1. Ang topograpiya ay ang kaalaman ng hugis at katangian ng tuktok ng Daigdig at ibang namamasid na pang-astronomiya kabilang ang mga planeta, buwan at asteroyd. Maaring tumukoy ang topograpiya ng isang lugar sa mga hugis at katangian ng ibabaw nito o isang paglalarawan (lalo na ang kanilang paglalarawan sa mapa).

2.Ang larangan ito ng heosiyensya at agham pamplaneta ay nakatuon sa lokal na detalye sa pangkalahatan, kabilang ang relief (ang pagkakaiba ng taas ng palibot na lupain) pati na ang likas at di-likas na katangian nito, at kahit pa ang lokal na kasaysayan at kalinangan. Hindi gaanong karaniwan ang ganitong kahulugan sa Estados Unidos, na kung saan ang mga topograpikong mapa na may pagtaas ang mga tabas ay nagdulot sa "topograpiya" na maging kasingkahulugan sa relief.

3.Sa isang makitid na kahulugan, kinakasangkutan ng topograpiya ang pagtala ng anyo ng lupain o relief, ang tatlong-dimensyon na kalidad ng ibabaw, at ang pagkilala sa partikular na anyong lupa. Kilala din ito bilang heomorpometriya. Sa makabagong gamit, kinakasangkutan ito ng paglikha ng mga datos ng pagtaas sa anyong digital (o digital form o DEM). Kadalasan itong tinuturing na kinabibilangan ng grapikong representasyon ng isang anyong lupa sa mapa sa pamamagitan ng iba't ibang kapamaraanan.[1][2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. What is topography? – Center for Geographic Information (Sa ingles)
  2. Kahulugan mula sa WordNet Search – princeton.edu (Sa Ingles)
  3. Kahulugan mula sa Federal Citizen Information Center – pueblo.gsa.gov (Sa Ingles)