Aprika

kontinente
(Idinirekta mula sa Africa)

Africa
Aprika

A world map showing the continent of Africa. (See Politics section for a clickable map of individual countries.)

Lawak 30,221,532 km² (11,668,598.7 sq mi)
Populasyon 922,011,000[1] (2005, 2nd)
Density 30.51/km² (about 80/sq mi)
Mga Umaasang Bansa
Demonym Aprikano
Wika Higit sa 1,000 katutubong wikang Aprikano kabilang ang ilang mga wika na sinasalita ng milyon-milyong katulad ng Igbo, Swahili, Hausa, Amharic, at Yoruba; Dagdag pa nito ang Arabe, Ingles, Pranses, Portuges, Afrikaans, Kastila, mga wikang Indiyano, at iba pa
Sona ng oras UTC-1 (Cape Verde) to UTC+4 (Mauritius)

Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.[2]

Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa mundo. Sa sukat na 30.2 milyon kilometro kwadrado (11.7 milyon kwadrado milimetro), kasama na ang mga katabing isla nito, binubuo nito ang 6 na porsyento ng kabuaan na kalupaan ng mundo at 20.4 porsyento ng kabuuang sukat ng patag na kalupaan. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 ay 15 porsyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang kontinenteng ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito.

Ang populasyon ng Aprika ay ang pinakabata sa lahat ng kontinente sa mundo. Ang kanilang median age noong 2012 ay 19.7, habang ang pangkabuuang gitnang edad (median age) noon sa mundo ay 30.4. Algeria ang pinakamalaking bansa pagdating sa sukat ng lupa habang Nigeria naman ang bansang may pinakamalaking populasyon. Ang Aprika, partikular na ang sentral ng Silangang Aprika, ay kinikilala bilang lugar na pinagmulan ng mga tao at ng Hominidae clade (malalaking bakulaw), kung saan ay natagpuan ang mga pinakaunang hominids at kanilang mga ninuno at mga sumunod na henerasyon na naitalang namuhay pitong milyong taon na ang nakararaan kabilang ang Sahelanthropus tchadensis, Australopithecus africanus, A. afarensis, Homo erectus, H. habilis at H. ergaster – kasama ang pinakaunang Homo sapiens o modernong tao na natagpuan sa Ethiopia na tinatayang namuhay mga 200,000 taon na ang nakararaan. Ang Aprika ay dinadaanan ng ekwador at mayroon itong iba’t ibang klima. Ito lamang ang kontinente na abot sa hilaga hanggang timog ng sonang katamtaman.

Ang Aprika ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa ay sinakop ang malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado sa Aprika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo.

Mga teritoryo ng mga Bansa sa Aprika at rehiyon

baguhin

Sa talaan na ito at rehiyon kung saan sila ay nakakategorya na base sa mga panukala ng Mga Bansang Nagkakaisa.[3]

