Ang Homininae ay isang subpamilya ng Hominidae na kinabibilangan ng mga tao, mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at ilang mga ekstintong kamag-anak nito. Ito ay binubuo ng lahat ng mga hominid na lumitaw pagkatapos ng paghihiwalay mula sa mga orangutan(Ponginae). Ang cladogram na Homininae ay may tatlong mga pangunahing sanga na humantong sa mga gorilya, chimpanze, bonobo at mga tao. May ilang mga umiiral na species ng chimpanzee at gorilya ngunit isang species lamang ng tao ang umiiral bagaman ang ilang mga bakas ng species tao ay natagpuan mula sa 12,000 taong nakakalipas (Homo floresiensis, Homo denisova). Ang mga organismo sa klaseng ito ay inilalarawang hominine(hindi dapat ikalito sa hominin o hominini).

Homininae
Temporal na saklaw: 8–0 Ma
Tatlong mga homininae; isang tao, chimpanzee at gorilya.
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
Pamilya: Hominidae
Subpamilya: Homininae
Genera

Gorilla
Pan
Homo
and see text

Klasipikasyong taksonomiko

baguhin

Subpamilyang Homininae