Pamantasang Harvard
Ang Pamantasang Harvard (Ingles: Harvard University) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Cambridge, sa estado ng Massachusetts, Cambridge, Massachusetts Estados Unidos. Itinatag noong 1636, itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamaimpluwensya at prestihiyong unibersidad sa mundo. Miyembro ito ng Ivy League na kinabibilangan ng iba pang matanda at prestihiyosong kolehiyo sa Estados Unidos.[1][2][3][4][5][6][7]
Ang unibersidad ay isinaayos sa labing-isang pang-akademikong yunit, sampung fakultad at ang Radcliffe Institute for Advanced Study, na may mga kampus sa buong metropolitan area ng Boston: ang 209-acre (85 ha) main campus ay nakasentro sa Harvard Yard sa Cambridge, humigit-kumulang 3 milya (5 km) sa hilagang-kanluran ng Boston; ang Paaralan ng Negosyo at pasilidad sa isports, kabilang ang Harvard Stadium, ay matatagpuan sa kahabaan ng Charles River sa Allston neighborhood ng Boston, at ang mga paaralang medikal, dental, at para sa pampublikong kalusugan ay nasa Longwood Medical Area. Ang $34.5 billion financial endowment ng Harvard ay ang pinakamalaki sa anumang akademikong institusyon.
Ang Harvard ay isang malaki at residensyal na unibersidad sa pananaliksik. Ito ay nagpapatakbo ng ilang mga meso ng sining, kultura, at agham, sa tabi ng Harvard Library, na ang pinakamalaking akademiko at pribadong sistemang pang-aklatan, na binubuo ng 79 indibidwal na mga aklatan na may higit sa 18 milyong mga volyum. Ang alumni ng Harvard ay binubuo ng walong pangulo ng Estados Unidos, ilang pinuno ng ibang bansa, 359 Rhodes scholar, at 242 Marshall scholar. Sa kasalukuyan, 130 Nobel laureates, 18 Fields Medalists, at 13 Turing Award winners ay may kaugnayan sa unibersidad bilang mag-aaral, guro, o kawani.
Mga Paaralan
baguhin- Harvard College
- Medicine
- Divinity
- Law
- Dental Medicine
- Arts and Sciences
- Business
- Extension
- Design
- Education
- Public Health
- Government
- Engineering and Applied Sciences
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Keller, Morton; Keller, Phyllis (2001). Making Harvard Modern: The Rise of America's University. Oxford University Press. pp. 463–481. ISBN 0-19-514457-0.
Harvard's professional schools... won world prestige of a sort rarely seen among social institutions. (...) Harvard's age, wealth, quality, and prestige may well shield it from any conceivable vicissitudes.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Spaulding, Christina (1989). "Sexual Shakedown". Sa Trumpbour, John (pat.). How Harvard Rules: Reason in the Service of Empire. South End Press. pp. 326–336. ISBN 0-89608-284-9.
... [Harvard's] tremendous institutional power and prestige (...) Within the nation's (arguably) most prestigious institution of higher learning ...
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David Altaner (Marso 9, 2011). "Harvard, MIT Ranked Most Prestigious Universities, Study Reports". Bloomberg. Nakuha noong Marso 1, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Collier's Encyclopedia. Macmillan Educational Co. 1986.
Harvard University, one of the world's most prestigious institutions of higher learning, was founded in Massachusetts in 1636.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Newport, Frank. "Harvard Number One University in Eyes of Public Stanford and Yale in second place". Gallup.
- ↑ "ARWU - Harvard University". Shanghai Ranking Consultancy. 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-09-08. Nakuha noong Setyembre 3, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-09-08 sa Wayback Machine. - ↑ "The Week in Review: Harvard Ends Early Admissions and Guess Who Wins". The New York Times. Setyembre 17, 2006.
The most prestigious college in the world, of course, is Harvard, and the gap between it and every other university is often underestimated.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)