Hominini

(Idinirekta mula sa Hominin)

Ang Hominini ang tribo ng Homininae na bumubuo sa henus na Homo at ibang mga kasapi ng kladong tao pagkatapos ng paghihiwalay mul asa tribong Panini (mga chimpanzee).[1][2] Ang mga kasapi nito ay tinatawag na mga hominin (Padron:Dabbr Hominidae, "mga hominid"). Ang subtribong Hominina ang sangay ng tao na kinabibilangan ng henus na Homo. Iminungkahi ng mga mananaliksik ang taxon na Hominini batay sa ideya na pinakakaunting katulad na species ng trikotomiya ay dapat ihiwalay mula sa dalawang iba pa. Ang ilang mas maagang mga skema ng klasipikasyon ay kinabibilangan ng henus naPan (chimpanzee) sa loob ng Hominini ngunit ang klasipikasyong ito ay bihira ngayong sinusunod. Ang Sahelanthropus tchadensis ay isang ekstintong espesye ng hominidae na nabuhay noong mga 7 milyong taong nakakalipas na napakalapit sa panahon ng paghihiwalay ng chimpanzee/tao. Hindi maliwanag kundi ito ay maituturing na kasapi ng tribong Hominini.

Hominins
Temporal na saklaw: 5.4–0 Ma
Isang bungo ng Sahelanthropus tchadensis, itinuturing ng ilang mga mananaliksik bilang ang pinakaunang labi ng hominin.
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
Pamilya: Hominidae
Subpamilya: Homininae
Tribo: Hominini
Gray, 1825
Genera

Subtribe Australopithecina

Subtribe Hominina

Sa pamamagitan ng paghahambing ng DNA, naniniwala ang mga siyentipiko na ang paghihiwalay Pan / Homo ay nangyari sa pagitan ng 5.4 at 6.3 milyong taong nakakalipas pagkatapos ng isang hindi karaniwang proseso ng speciation na sumaklaw sa loob ng 4 milyong taon.[3]

Sa mungkahi nina Mann at Weiss (1996),[4] ang tribong Hominini ay kinabibilangan ng Pan gayundin ng Homo ngunit magkahiwalay na mga tribo. Ang Homo ay nasa subtribong Hominina samantalang ang Pan ay nasa subtribong Panina. Tinalakay ni Wood (2010) ang iba't ibang mga pananaw ng taksonomiyang ito. [5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bradley, B. J. (2006). "Reconstructing Phylogenies and Phenotypes: A Molecular View of Human Evolution". Journal of Anatomy. 212 (4): 337–353. doi:10.1111/j.1469-7580.2007.00840.x. {{cite journal}}: no-break space character in |author= at position 9 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wood and Richmond.; Richmond, BG (2000). "Human evolution: taxonomy and paleobiology". Journal of Anatomy. 197: 19–60. doi:10.1046/j.1469-7580.2000.19710019.x. PMC 1468107. PMID 10999270.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Human and chimp genomes reveal new twist on origin of species". [ EurekAlert!/AAAS]. 2006-05-17. {{cite web}}: |access-date= requires |url= (tulong); Missing or empty |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mann, Alan and Mark Weiss (1996). "Hominoid Phylogeny and Taxonomy: a consideration of the molecular and Fossil Evidence in an Historical Perspective". Molecular Phylogenetics and Evolution. 5 (1): 169–181. doi:10.1006/mpev.1996.0011. PMID 8673284.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. B. Wood (2010). "Reconstructing human evolution: Achievements, challenges, and opportunities". Proceedings of the National Academy of Sciences. 107: 8902–8909. Bibcode:2010PNAS..107.8902W. doi:10.1073/pnas.1001649107.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)