Pangalang ng rehiyon at
teritoryo, kasama ang watawat
Lawak
(km²)
Populasyon
(2009 Taya)
Densidad ng Populasyon
(bawat km²)
Kabisera
Silangang Aprika (Eastern Africa):
  Burundi 27,830 8,988,091 Bujumbura
  Komoro 2,170 752,438 283.1 Moroni
  Djibouti 23,000 516,055 20.6 Djibouti
  Eritrea 121,320 5,647,168 36.8 Asmara
  Etiyopiya 1,127,127 85,237,338 60.0 Addis Ababa
28.1 Antananarivo
  Malawi 118,480 14,268,711 90.3 Lilongwe
  Mauritius 2,040 1,284,264[3] 629.5 Port Louis
  Mayotte (France) 374 223,765[3] 489.7 Mamoudzou
  Mosambik 801,590 21,669,278[3] 27.0 Maputo
  Réunion (France) 2,512 743,981(2002) 296.2 Saint-Denis
  Rwanda 26,338 10,473,282[3] 397.6 Kigali
  Seyseles 455 87,476[3] 192.2 Victoria
  Somalia 637,657 9,832,017[3] 15.4 Mogadishu
  Tansania 945,087 41,048,532[3] 43.3 Dodoma
  Uganda 236,040 32,369,558[3] 137.1 Kampala
  Sambia 752,614 11,862,740[3] 15.7 Lusaka
  Simbabwe 390,580 11,392,629[3] 29.1 Harare
Gitnang Aprika: 6,613,253 121,585,754 18.4
  Angola 1,246,700 12,799,293[3] 10.3 Luanda
  Kamerun 475,440 18,879,301[3] 39.7 Yaoundé
  Republikang Gitnang-Aprikano 622,984 4,511,488[3] 7.2 Bangui
  Tsad 1,284,000 10,329,208[3] 8.0 N'Djamena
  Konggo 342,000 4,012,809[3] 11.7 Brazzaville
  Demokratikong Republika ng Konggo 2,345,410 68,692,542[3] 29.2 Kinshasa
  Ekwatoryal Guinea 28,051 633,441[3] 22.6 Malabo
  Gabon 267,667 1,514,993[3] 5.6 Libreville
  Sao Tome at Prinsipe 1,001 212,679[3] 212.4 São Tomé
Hilagang Aprika: 8,533,021 211,087,622 24.7
  Alherya 2,381,740 34,178,188[3] 14.3 Algiers
  Ehipto[4] 1,001,450 83,082,869[3] total, Asia 1.4m 82.9 Cairo
  Libya 1,759,540 6,310,434[3] 3.6 Tripoli
  Moroko 446,550 34,859,364[3] 78.0 Rabat
  Sudan 2,505,810 41,087,825[3] 16.4 Khartoum
  Tunisia 163,610 10,486,339[3] 64.1 Tunis
  Kanlurang Sahara[5] 266,000 405,210[3] 1.5 El Aaiún
Mga teritoryong umaasa sa Europa na matatagpuan sa Hilagang Aprika:
  Kapuloan Espana (Espanya)[6] 7,492 1,694,477(2001) 226.2 Las Palmas de Gran Canaria,
Santa Cruz de Tenerife
  Ceuta (Espanya)[7] 20 71,505(2001) 3,575.2
  Madeira (Portugal)[8] 797 245,000(2001) 307.4 Funchal
  Melilla (Spain)[9] 12 66,411(2001) 5,534.2
Timog Aprika (Southern Africa): 2,693,418 56,406,762 20.9
  Botswana 600,370 1,990,876[3] 3.3 Gaborone
  Lesotho 30,355 2,130,819[3] 70.2 Maseru
  Namibia 825,418 2,108,665[3] 2.6 Windhoek
  Timog Africa 1,219,912 49,052,489[3] 40.2 Bloemfontein, Cape Town, Pretoria[10]
  Suwasilandiya 17,363 1,123,913[3] 64.7 Mbabane
Kanlurang Aprika: 6,144,013 296,186,492 48.2
  Benin 112,620 8,791,832[3] 78.0 Porto-Novo
  Burkina Faso 274,200 15,746,232[3] 57.4 Ouagadougou
  Kabo Berde 4,033 429,474[3] 107.3 Praia
  Baybaying Garing 322,460 20,617,068[3] 63.9 Abidjan, Yamoussoukro[11]
  Gambiya 11,300 1,782,893[3] 157.7 Banjul
  Gana 239,460 23,832,495[3] 99.5 Accra
  Guinea 245,857 10,057,975[3] 40.9 Conakry
  Guinea-Bissau 36,120 1,533,964[3] 42.5 Bissau
  Liberia 111,370 3,441,790[3] 30.9 Monrovia
  Mali 1,240,000 12,666,987[3] 10.2 Bamako
  Mauritania 1,030,700 3,129,486[3] 3.0 Nouakchott
  Niher 1,267,000 15,306,252[3] 12.1 Niamey
  Niherya 923,768 149,229,090[3] 161.5 Abuja
  Saint Helena (UK) 410 7,637[3] 14.4 Jamestown
  Senegal 196,190 13,711,597[3] 69.9 Dakar
  Sierra Leone 71,740 6,440,053[3] 89.9 Freetown
  Togo 56,785 6,019,877[3] 106.0 Lomé
KABUUAN (Total) 30,368,609 1,001,320,281 33.0

Palatandaan

baguhin
  1. "World Population Prospects: The 2006 Revision" Naka-arkibo 2011-05-11 sa Wayback Machine. United Nations (Department of Economic and Social Affairs, population division)
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Aprika, Aprikano, Aprikana". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 3.13 3.14 3.15 3.16 3.17 3.18 3.19 3.20 3.21 3.22 3.23 3.24 3.25 3.26 3.27 3.28 3.29 3.30 3.31 3.32 3.33 3.34 3.35 3.36 3.37 3.38 3.39 3.40 3.41 3.42 3.43 3.44 3.45 3.46 3.47 3.48 USCensusBureau:Countries and Areas Ranked by Population: 2009
  4. Malawang itinuturing ang Egypt bilang isang bansang transkontinental sa Hilagang Aprika (UN region) at Kanlurang Asya; para sa Aprika lamang ang mga bilang para sa populasyon at lawak, kanluran ng Suez Canal.
  5. Pinagtatalunan ang Western Sahara ng Sahrawi Arab Democratic Republic, na nangangasiwa sa maliit na bahagi ng teritoryo, at ng Morocco, na sumasakop sa ibang bahagi.
  6. Ang Spanish Canary Islands, kung saan kapwa kabisera ang Las Palmas de Gran Canaria at Santa Cruz de Tenerife, ay karaniwang itinuturing na bahagi ng Hilagang Aprika dahil sa malapit ito sa Morocco at Western Sahara; para sa 2001 at bilang ng populasyon at lawak.
  7. Ang Ceuta, na exclave ng Spain, ay binalilibutan ng Morocco sa Hilagang Aprika; para sa 2001 ang bilang ng populasyon at lawak.
  8. Ang Portuguese Madeira Islands ay karaniwang itinuturing na bahagi ng Hilagang Aprika dahil sa lapit nito sa Morocco; para sa 2001 ang bilang ng populasyon at lawak.
  9. The Spanish exclave of Melilla is surrounded on land by Morocco in Northern Africa; population and area figures are for 2001.
  10. Bloemfontein ang kabiserang panghukuman (judicial capital) ng South Africa, habang ang Cape Town ang sentrong pambatas (legislative seat), at Pretoria ang sentrong pampangasiwaan (administrative seat) ng bansa.
  11. Yamoussoukro ang opisyal na kabisera ng Côte d'Ivoire, habang ang Abidjan ang de facto na sentro.