Homo
Ang henus na Homo ay binubuo ng modernong tao at mga uring katulad nito. Ang henus na ito ay tinatatayang may mga 2.3 hanggang 2.4 milyong taong gulang,[1][2] nag-evolve ito mula sa mga Australopitikong ninuno sa paglabas ng Homo habilis. Sinasabing ang H. habilis ay direktang nagmula sa Australopithecus garhi na namuhay ng 2.5 milyon taong nakalipas. Subalit noong May 2010 ay natuklasan ang H. gautengensis, isang uri na maaaring mas matanda pa sa H. habilis.[3]
Homo | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Primates |
Suborden: | Haplorhini |
Infraorden: | Simiiformes |
Pamilya: | Hominidae |
Subpamilya: | Homininae |
Tribo: | Hominini |
Sari: | Homo Linnaeus, 1758 |
Tipo ng espesye | |
Homo sapiens Linnaeus, 1758
| |
Species | |
Homo sapiens |
Ebolusyon
baguhinBagaman ang ilang mga species ng genus na homo ay maaaring mga ninuno ng homo sapiens(modernong tao), ang marami sa mga ito ay malamang na mga pinsan ng homo sapiens na kapwa humiwalay sa linya na pang-ninuno. Ang henus na Homo ay nag-ebolb mula sa henus na Australopithecus. Ang Australopithecus garhi o Australopithecus sediba[4] ay pinaniniwalaang ang posibleng direktang ninuno ng henus na Homo. Ang paglitaw ng Homo ay tinatayang kasabay ng pagsisimula ng pagyeyelong quartenary. Malawakang pinaniniwalaan ng mga arkeologo at paleontologo na ang mga australopithecus ay gumampan ng isang mahalagang bahagi sa ebolusyon ng tao. Ito ang unang hominin na nagpakita ng presensiya ng isang gene na dinuplikang SRGAP2 na nagsanhi ng isang tumaas na haba at kakayahan ng mga neuron sa utak. [5] Ang homo habilis na nag-ebolb mula sa Australopithecus ay pinaniniwalaang nag-ebolb tungo sa homo ergaster na nagpalitaw sa Homo erectus. Gayunpaman, ito ay pinagtatalunan dahil ang ilang mga natuklasang fossil ay nagmumungkahi na ang H. habilis at H. erectus ay sabay nabuhay.[6] Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[7] Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa homo habilis sa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang ilang homo ergaster ay lumipat sa Asya kung saan ang mga ito ay naging homo erectus sa Asya at homo georgicus sa Europa. Ang linya ng ergaster na lumisan sa Aprika at ninuno ng Asyanong homo erectus ay humiwalay mula sa linya ng homo egaster. Ang homo rhodesiensis na nag-ebolb mula sa homo ergaster ay lumipat mula sa Aprika tungo sa Europa at naging homo heidelbergensis. Ang H. heidelbergensis ay nagsanga sa mga species na Neanderthal at Homo sapiens at marahil ay pati sa denisova hominin sa Asya. Ang mga neanderthal ay nag-ebolb mula sa H. heidelbergensis noong mga 300,000 taong nakakalipas sa Europa samantalang ang Homo sapiens(modernong tao) ay hiwalay na nag-ebolb mula sa H.heidelbergensis noong mga 200,000 at 100,000 taong nakakalipas sa Aprika. Noong mga 100,000 taong nakakalipas, ang ilang homo sapiens sapiens ay lumisan sa Aprika tungo sa levant at nakatagpo ang mga Homo neanderthalensis na may ilang mga admixture. [8] Kalaunan noong mga 70,000 taong nakakalipas marahil pagkatapos ng katastropiyang Toba, ang isang maliit na pangkat ay lumisan sa levant at pumuno sa Eurasya, Australya at kalaunan ay sa mga Amerika. Ang isang subgrupo ng mga ito ay nakatagpo ang mga denisovan[9] at pagkatapos ng karagdagang admixture, ay tumira sa Melanesia. Sa scenario na ito, ang mga hindi Aprikanong taong nabubuhay sa kasalukuyan ay halos may pinagmulan sa Aprika. Gayunpaman, may ilang admixture ang mga tao sa mga neanderthal at denisovan na nagebolb ng lokal. Ang resulta ng pag-aaral ng genome ay nagpapakita na noong mga 30,000 taong nakakalipas, ang tatlong mga pangunahing subspecies ng genus na homo ay sabay umiral: ang mga denisovan, ang mga neanderthal at ang mga anatomikal na modernong tao.[10] Ngayon, ang tanging H. sapiens sapiens ang tanging species na natitira ng genus na ito.
