Sistemang inmune

(Idinirekta mula sa Sistemang immuno)

Ang sistemang imyuno o sistemang panlaban o sistemang pangsanggalang o sistemang pananggalang (Ingles: immune system) ay isang kaluponan ng mga mekanismong nagbibigay proteksiyon laban sa mga karamdaman sa pamamagitan ng pagkilala at pagpatay sa mga patohen at mga selulang lumilikha ng mga bukol. Nakakapuna ang mga ito ng malawakan at magkakaibang mga ahente, mula sa mga birus hanggang sa mga bulating parasitiko, at kailangang maipagkaiba ang mga ahenteng ito mula sa mga malulusog na selula na pag-aari ng kaniyang sariling pangangatawan at maging mula sa kaniyang mga pansariling mga tisyu, upang ganap na maisagawa ang kaniyang mga tungkulin. Masalimuot ang kakayahang pumunang ito sapagkat nasasanay ang mga manlulusob at nakapagpapalago ng mga maraming mga pamamaraan upang matagumpay na malusob ang punong organismo.

Mga sanggunian

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.