Denisova hominin

(Idinirekta mula sa Homo denisova)

Ang Denisova hominins (IPA /dʲɪˈnʲisəvə/ ng Rusong Денисова, IPA /dɪˈniːsəvə/ sa Ingles), o mga Denisovan, ay isang panahong Paleolitikong mga kasapi ng henus na Homo na maaaring kabilang sa isang nakaraang hindi alam na espesye ng tao. Noong Marso 2010, inanunsiyo ng mga siyentipiko ang pagkakatuklas ng isang daliring pragmentong buto ng isang batang babaeng nabuhay ng mga 41,000 taong nakalilipas na natuklasan sa isang malayong kweba sa Mga Bundok Altai sa Siberia na tinahanan din ng mga Neanderthal at anatomikong modernong mga tao.[1][2][3] Ang analisis ng DNA na mitokondriyal (mtDNA) ng darili ay nagpapakitang ito ay henetikong malayo mula sa mga mtDNA ng mga neanderthal at anatomikong modernong mga tao (modern humans).[4] Ang kalaunang pag-aaral ng genome na nukleyar mula sa specimen na ito ay nagmumungkahing ang pangkat na ito ay nagsasalo ng isang karaniwang pinagmulan sa mga neanderthal, ang mga ito ay sumaklaw mula Siberia hanggang Timog Silangang Asya at ang mga ito ay namuhay at nakipagtalik sa mga ninuno ng kasalukuyang mga modernong tao na ang hanggang 6% ng DNA ng mga Melanesian at mga Aborihineng Australyano ay hinango mula sa mga Denisovan.[5][6] Ang parehong analisis ng buto ng daliri ng paang natuklasan noong 2011 ay kasalukuyang isinasagawa.[7]

Analisis ng Mitokondriyal na DNA

baguhin

Ang mitokondriyal na DNA (mtDNA) mula sa mga buto ng daliri ay iba sa mga modernong tao sa 385 mga base (mga nucleotide) sa strandong mtDNA mula sa tinatayang 16,500 base samantalang ang pagkakaiba sa pagitan ng mga modernong tao at mga neanderthal ay mga 202 base. Salungat dito, ang pagkakaiba sa pagitan ng mga modernong tao at mga chimpanzee ay tinatayang 1,462 baseng pares na mtDNA.[3] Ito ay nagmumungkahi ng paghihiwalay noong mga isang milyong taon ang nakalilipas. Ang mtDNA mula sa buto ng ngipin ay mayroong malaking pagkakatulad sa buto ng daliri na nagpapakitang ang mga ito ay kabilang sa parehong populasyon.[8]

Analisis ng nukleyar na genome

baguhin

Sa parehong ikalawang papel noong 2010, ang mga may akda ay nag-ulat ng paghihiwalay at pagsesekwensiya ng DNA na nukleyar mula sa butong daliri ng Denisovan. Ang specimen na ito ay nagpapakita ng hindi karaniwang digri ng pag-iingat ng DNA at mababang lebel ng kontaminasyon. Nagawa ng mga siyentipiko na magkamit ng halos kumpletong pagsesekwensiya ng genome na pumapayag sa isang detalyadong paghahambing sa neanderthal at mga modernong tao. Mula sa analisis na ito, sila ay nagbigay konklusyon na sa kabila ng maliwanag na paghihiwalay ng sekwensiyang mitokondriyal ng mga ito, ang populasyong Denisovan kasama ng mga neanderthal ay nagsalo ng isang karaniwang sangay mula sa lahing tumutungo sa modernong mga taong Aprikano. Ang tinatayang aberaheng panahon ng paghihiwalay sa pagitan ng mga sekwensiyang Denisovan at Neanderthal ay 640,000 taong nakalilipas at ang panahon sa pagitan ng parehong mga ito at ang mga sekwensiya ng mga modernong Aprikano ay 804,000 taong nakalilipas. Ito ay nagmumungkahing ang paghihiwalay ng mtDNA ng Denisovan ay nagresulta sa persistansiya ng isang lahing tinanggal mula sa ibang mga sangay ng sangkatauhan sa pamamagitan ng paggalaw henetiko (genetic drift) o isang introgresyon mula sa isang mas matandang lahing hominin.[8]

