Si Karl Heinrich Marx (Mayo 5, 1818 - Marso 14, 1883) ay isang Alemang pilosopo, ekonomista, istoryador, sosyolohista, peryodiko, intelektuwal, teoristang pampolitika, at sosyalistang manghihimagsik na kilala bilang nagsulat ng pampletong Manipestong Komunista noong 1848 (kinapwa may-akda kasama si Friedrich Engels) at ng tatlong-tomong Ang Kapital noong 1867 (postumong inilimbag ang tomong II at III noong 1885 at 1894 ayon sa pagkabanggit). Nagkaroon ng impluwensyang malawak ang kanyang kaisipang pampolitika at pampilosopiya sa kasunod na kasaysayang intelektuwal, pang-ekonomiya, at pampolitika, at ginagamit ang kanyang pangalan bilang pang-uri, pangngalan, at paaralan ng teoryang panlipunan. Kasama si Engels, itinatagurian siya bilang ama ng sosyalismong makaagham, komunismong moderno, materyalismong makasaysayan, at Marxismo.

Karl Marx
Photograph of Marx taken by John Mayall in 1875
IpinanganakKarl Heinrich Marx
5 Mayo 1818(1818-05-05)
Trier, Prussia, German Confederation
Namatay14 Marso 1883(1883-03-14) (edad 64)
London, England
Nasyonalidad
Panahon19th-century philosophy
RehiyonWestern philosophy
Eskwela ng pilosopiya
Mga pangunahing interes
  • Philosophy
  • economics
  • history
  • politics
Mga kilalang ideyaMarxist terminology, value form, contributions to dialectics and the marxian critique of political economy, class conflict, alienation and exploitation of the worker, materialist conception of history
Lagda

Itinuturing rin siyang isa sa pinakadakilang mga ekonomista sa kasaysayan.[11][12][13] Siya ay naglimbag ng maraming mga aklat sa kanyang buhay na ang pinakakilala ang Manipestong Komunista (1848) at Capital (1867–1894). Malapit siyang nakipagtrabaho sa kanyang kaibigan at kapwa rebolusyonaryong sosyalistang si Friedrich Engels.[14]

Siya ay ipinanganak sa isang mayamang gitnang-klaseng pamilya sa Trier sa Prussian Rhineland. Siya ay nag-aral sa University of Bonn at University of Berlin kung saan siya naging interesado sa mga ideyang pilosopikal ng mga Batang Hegelian. Noong 1836, siya ay nakipagkasundong magpakasal kay Jenny von Westphalen na kanyang pinakasalan noong 1843. Pagkatapos ng kanyang mga pag-aaral, sumulat siya para sa isang radikal na diyaryo sa Cologone at nagsimulang buoin ang kanyang materyalismong dialektikal. Pagkatapos lumipat sa Paris noong 1842, nagsimula siyang sumulat para sa mga ibang radikal na diyaryo. Kanyang nakilala si Engels sa Paris at silang dalawa ay nagsamang gumawa sa isang serye ng mga aklat. Siya ay ipinatapon sa Brussels at naging isang pangunahing pigura ng Ligang Komunista bago muling bumalik sa Cologone at nagtatag ng kanyang sariling diyaryo. Noong 1849, siya ay muling ipinatapon at lumipat sa London kasama ng kanyang asawa at mga anak. Sa London kung saan ang kanyang pamilya ay naghirap, patuloy na sumulat si Marx at nagpormula ng kanyang teoriya tungkol sa kalikasan ng lipun at kung paano pinaniniwalaang mapapabuti ito. Nangampanya siyap para sa sosyalismo at naging mahalagang pigura sa International Workingmen's Association.