Mga species
baguhinSpecies | Nabuhay (milyong taong nakakalipas) | Lugar kung saan nabuhay | Taas ng matanda | Masa ng matanda | Cranial capacity (cm³) | Fossil record | Pagkakatuklas/ publikasyon ng pangalan |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Denisova hominin | 0.04 | Altai Krai | 1 lugar | 2010 | |||
H. antecessor | 1.2 – 0.8 | Espanya | 1.75 m (5.7 tal) | 90 kg (200 lb) | 1,000 | 2 sites | 1997 |
H. cepranensis | 0.5 – 0.35 | Italy | 1,000 | 1 skull cap | 1994/2003 | ||
H. erectus | 1.8 – 0.2 | Africa, Eurasia (Java, China, India, Caucasus) | 1.8 m (5.9 tal) | 60 kg (130 lb) | 850 (early) – 1,100 (late) | Marami | 1891/1892 |
H. ergaster | 1.9 – 1.4 | Silanganin at Katimugang Aprika | 1.9 m (6.2 tal) | 700–850 | Many | 1975 | |
H. floresiensis | 0.10 – 0.012 | Indonesia | 1.0 m (3.3 tal) | 25 kg (55 lb) | 400 | 7 individuals | 2003/2004 |
H. gautengensis | >2 – 0.6 | South Africa | 1.0 m (3.3 tal) | 1 individual | 2010/2010 | ||
H. habilis | 2.3 – 1.4 | Africa | 1.0–1.5 m (3.3–4.9 tal) | 33–55 kg (73–121 lb) | 510–660 | Marami | 1960/1964 |
H. heidelbergensis | 0.6 – 0.35 | Europe, Africa, China | 1.8 m (5.9 tal) | 90 kg (200 lb) | 1,100–1,400 | Marami | 1908 |
H. neanderthalensis | 0.35 – 0.03 | Europe, Western Asia | 1.6 m (5.2 tal) | 55–70 kg (121–154 lb) (heavily built) | 1,200–1,900 | Many | (1829)/1864 |
H. rhodesiensis | 0.3 – 0.12 | Zambia | 1,300 | Very few | 1921 | ||
H. rudolfensis | 1.9 | Kenya | 700 | 2 lugar | 1972/1986 | ||
H. sapiens idaltu | 0.16 – 0.15 | Ethiopia | 1,450 | 3 cranium | 1997/2003 | ||
H. sapiens sapiens (modernong tao) | 0.2 – kasalukuyan | Buong mundo | 1.4–1.9 m (4.6–6.2 tal) | 50–100 kg (110–220 lb) | 1,000–1,980 | Kasalukuyang nabubuhay | —/1758 |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Stringer, C.B. (1994). "Evolution of early humans". The Cambridge Encyclopedia of Human Evolution. Cambridge: Cambridge University Press. p. 242. ISBN 0-521-32370-3.
{{cite book}}
: Unknown parameter|editors=
ignored (|editor=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Also ISBN 0-521-46786-1 (paperback) - ↑ McHenry, H.M (2009). "Human Evolution". Evolution: The First Four Billion Years. Cambridge, Massachusetts: The Belknap Press of Harvard University Press. p. 265. ISBN 978-0-674-03175-3.
{{cite book}}
: Unknown parameter|editors=
ignored (|editor=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Toothy Tree-Swinger May Be Earliest Human"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-02. Nakuha noong 2012-03-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-13. Nakuha noong 2013-06-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reardon, Sara (2012), The Humanity Switch, New Scientist (AU/NZ), 12 May 2012 No2864, Pp. 10-11. ISSN 1032-1233
- ↑ Spoor F, Leakey M.G, Gathogo P.N, Brown F.H, Antón S.C, McDougall I, Kiarie C, Manthi F.K. & Leakey L.N. (2007), "Implications of new early Homo fossils from Ileret, east of Lake Turkana, Kenya", Nature 448(7154): p. 688-691.
- ↑ F. Spoor, M. G. Leakey, P. N. Gathogo, F. H. Brown, S. C. Antón, I. McDougall, C. Kiarie, F. K. Manthi & L. N. Leakey (2007-08-09). "Implications of new early Homo fossils from Ileret, east of Lake Turkana, Kenya". Nature. 448 (7154): 688–691. doi:10.1038/nature05986. PMID 17687323.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) "A partial maxilla assigned to H. habilis reliably demonstrates that this species survived until later than previously recognized, making an anagenetic relationship with H. erectus unlikely" (Emphasis added). - ↑ Green RE, Krause J, et al. A draft sequence of the Neandertal genome. Science. 2010 May 7;328(5979):710-22. doi:10.1126/science.1188021 PMID 20448178
- ↑ ^ Reich D, Green RE, Kircher M, et al. (December 2010). "Genetic history of an archaic hominin group from Denisova Cave in Siberia". Nature 468 (7327): 1053–60. doi:10.1038/nature09710. PMID 21179161.
- ↑ Reich D ., et al. Denisova admixture and the first modern human dispersals into southeast Asia and Oceania. Am J Hum Genet. 2011 Oct 7;89(4):516-28, doi:10.1016/j.ajhg.2011.09.005 PMID 21944045.
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Homo " ng en.wikipedia. |