Moroni, Komoros

(Idinirekta mula sa Moroni, Comoros)
Para sa ibang pook, tao at bagay na may katulad na pangalan, tingnan ang Moroni (paglilinaw)

Ang Moroni (Arabe موروني Mūrūnī) ay ang kabisera ng bansang Comoros. Ito ang pinakamalaking lungsod sa Comoros at siyang kabisera nito magmula pa noong 1962. Noong 2003, tinatayang 60,200 mga mamamayan ang bilang ng populasyon nito.[1] Nasa kanlurang dalampasigan ng pulong Grande Comore ang lungsod na ito. Pinagsisilbihan ito ng Pandaigdigang Paliparang Prinsipe Said Ibrahim (Kodigong pampaliparang IATA: HAH). Mayroon ding daungan na may palagiang biyahe patungo sa punong-lupain ng Aprika at iba pang mga pulo sa kapuluan ng Comoros, maging sa Madagaskar at iba pang mga pulo sa Karagatang Indiyano. Kabilang sa ine-eksport ang vanilla, cocoa, at kape.

Moroni
Lokasyon ng Moroni sa pulo ng Grande Comore
Lokasyon ng Moroni sa pulo ng Grande Comore
Mga koordinado: 11°41′56″S 43°15′22″E / 11.699°S 43.256°E / -11.699; 43.256
BansaComoros
Kabiserang lungsod1962
Populasyon
 (2003)
 • Kabuuan60,200 (estimasyon)
Sona ng orasUTC+3 (Eastern Africa Time)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "USA Today Travel Guides". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2008-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.