Ang Praia (Bigkas sa wikang Portuges: [ˈpɾajɐ], Portuges para sa "dalampasigan") ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Cape Verde.[1] Matatagpuan sa katimugang baybayin ng pulo ng Santiago, sa loob ng pangkat ng mga pulo ng Sotavento, ang lungsod ay ang luklukan ng Munisipalidad ng Praia. Ito ang sentro ng ekonomiya, politika, at kultura ng Cape Verde.

Kasaysayan

baguhin
 
Isanag pagsasalarawan ng Praia noong Labanan ng Porto Praya ng 1781.
 
Praia, isinalarawan noong 1806.

Natuklasan ang pulo ng Santiago ni António da Noli noong 1460.[2]:73 Ang unang paninirahan sa pulo ay sa Ribeira Grande (Cidade Velha). Unang nabanggit ang nayon na Praia de Santa Maria noong 1615 at lumago malapit sa likas na daungan.[3] Ang mga daungan ng Santiago ay mahalagang mga daungan ng pagtawag para sa mga barko naglalayag sa pagitan ng Portugal at ang mga kolonyang Portuges sa Aprika at Timog Amerika. Sa pagitan ng ika-16 na siglo at sa dulo ng ika-18 siglo, nagdusa sa maraming atake ng pirata ang parehong Ribeira Grandem at Praia kabilang doon sa mga binihag nina Francis Drake (1585) at Jacques Cassard (1712).[2]:195

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cabo Verde, Statistical Yearbook 2015, Instituto Nacional de Estatística (sa Portuges)
  2. 2.0 2.1 Valor simbólico do centro histórico da Praia, Lourenço Conceição Gomes, Universidade Portucalense, 2008 (sa Ingles)
  3. Roman Adrian Cybriwsky, Capital Cities around the World: An Encyclopedia of Geography, History, and Culture, ABC-CLIO, USA, 2013, p. 244 (sa Ingles)