Ang proletaryado (mula sa Latin na proletarius na nangangahulugang 'nagbibigay ng supling' ) ay ang uring panlipunan ng mga kumikita ng sahod, ang mga kasapi ng isang lipunan na ang tanging pag-aari sa makabuluhang halagang pang-ekonomiya ay ang kanilang lakas sa paggawa (ang kanilang kapasidad na magtrabaho).[1] Ang isang miyembro ng ganitong uri ay isang proletaryo. Itinuturing sa pilosopiyang Marxista ang proletaryado sa ilalim ng mga kondisyon ng kapitalismo bilang isang pinagsasamantalahang uri[2]  na napilitang tumanggap ng kakarampot na sahod bilang kapalit sa pagpapatakbo ng mga kagamitan sa produksyon, na kabilang sa mga uring may-ari ng negosyo, ang burgesya.

Nangatuwiran si Karl Marx na nagbibigay ang kapitalistang pang-aapi na ito sa proletaryado ng mga karaniwang pang-ekonomiya at pampulitika na interes na lumalampas sa mga hangganan ng bansa,[3] na nag-uudyok sa kanila na magkaisa at kunin ang kapangyarihan mula sa kapitalistang uri, at sa kalaunan ay lumikha ng isang sosyalistang lipunan na malaya sa mga pagkakaiba ng uri.[4]

Republika at Imperyong Romano

baguhin

Binubuo ang proletarii ng isang uring panlipunan ng mga mamamayang Romano na may kaunti o walang pag-aari. Malamang nagmula ang pangalan sa senso, na isinasagawa ng mga awtoridad ng Roma tuwing limang taon upang makagawa ng isang rehistro ng mga mamamayan at kanilang ari-arian, na nagpasiya sa kanilang mga tungkulin sa militar at mga pribilehiyo sa pagboto. Naitala ang mga nagmamay-ari ng 11,000 assēs (mga barya) o mas kaunti sa ibaba ng pinakamababang kategorya para sa serbisyo militar, at ang kanilang mga anak—prōlēs (supling)—imbis na ari-arian; kaya tinawag na proletarius (nagbibigay ng supling). Binayaran ang mga mamamayang-sundalong Romano ng kanilang sariling mga kabayo at armas, at nakipaglaban nang walang bayad para sa komonwelt, subalit ang tanging kontribusyong militar ng isang proletarius ay ang kanyang mga anak, ang mga magiging mamamayang Romano na maaaring kolonihin ang mga nasakop na teritoryo. Opisyal na tinatawag na capite censi ang mga walang ari-arian na mamamayan dahil sila ay "mga taong nakarehistro hindi dahil sa kanilang ari-arian...kundi bilang mga nabubuhay na indibiduwal lamang, pangunahin bilang mga puno (caput) ng isang pamilya."[5][pananda 1]

Makabagong gamit

baguhin

Klasikong liberal na pananaw

baguhin
 
Jean-François Millet - Ang lalaking may asarol

Noong unang bahagi ng ika-19 na dantaon, maraming iskolar na liberal sa Kanlurang Europa—na nag-aaral ng mga agham panlipunan at ekonomika—ang ipinakilala ang sosyo-ekonomikong pagkakatulad ng modernong mabilis na lumalagong uring manggagawang pang-industriya at ng mga klasikong proletaryo. Ang isa sa pinakamaagang pagkakatulad ay matatagpuan noong 1807 sa papel na pilosopo at siyentipikong pampulitikang Pranses na si Hugues Felicité Robert de Lamennais. Nang maglaon, sinalin niya ito sa Ingles na may pamagat na "Modern Slavery".[6]

Ang liberal na ekonomista at mananalaysay na Suweko na si Jean Charles Léonard de Sismondi ang unang naglapat ng terminong proletaryado sa uring manggagawa na nilikha sa ilalim ng kapitalismo, at madalas na banggatin ni Karl Marx ang mga sinulat niya. Malamang na nakita ni Marx ang katawagan habang pinag-aaralan ang mga gawa ni Sismondi.[7][8][9][10]

Teoryang Marxista

baguhin

Si Marx, na nag-aral ng batas Romano sa Unibersidad ng Friedrich Wilhelm ng Berlin, [11] ay ginamit ang katawagang proletaryado sa kanyang teoryang sosyo-politikal (Marxismo) upang ilarawan ang isang progresibong uring manggagawa na hindi nababahiran ng pribadong pag-aari at may kakayahan sa rebolusyonaryong pagkilos para ibagsak ang kapitalismo at puksain mga uring lipunan, na humahantong sa lipunan sa mas mataas na antas ng kaunlaran at katarungan.

