnetic vector potential ay bumubuo ng apat na vector upang ang dalawang uri ng potensyal ay mahalo sa ilalim ng mga pagbabagong Lorentz.