Yamoussoukro
Ang Distrito ng Yamoussoukro ay ang opisyal na kabiserang lungsod ng Côte d'Ivoire. Bilang isang lungsod na may 200,659 katao magmula noong 2005, at nakalagak sa 240 mga kilometro (149 mga milya) sa hilaga ng Abidjan sa ibabaw ng pasulong na mga burol at mga kapatagan, sumasakop ang munisipalidad ng 3,500 km² (1,351.3 sq mi) at kapareho ito ng hangganan o lawak ng nasasakupan ng Departamento ng Yamoussoukro o Kagawaran ng Yamoussoukro. Hinati-hati pa ang departamento at ang munisipalidad sa apat pang mga sub-prepektura o kabahaging mga prepektura: ang Attiégouakro, ang Didiévi, ang Tié-diékro (Tié N’diékro) at ang Komyun ng Yamoussoukro. Sa kabuoan, naglalaman ang distrito ng 169 na maliliit na mga pamayanan.
Si N'Dri Koffi Apollinaire ang pangkasalukuyang gobernador ng distrito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Côte d'Ivoire ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.