Hominidae
Ang hominid ang taksonomikong pamilya ng mga primado na kinabibilangan ng mga tao, mga chimpanzee, mga bonobo, mga gorilya, at mga oranggutan.[1] Ito ay tinatawag ring mga dakilang mga bakulaw o malaking bakulaw upang itangi mula sa mas maliit na bakulaw(mga gibbon). Ang mga kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na mga hominido, hominidyo o hominid.
Mga hominid[1] | |
---|---|
Isang chimpanzee | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Primates |
Suborden: | Haplorhini |
Infraorden: | Simiiformes |
Superpamilya: | Hominoidea |
Pamilya: | Hominidae Gray, 1825 |
Mga sari | |
Dahil sa pagtitipong ito, kabilang sa Hominidae ang 4 na mga henera at 5 species. Nakahintil ang mga kasapi nitong hindi tao sa ekuwatoryal na Aprika, Sumatra at Borneo. Pumipetsa ang mga fossil ng hominidyo sa Mioseno at nakilalang mula sa Asya.
Nasasaklawan ng timbang ng mga hominidyo ang mula sa 48 kg hanggang 270 kg. Mas malalaki ang mga kalalakihan kesa mga kababaihan. Mga primado o primata ang mga hominidyo, na may matitipunong mga katawan at maunlad na mga bisig.
Kabilang din sa klasipikasyon ang mga ninuno ng pangkasalukuyang nabubuhay na mga uri.
Ebolusyon
baguhinAng mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas.[2][3][4] Ang pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas.
Ang mga maagang primado ay lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang ang Dryopithecus ay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahong Eocene at Oligocene sa depresyong Faiyum ng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species na lemur ng Madagascar, mga loris ng Timog Silangang Asya, mga galago ng Aprika, at mga anthropoid: platyrrhine (mga Bagong Daigdig na unggoy), at mga catarrhine na kinabibilangan ng mga Lumang Daigdig na unggoy at mga dakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mga tao.[5]
Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (Hominoidea at mga Lumang Daigdig na unggoy). [6] Ang mga hominoid(bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas.[7] Ang Hylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula sa Hominidae(mga dakilang bakulaw) noong mga 15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae(mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 12-15 milyong taong nakakalipas.[8] Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan(chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas.[9] Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyang Pan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas.[10][11] Pagkatapos ng paghihiwalay ng mga chimpanzee at tao, ang linyang tumutungo sa tao ay nag-ebolb tungo sa henus na Australopithecus noong mga 4 milyong taong nakakalipas. Ito ay nagpalitaw sa iba't ibang species gaya ng Australopithecus afarensis, A. africanus, A. anamensis, A. bahrelghazali, A. garhi at A. sediba. Noong mga 2 milyong taong nakakalipas, ang Australopithecus ay nag-ebolb tungo sa henus na Homo na nagpalitaw naman sa iba't ibang mga species gaya ng mga neanderthal at mga tao.
Taksonomiya
baguhin- Pamilyang Hominidae: Dakilang mga bakulaw
- Subpamilyang Ponginae
- Saring Pongo - oranggutan
- Subpamilyang Homininae
- Subpamilyang Ponginae
Mga kasalukuyang nabubuhay na species ng Hominidae
baguhin- Subfamily Ponginae
- Genus Pongo
- Bornean orangutan, Pongo pygmaeus
- Pongo pygmaeus pygmaeus
- Pongo pygmaeus morio
- Pongo pygmaeus wurmbii
- Sumatran orangutan, Pongo abelii
- Bornean orangutan, Pongo pygmaeus
- Genus Pongo
- Subfamily Homininae
- Genus Gorilla
- Western gorilla, Gorilla gorilla
- Western lowland gorilla, Gorilla gorilla gorilla
- Cross River gorilla, Gorilla gorilla diehli
- Eastern gorilla, Gorilla beringei
- Mountain gorilla, Gorilla beringei beringei
- Eastern lowland gorilla, Gorilla beringei graueri
- Western gorilla, Gorilla gorilla
- Genus Pan
- Chimpanzee (common chimpanzee), Pan troglodytes
- Central chimpanzee, Pan troglodytes troglodytes
- Western chimpanzee, Pan troglodytes verus
- Nigeria-Cameroon chimpanzee, Pan troglodytes ellioti
- Eastern chimpanzee, Pan troglodytes schweinfurthii
- Bonobo (pygmy chimpanzee), Pan paniscus
- Chimpanzee (common chimpanzee), Pan troglodytes
- Genus Homo
- Tao, Homo sapiens
- Genus Gorilla
- Subfamily Ponginae
Mga natuklasang fossil ng mga hindi na umiiral na species ng Hominidae
baguhinAng sumusunod ang mga natuklasang fossil ng mga hindi na umiiral na species ng Hominidae. [12]
Family Hominidae
- Graecopithecus (?=Ouranopithecus)† (Pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko ang kinalalagyan)
- Graecopithecus freybergi (?=Ouranopithecus macedoniensis)
- Otavipithecus†
- Otavipithecus namibiensis
- Morotopithecus†
- Morotopithecus bishopi
- Subfamily Ponginae[13]
- Tribe Lufengpithecini†
- Lufengpithecus
- Lufengpithecus lufengensis
- Lufengpithecus keiyuanensis
- Lufengpithecus hudienensis
- Lufengpithecus
- Tribe Sivapithecini†
- Ankarapithecus
- Ankarapithecus meteai
- Sivapithecus
- Sivapithecus brevirostris
- Sivapithecus punjabicus
- Sivapithecus parvada
- Sivapithecus sivalensis
- Sivapithecus indicus
- Gigantopithecus
- Gigantopithecus bilaspurensis
- Gigantopithecus blacki
- Gigantopithecus giganteus
- Ankarapithecus
- Tribe Pongini
- Khoratpithecus†
- Khoratpithecus ayeyarwadyensis
- Khoratpithecus piriyai