Binigyang kahulugan ni Marx ang proletaryado bilang ang uring lipunan na walang makabuluhang pagmamay-ari ng mga kagamitan sa produksyon (pabrika, makina, lupa, minahan, gusali, sasakyan) at ang tanging paraan ng pamumuhay ay ang pagbebenta ng kanilang lakas-paggawa para sa sahod o suweldo.[12]

Mga pananda

baguhin
  1. Ginamit ni Arnold J. Toynbee, lalo na sa kanyang A Study of History, ang salitang "proletaryardo" sa pangkahalatang kahulugang ito ng tao ng walang pag-aari o bahagi sa lipunan. Tinuon ni Toynbee ang partikular na lumilikhang buhay espirituwal ng "proletaryardong panloob" (yaong nabubuhay sa loob ng isang binigay na lipunan). Sinasalarawan din niya ang mga malabayaning mga alamat pambayan ng "proletaryardong panlabas" (mas mahirap na mga pangkat na nabubuhay sa labas ng hangganan ng isang kabihasnan). Ikumpara si Toynbee, A Study of History (Oxford University 1934–1961), 12 bolyum, sa Bolyum V Disintegration of Civilizations, part one (1939) at 58–194 (proletaryardong panloob), at sa 194–337 (proletaryardong panlabas).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "proletariat" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-06-06 – sa pamamagitan ni/ng The Free Dictionary.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Screpanti, Ernesto (9 Oktubre 2019). "Measures of Exploitation". Labour and Value: Rethinking Marx's Theory of Exploitation (sa wikang Ingles). Cambridge: Open Book Publishers. p. 75. doi:10.11647/OBP.0182. ISBN 9781783747825. Nakuha noong 24 Hulyo 2023. Marx's value theory is a complex doctrine in which three different kinds of speculation coalesce: a philosophy aimed at proving that value is created by a labour substance; an explanation of the social relations of production in capitalism; and a method for measuring exploitation.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Marx, Karl; Engels, Friedrich (1 Enero 2009) [1848]. "Proletarians and Communists". The Communist Manifesto (sa wikang Ingles). The Floating Press. pp. 28–29. ISBN 9781775412434. Nakuha noong 24 Hulyo 2023. The Communists are distinguished from the other working-class parties [...]: [...] In the national struggles of the proletarians of the different countries, they point out and bring to the front the common interests of the entire proletariat, independently of all nationality.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Aron, Raymond (5 Hulyo 2017) [1955]. "The Myth of the Revolution". The Opium of the Intellectuals (sa wikang Ingles) (ika-muling paglimbag (na) edisyon). London: Routledge. p. 56. ISBN 9781351478120. Nakuha noong 24 Hulyo 2023. [...] Marx offered the classless society as the solution to the enigma of history.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Adolf Berger, Encyclopedic Dictionary of Roman Law (Philadelphia: American Philosophical Society 1953) sa 380; 657. (sa Ingles)
  6. de Lamennais, Félicité Robert (1840). Modern Slavery (sa wikang Ingles). J. Watson. p. 9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ekins, Paul; Max-Neef, Manfred (2006). Real Life Economics (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 91–93.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ekelund, Robert B. Jr.; Hébert, Robert F. (2006). A History of Economic Theory and Method: Fifth Edition (sa wikang Ingles). Waveland Press. p. 226.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Lutz, Mark A. (2002). Economics for the Common Good: Two Centuries of Economic Thought in the Humanist Tradition (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 55–57.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Stedman Jones, Gareth (2006). "Saint-Simon and the Liberal origins of the Socialist critique of Political Economy". Sa Aprile, Sylvie; Bensimon, Fabrice (mga pat.). La France et l'Angleterre au XIXe siècle. Échanges, représentations, comparisons (sa wikang Ingles). Créaphis. pp. 21–47.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Cf., Sidney Hook, Marx and the Marxists (Princeton: Van Nostrand 1955) sa 13. (sa Ingles)
  12. Marx, Karl (1887). "Chapter Six: The Buying and Selling of Labour-Power". Sa Frederick Engels (pat.). Das Kapital, Kritik der politischen Ökonomie [Capital: Critique of Political Economy] (sa wikang Ingles). Moscow: Progress Publishers. Nakuha noong 10 Pebrero 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)