Canarias
Ang Canarias o Kapuluan ng Canarias (Kastila: Islas Canarias) ay isang pangkat ng mga pulo at isa sa mga nagsasariling pamayanan ng Espanya sa Karagatang Atlantiko sa rehiyon na kilala bilang Macaronesia. Ang Santa Cruz de Tenerife ang kabisera nito. Ang mga pangunahing pulo nito ay ang Tenerife, Gran Canaria, Lanzarote, Fuerteventura, La Palma, La Gomera, at El Hierro, at lahat ay mga popular na puntahan ng mga turista. Ang kapuluan ang pinakatimog sa mga pamayanan ng Espanya at ekonomiko at politikong Europeo, at kabilang sa Unyong Europeo.[2][3]
Canarias Islas Canarias | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 28°00′N 15°45′W / 28°N 15.75°W | |||
Bansa | Espanya | ||
Lokasyon | Espanya | ||
Itinatag | 10 Agosto 1982 | ||
Kabisera | Santa Cruz de Tenerife, Las Palmas de Gran Canaria | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 7,447 km2 (2,875 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2021)[1] | |||
• Kabuuan | 2,172,944 | ||
• Kapal | 290/km2 (760/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | ES-CN | ||
Wika | Kastila | ||
Websayt | http://www.gobcan.es |
Ang walong pangunahing mga pulo ay (mula sa pinakamalaki hanggang pinakamaliit) Tenerife, Fuerteventura, Gran Canaria, Lanzarote, La Palma, La Gomera, El Hierro at La Graciosa. Binubuo ang kapuluan ng higit na maliit pang mga pulo at munting pulo, kabilang ang Alegranza, Isla de Lobos, Montaña Clara, Roque del Oeste, at Roque del Este. Kinabibilangan din ito ng mga pulong bato, kasama ang mga pulong bato ng Salmor, Fasnia, Bonanza, Garachico, at Anaga. Noong unang panahon, ang kapuluan ay madalas tawaging bilang "Mga mapalad na pulo.[4] Pinakatimog na bahagi ng Espanya ang mga pulo ng Canarias at ang pinakamalaki at pinakamataong kapuluan ng Macaronesia.[5] Dahil sa kinalalagyan ng kapuluan, itinuring ang mga Kapuluan ng Canarias bilang tulay sa pagitan ng apat na mga kontinente ng Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, at Europa.[6]
Noong 2019, ang Kapuluan ng Canarias ay may kabuuang populasyon na 2,153,389[kailangan ng sanggunian] may densidad na 287.39 bawat km2, ang ikawalong pinakamataong nagsasariling pamayanan ng Espanya. Nakatuon ang populasyon sa dalawang kabisera ng kapuluan, 43% sa pulo ng Tenerife at 40% sa pulo ng Gran Canaria
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ https://www.ine.es/jaxiT3/Datos.htm?t=2853.
- ↑ Utreta, Federico (1996). Canarias, secreto de estado: episodios inéditos de la transición política y militar en las islas. Madrid: Mateos López Editores. p. 291.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tamaimos. "Canarias está en África". tamaimos.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2018. Nakuha noong 3 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Benjamin, Thomas (2009). The Atlantic World: Europeans, Africans, Indians and Their Shared History, 1400–1900. Cambridge University Press. p. 107. ISBN 9780521850995.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "La Macaronesia. Consideraciones geológicas, biogeográficas y paleoecológicas". Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Nobyembre 2015. Nakuha noong 10 Pebrero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Canarias, un puente entre continentes". Lanacion.com.ar. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2021. Nakuha noong 22 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga nagsasariling pamayanan at lungsod ng Espanya | ||||||
|
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.