Abidjan
Ang Abidjan ay isang pang-ekonomiya at dating opisyal na kabisera ng Côte d'Ivoire (ang Yamoussoukro ang pangkasalukuyang kabisera). Ito ang pinakamalaking lungsod ng bansa, at ang pangatlong lungsod na nagsasalita ng wikang Pranses sa buong mundo. Ayon sa mga nanunungkulan sa bansa noong 2006, mayroon itong 5,068,858 katao sa lugar na munisipal at 3,796,677 katao sa lungsod. Ang Lagos, ang dating kabisera ng Nigeria, ang tanging may masa mahigit na bilang ng mga naninirahan sa rehiyong ito. Itinuturing itong isang pangunahing pook ng kultura ng Kanlurang Aprika o Aprika, kaya't kinatatangian ang Abidyan sa ika-21 daang taon ng mataas na industriyalisasyon at urbanisasyon. Nakatayo ang lungsod sa Laguna ng Ébrié sa ibabaw ng nagsasalubong na mga tangway at mga pulo, na pinagdurugtong ng mga tulay.
Abidjan | |||
---|---|---|---|
lungsod, dating kabisera, big city | |||
| |||
Mga koordinado: 5°20′11″N 4°01′36″W / 5.3364°N 4.0267°W | |||
Bansa | Côte d'Ivoire | ||
Lokasyon | Abidjan Department, Abidjan Autonomous District, Côte d'Ivoire | ||
Itinatag | 1898 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,119 km2 (818 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2016)[1] | |||
• Kabuuan | 4,980,000 | ||
• Kapal | 2,400/km2 (6,100/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | CI-AB | ||
Websayt | https://www.abidjan.district.ci/ |
Lumaki ang lungsod pagkaraan ng konstruksiyon ng isang bagong daungan noong 1931 at noong maitalaga ito bilang kabisera noong kolonya pa ito ng Pransiya noong 1931. Dahil sa pagkakakumpleto ng Kanal ng Vridi noong 1951, nagkaroon ito ng kakayahan upang maging isang mahalagang puwertong pangdagat. Noong 1983, itinalaga ang Yamoussoukro bilang kabisera ng nasyon, subalit karamihan sa mga tanggapan ng pamahalaan at embahada ng mga dayuhan ang nananatili pa rin sa Abidjan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Côte d'Ivoire ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.