Ang Monrovia /mənˈrviə/[1][2] ay ang kabiserang lungsod ng bansa sa Kanlurang Aprika na Liberia. Matatagpuan sa Atlantikong Baybayin ng Tangos ng Mesurado, mayroong populasyon ang Monrovia ng 1,010,970 ayon sa sensus ng 2008. Sa kabuuang 29% ng kabuuang populasyon ng Liberia, ang Monrovia ay ang pinakamataong lungsod sa bansa.[3]

Itinatag noong Abril 25, 1822, ang Monrovia ay ang ikalawang permanenteng Aprikanong Amerikanong paninirahan sa Aprika pagkatapos ng Freetown, Sierra Leone. Pangunahing hinuhubog ang ekonomiya ng Monrovia sa pamamagitan ng daungan nito at sa ginagampanan nito bilang ang lokasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan ng Liberia.

Etimolohiya

baguhin

Ipinangalan ang Monrovia bilang pagpupugay sa Pangulo ng Estados Unidos na si James Monroe, isang prominenteng tagasuporta ng kolonisasyon ng Liberia at American Colonization Society (Lipunan ng Amerikanong Kolonisasyon). Kasama ang Washington, D.C., isa ito sa mga pambansang kabisera na ipinangalan pagkatapos sa isang Pangulo ng Estados Unidos.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Definition of Monrovia" (sa wikang Ingles). The Free Dictionary. Nakuha noong 2014-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) /mənˈrviə,_mɒnˈrviə/
  2. "Define Monrovia". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2014-01-05.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) /mənˈrviə/
  3. "Global Statistics" (sa wikang Ingles). GeoHive. 2009-07-01. Nakuha noong 2010-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)