Ang mga teoriya ni Marx tungkol sa lipunan, ekonomika at politika na sama samang nakilala bilang Marxismo ay naniniwalang ang lahat ng mga lipunan ay sumusulong sa pamamagitan ng dialektiko ng pakikibaka ng klase. Ito ang alitan sa pagitan ng klase nag-aari na kumokontrol ng produksiyon at isang mas mababang klase na lumilikha ng paggawa para sa mga kalakal. Siya ay mabigat na bumatikos sa kasalukuyan sa kanyang panahong anyong sosyo-ekonomika ng lipunan na kapitalismo na kanyang tinawag na "diktadurya ng bourgeoisie". Naniwala siyang ang kapitalismo ay pinapatakbo ng mga klaseng mayayaman para sa kanilang kapakinabangan at kanyang hinulaan na tulad ng mga nakaraang sistemang sosyo-ekonomiko, ang kapitalismo ay hindi maiiwasang lilikha ng mga alitang panloob na hahantong sa sarili nitong pagkawasak at pagpapalit ng isang bagong sistema na Sosyalismo.[kailangan ng sanggunian] Ikinatwiran niyang sa ilalim ng sosyalismo, ang lipunan ay pamamahalaan ng klaseng manggagawa sa kanyang tinatawag na diktadurya ng proletariat", "estado ng mga manggagawa" o "demokrasiya ng mga manggagawa".[15][16] Naniwala siya na ang sosyalismo ay kalaunan namang papalitan ng lipunang walang estado na lipunang walang klase na tinatawag na komunismo. Kasama ng kanyang paniniwala sa pagiging hindi maiiwasan ng sosyalismo at komunismo, aktibo niyang ipinaglaban ang pagpapatupad ng komunismo na nangatwirang ang mga teoristang panlipuunan at mga taong walang kalamangan sa lipunan ay parehong dapat magsagawa ng mga organisadong rebolusyonaryong aksiyon upang pabagsakin ang kapitalismo at magdulot ng pagbabagong sosyo-ekonomiko.[kailangan ng sanggunian]

Ang mga pamahalaang rebolusyonaryong sosyalista na sumusunod sa mga konseptong Marxista ay umakyat sa kapangyarihan sa iba't ibang mga bansa noong ika-20 siglo. Ito ay humantong sa pagkakabuo ng mga gayong estadong sosyalista gaya ng Unyong Sobyet noong 1922 at People's Republic of China noong 1949. Ang maraming mga unyong manggawa at mga partido sa buong mundo ay naimpluwensiyahan rin ng mga ideyang Marxista samantalang ang iba't ibang mga anyong teoretikal nito gaya ng Leninismo, Stalinismo, Trotskyismo, at Maoismo ay nabuo mula sa mga ito. Si Marx ay tipikal na binabanggit kasama nina Émile Durkheim at Max Weber bilang isa sa tatlong mga pangunahing arkitekto ng agham panlipunan. as one of the three principal architects of modern social science.[kailangan ng sanggunian] Marx has been described as one of the most influential figures in human history.[kailangan ng sanggunian]

Samantalang may kumentaryo si Marx sa maraming isyu, pamoso siya sa kanyang pagaanalisa sa kasaysayan lalu na sa labanan ng mga uri. Sinasalamin ang labanang ito sa pambungad na pananalita sa Communist Manifesto : "Ang kasaysayan ng lahat lipunan ay kasaysayan ng labanan ng mga uri."

Mga sanggunian

baguhin
  1. "(ARCH) Babbage pages". University of Oxford. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Pebrero 2016. Nakuha noong 14 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Chattopadhyay, Paresh (2016). Marx's Associated Mode of Production: A Critique of Marxism. Springer. pp. 39–41.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Levine, Norman (2006). Divergent Paths: The Hegelian foundations of Marx's method. Lexington Books. p. 223.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Jonathan Sperber, Karl Marx: A Nineteenth-Century Life, p. 144.
  5. Hill, Lisa (2007). "Adam Smith, Adam Ferguson and Karl Marx on the Division of Labour". Journal of Classical Sociology. 7 (3): 339–66. doi:10.1177/1468795X07082086. S2CID 145447043. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2020. Nakuha noong 7 Oktubre 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Allen Oakley, Marx's Critique of Political Economy: 1844 to 1860 Naka-arkibo 10 September 2015 sa Wayback Machine., Routledge, 1984, p. 51.
  7. Marx n.d., pp. 397–399.
  8. Mehring, Franz, Karl Marx: The Story of His Life (Routledge, 2003) p. 75
  9. John Bellamy Foster. "Marx's Theory of Metabolic Rift: Classical Foundations for Environmental Sociology", American Journal of Sociology, Vol. 105, No. 2 (September 1999), pp. 366–405.
  10. Sperber 2013, pp. Chapter 4.
  11. Roberto Mangabeira Unger. Free Trade Reimagined: The World Division of Labor and the Method of Economics. Princeton: Princeton University Press, 2007.
  12. Hick, The American Economic Review (1974) p. 307-316
  13. Joseph Schumpeter Ten Great Economists: From Marx to Keynes. Volume 26 of Unwin University books. Edition 4, Taylor & Francis Group, 1952 ISBN 0-415-11078-5, 9780415110785
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang sep); $2
  15. Karl Marx: Critique of the Gotha Program (Marx/Engels Selected Works, Volume Three, pp. 13–30;)
  16. In Letter from Karl Marx to Joseph Weydemeyer (MECW Volume 39, p. 58; )