Pakikipagtalik sa mga tao

baguhin

Ayon sa kamakailang mga pag-aaral henetiko, ang mga modernong tao ay maaaring nakipagtalik sa hindi bababa sa dalawang pangkat ng mga sinaunang tao: ang mga neanderthal at ang mga Denisovan.[9] Ang analisis ay nagpapakitang ang mga modernong tao, mga Neanderthal at mga Denisovan hominin ay huling nagsalo ng isang karaniwang ninuno (common ancestor) mga isang milyong taon ang nakalilipas.[4] Ang pag-aaral henetiko ay nagpapakita na ang tinatayang 4% ng DNA ng mga hindi-Aprikanong modernong tao ay pareho sa mga natagpuan sa mga Neanderthal na nagmumungkahi ng pagtatalik ng dalawang ito.[8] Ang mga pagsubok (tests) na naghahambing ng genome ng Denisovan hominin sa anim na modernong tao: Ang !Kung mula sa Timog Aprika, isang Nigeriano, isang Pranses, isang Papua New Guinean, isang Taga-islang Bougainviller at isang Tsinong Han ay nagpapakita na sa pagitan ng 4% at 6% ng genome ng mga Melanesian(na kinakatawan ng mga Papua New Guinean at mga taga-islang Bougainville) ay hinango mula sa isang populasyong Denisovan. Ang DNA ay posibleng naipakilala noong simulang migrasyon sa Melanesia. Maaaring hindi lamang ang mga Melanesian ang mga modernong panahong inapo (descendants) ng mga Denisovan. Si David Reich ng Harvard University sa pakikipagtulungan kay Mark Stoneking ng Planck Institute team ay nakahanap ng ebidensiyang henetiko na ang lahing Denisovan ay pinagsasaluhan ng mga Melanesian, mga Aborihineng Australyano at mga Mamanwa na isang populasyong Negrito sa Pilipinas. Gayunpaman, hindi lahat ng mga Negrito sa Pilipinas ay natagpuang nag-aangkin ng mga gene ng Denisovan. Ang mga Andamese at mga Jehai sa Malaysia halimbawa, ay natagpuang walang malaking pagmamanang henetikong Denisovan. Ang mga datos na ito ay naglalagay sa pangyayaring pakikipagtalik sa pangunahing lupaing Timog Silangang Asya at nagmumungkahing ang mga Denisovan ay minsang sumaklaw ng malawak sa buong Silangang Asya.[6][10][11]

Ang mga allele na HLA ng sistemang immuno ay partikular na nakaakit ng atensiyon sa pagtatangkang tukuyin ang mga gene na maaaring humango mula sa arkaikong mga tao. Bagaman hindi umiiral sa nasekwensiyang genome ng Denisovan, ang paternong distribusyon at paghihiwalay ng HLA-B*73 mula sa ibang mga allele na HLA ay tumungo sa mungkahing ito ang nag-introgresso mula sa mga Denisovan tungo sa mga tao sa Kanlurang Asya. Sa katunayan, ang kalahati ng mga allele na HLA ng mga modernong Eurasyano ay kumakatawan sa arkaikong mga haplotipong HLA at nahinuhang ng pinagmulang Denisovan o Neanderthal.[12] Ang maliwanag na labis na representasyon ng mga allele na ito ay nagmumungkahi ng isang positibong selektibong presyur para sa kanilang pagpapanatili sa populasyon ng tao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. David Leveille (31 Agosto 2012). "Scientists Map An Extinct Denisovan Girl's Genome". PRI's The World,. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2013. Nakuha noong 31 Agosto 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link)
  2. Brown, David (Marso 25, 2010), "DNA from bone shows new human forerunner, and raises array of questions", Washington Post{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Krause, Johannes; Fu, Qiaomei; Good, Jeffrey M.; Viola, Bence; Shunkov, Michael V.; Derevianko, Anatoli P.; Pääbo, Svante (2010), "The complete mitochondrial DNA genome of an unknown hominin from southern Siberia", Nature, 464 (7290): 894–897, doi:10.1038/nature08976, PMID 20336068 {{citation}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Katsnelson, Alla (March 24, 2010), "New hominin found via mtDNA", The Scientist, inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 22, 2010, nakuha noong Septiyembre 8, 2012 {{citation}}: Check date values in: |access-date= at |archive-date= (tulong)
  5. Carl Zimmer (22 Disyembre 2010). "Denisovans Were Neanderthals' Cousins, DNA Analysis Reveals". NYTimes.com. Nakuha noong 22 Disyembre 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Callaway, Ewen (Setyembre 22, 2011), First Aboriginal genome sequenced, Nature News, doi:10.1038/news.2011.551{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Barras, Colin (13 Agosto 2011), "Stone Age toe could redraw human family tree", New Scientist{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 Reich, David; Green, Richard E.; Kircher, Martin; Krause, Johannes; Patterson, Nick; Durand, Eric Y.; Viola, Bence; Briggs, Adrian W.; Stenzel, Udo (2010), "Genetic history of an archaic hominin group from Denisova Cave in Siberia", Nature, 468 (7327): 1053–1060, doi:10.1038/nature09710, PMID 21179161 {{citation}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Mitchell, Alanna (Enero 30, 2012). "DNA Turning Human Story Into a Tell-All". NYTimes. Nakuha noong Enero 31, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Reich et al., Denisova Admixture and the First Modern Human Dispersals into Southeast Asia and Oceania, The American Journal of Human Genetics (2011), , doi:10.1016/j.ajhg.2011.09.005, PMC 3188841, PMID 21944045 http://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0002929711003958 {{citation}}: Missing or empty |title= (tulong)
  11. Choi, Charles (Setyembre 22, 2011), Now-Extinct Relative Had Sex with Humans Far and Wide, LiveScience{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Laurent Abi-Rached; atbp. (2011-08-25). "The Shaping of Modern Human Immune Systems by Multiregional Admixture with Archaic Humans". Science. 334 (6052). doi:10.1126/science.1209202. PMID 21868630. Inarkibo mula sa orihinal noong Aug 2011. {{cite journal}}: Check date values in: |archivedate= (tulong); Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |laysummary= ignored (tulong)