Tunis
Ang Tunis (Arabe: تونس Tūnis) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Tunisia. Mayroon ang kalakhang lugar ng Tunis, kadalasang tinutukoy bilang as "Grand Tunis", ng mga 2,700,000 naninirahan. Noong 2020, ito ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Maghreb (pagkatapos ng Casablanca, Algiers at Tripoli) at ang ikalabing-anim na pinakamalaki sa mundong Arabe.
Tunis تونس | |
---|---|
Mula itaas, kaliwa tungong kanan: Abenida Habib Bourguiba, Abenida 14-Janvier 2011, ang bantayog ni Ibn Khaldoun, Tanaw ng Tunis mula bundok Sidi Belhassen, Tanaw ng Sidi Bou Said, Tanaw ng Tunis sa gabi. | |
Mga koordinado: 36°48′23″N 10°10′54″E / 36.80639°N 10.18167°E | |
Bansa | Tunisia |
Gobernasyon | Gobernasyon ng Tunis |
Mga Delegasyon | El Bab Bhar, Bab Souika, Cité El Khadra, Djebel Jelloud, El Kabaria, El Menzah, El Omrane, El Omrane Superieur, El Ouardia, Ettahrir, Ezzouhour, Hraïria, Medina, Séjoumi, Sidi El Bechir |
Pamahalaan | |
• Alkalde | Souad Abderrahim (Ennahda) |
Lawak | |
• Kabiserang lungsod | 212.63 km2 (82.10 milya kuwadrado) |
• Metro | 2,668 km2 (1,030 milya kuwadrado) |
Pinakamataas na pook | 41 m (135 tal) |
Pinakamababang pook | 4 m (13 tal) |
Populasyon (Abril 23, 2014)[1] | |
• Kabiserang lungsod | 638,845 |
• Kapal | 3,004/km2 (7,780/milya kuwadrado) |
• Metro | 2,869,529 |
Demonym | Arabe: تونسي Tounsi Pranses: Tunisois |
Sona ng oras | UTC+01:00 (CET) |
Kodigo ng koreo | 1xxx, 2xxx |
Kodigo ng telepono | 71 |
Kodigo ng ISO 3166 | TN-11, TN-12, TN-13 at TN-14 |
geoTLD | .tn |
Websayt | [www.commune-tunis.gov.tn Opisyal na websayt] |
Nasa may isang malaking gulpo (ang Gulpo ng Tunis) sa Dagat Mediteraneo, sa likod ng Lawa ng Tunis at daungan ng La Goulette (Ḥalq il-Wād), umaabot ang lungsod sa may baybaying patag at ang mga burol na pumapalibot dito. Nasa gitna nito ang sinaunang medina, isang Pandaigdigang Pamanang Pook. Nagsisimula sa silangang ng medina sa pamamagitan ng Tarangkahang Dagat (kilala din bilang Bab el Bhar at ang Porte de France) ang makabagong lungsod, o Ville Nouvelle, bumabagtas sa pamamagitan ng malaking Abenida Habib Bourguiba (kadalasang tinutukoy ng midya at mga gabay sa paglalakbay bilang "ang Tunesinong Champs-Élysées"), kung saan nagbibigay ang mga gusaling sa panahong kolonyal ng isang malinaw ng kaibahan sa mas maliit, lumang istraktura. Nasa patungong silangan pa sa may dagat ang arabal ng Carthage, La Marsa, at Sidi Bou Said. Bilang kabisera ng bansa, nakatuon sa Tunis ang pampolitika at administratibong buhay sa Tunisia at sentro din ng komersyal at pangkalinangang aktibidad ng bansa.
Etimolohiya
baguhinTranskipsyon ang Tunis ng pangalang Arabe na تونس na maaring bigkasin bilang "Tūnus", "Tūnas", o "Tūnis". Binanggit ang lahat ng tatlong baryasyon ng Arabeng heograpo na si Yaqut al-Hamawi sa Mu'jam al-Bûldan (Diksyunaryo ng mga Bansa).
Mayroon iba't ibang paliwanag para sa pinagmulan ng pangalang Tunis. May mga iskolar ang inuugnay ito sa diyosang Penisyo na si Tanith ('Tanit o Tanut), dahil ipinangalan ang maraming mga sinaunang lungsod sa mga diyos na patron.[2][3] May ilang iskolar ang nagsasabing nagmula ito sa Tynes, na binanggit nina Diodorus Siculus at Polybius sa kurso ng paglalarawan ng isang lokasyon kahawig ng kasalukuyang Al-Kasbah, ang lumang nayong Berber ng Tunis.[4][5]
Isang posibilidad pa ang paghango nito mula sa pandiwang ugat na Berber na ens na nangangahulugang "humiga" o "magpalipas ng gabi."[6] Posibleng nangangahulugan ang Tunis bilang "magkampo sa gabi", "kampo", o "tigil", o maaring tumukoy sa "huling pagtigil bago ang Carthage" ng mga tao na lumalakbay tungong Carthage sa pamamagitan ng lupa. Mayroon din ilang pagbanggit sa mga sangguniang Romano ng mga ganitong pangalan na malapit sa mga bayan bilang Tuniza (El Kala ngayon), Thunusuda (Sidi-Meskin ngayon), Thinissut (Bir Bouregba ngayon), at Thunisa (Ras Jebel ngayon). Dahil matatagpuan lahat ng mga nayong Berber sa mga daanang Romano, walang alinlangang nagsilbi ang mga ito bilang himpilang-pahingahan o hintuan.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Tunisia: Governorates, Major Cities, Communes & Urban Agglomerations". Population Statistics, Maps, Charts, Weather and Web Information (sa wikang Ingles). 30 Marso 1984.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Room, Adrian (2006). Placenames of the World: Origins and Meanings of the Names for 6,600 Countries, Cities, Territories, Natural Features, and Historic Sites (sa wikang Ingles). McFarland. p. 385. ISBN 0-7864-2248-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Taylor, Isaac (2008). Names and Their Histories: A Handbook of Historical Geography and Topographical Nomenclature (sa wikang Ingles). BiblioBazaar, LLC. p. 281. ISBN 978-0-559-29668-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Houtsma, Martijn Theodoor (1987). E.J. Brill's First Encyclopaedia of Islam, 1913–1936 (sa wikang Ingles). Brill. p. 838. ISBN 90-04-08265-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Hannibal's War: Books Twenty-one to Thirty (sa wikang Ingles). Oxford University Press. 2006. p. 705. ISBN 0-19-283159-3.
{{cite book}}
: Unknown parameter|authors=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Rossi, Peter M.; White, Wayne Edward (1980). Articles on the Middle East, 1947–1971: A Cumulation of the Bibliographies from the Middle East Journal (sa wikang Ingles). Pierian Press, University of Michigan. p. 132.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sebag (1998), p. 54 (sa Ingles)