- Khoratpithecus chiangmuanensis
- Pongo (orangutans)
- Pongo hooijer†
- Khoratpithecus†
- Tribe Lufengpithecini†
- Subfamily Homininae[14][15]
- Pierolapithecus†
- Pierolapithecus catalaunicus
- Udabnopithecus†
- Udabnopithecus garedziensis
- Tribe Dryopithecini†
- Oreopithecus (Pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko ang kinalalagyan)
- Oreopithecus bambolii
- Nakalipithecus
- Nakalipithecus nakayamai
- Anoiapithecus
- Anoiapithecus brevirostris
- Dryopithecus
- Dryopithecus wuduensis
- Dryopithecus fontani
- Dryopithecus brancoi
- Dryopithecus laietanus
- Dryopithecus crusafonti
- Oreopithecus (Pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko ang kinalalagyan)
- Rudapithecus†
- Rudapithecus hungaricus
- Samburupithecus†
- Samburupithecus kiptalami
- Tribe Gorillini
- Chororapithecus † (Pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko ang kinalalagyan)
- Chororapithecus abyssinicus
- Chororapithecus † (Pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko ang kinalalagyan)
- Tribe Hominini
- Subtribe Hominina
- Sahelanthropus† (Ang katayuang hominin ay malaking problematiko)
- Sahelanthropus tchadensis
- Orrorin†
- Orrorin tugenensis
- Ardipithecus†
- Ardipithecus ramidus
- Ardipithecus kadabba
- Kenyanthropus† (Pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko ang kinalalagyan)
- Kenyanthropus platyops
- Praeanthropus†[16]
- Australopithecus†
- Paranthropus†
- Homo – Mga agarang ninuno ng mga modernong tao
- Homo gautengensis†
- Homo rudolfensis†
- Homo habilis†
- Homo floresiensis†
- Homo erectus†
- Homo ergaster†
- Homo antecessor†
- Homo heidelbergensis†
- Homo cepranensis†
- Denisovans (Ang pangalang siyentipiko ay hindi pa naitatakda)†
- Homo neanderthalensis†
- Homo rhodesiensis†
- Homo sapiens
- Homo sapiens idaltu†
- Archaic Homo sapiens (Cro-magnon)†
- Red Deer Cave people† (Hindi pa naitatakda ang pangalang siyentipiko; marahil ay isang lahi ng mga modernong tao o isang hybrid[17] ng mga modernong tao at mga Denisovan.[18])
- Sahelanthropus† (Ang katayuang hominin ay malaking problematiko)
- Subtribe Hominina
- Pierolapithecus†
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Groves, C.P. (2005). Wilson, D.E.; Reeder, D.M. (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Baltimore: Johns Hopkins University Press. pp. 181–184. ISBN 0-801-88221-4. OCLC 62265494.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lee, M. (1999). "Molecular Clock Calibrations and Metazoan Divergence Dates". Journal of Molecular Evolution. 49 (3): 385–391. doi:10.1007/PL00006562. PMID 10473780.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Scientists Push Back Primate Origins From 65 Million To 85 Million Years Ago". Science Daily. Nakuha noong 2008-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tavaré, S., Marshall, C. R., Will, O., Soligo, C. & Martin R.D. (Abril 18, 2002). "Using the fossil record to estimate the age of the last common ancestor of extant primates". Nature. 416 (6882): 726–729. doi:10.1038/416726a. PMID 11961552.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Kordos L, Begun D R (2001). "Primates from Rudabánya: allocation of specimens to individuals, sex and age categories". J. Hum. Evol. 40 (1): 17–39. doi:10.1006/jhev.2000.0437. PMID 11139358.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Robert W. Shumaker & Benjamin B. Beck (2003). Primates in Question. Smithsonian Institution Press. ISBN 1-58834-176-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Apes, Monkeys Split Earlier Than Fossils Had Indicated/". redOrbit.com. 8 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2011. Nakuha noong 6 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.orangutan.org/orangutan-facts/orangutan-biology
- ↑ http://www.abc.net.au/science/articles/2012/03/08/3448783.htm
- ↑ Won, Yong-Jin; Hey, Jody (13 Oktubre 2004). "Divergence population genetics of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 22 (2): 297–307. doi:10.1093/molbev/msi017. PMID 15483319.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fischer, Anne; Wiebe, Victor; Pääbo, Svante; Przeworski, Molly (12 Pebrero 2004). "Evidence for a complex demographic history of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 21 (5): 799–808. doi:10.1093/molbev/msh083. PMID 14963091.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Haaramo, Mikko (2005-01-14). "Hominoidea". Mikko's Phylogeny Archive.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Haaramo, Mikko (2004-02-04). "Pongidae". Mikko's Phylogeny Archive.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Haaramo, Mikko (2005-01-14). "Hominoidea". Mikko's Phylogeny Archive.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Haaramo, Mikko (2007-11-10). "Hominidae". Mikko's Phylogeny Archive.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Paleodb". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-27. Nakuha noong 2013-07-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Barras, Colin (2012-03-14). "Chinese human fossils unlike any known species". New Scientist. Nakuha noong 2012-03-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Geographic". National Geographic Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2007. Nakuha noong 25 Hulyo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)