Santo Tome at Prinsipe
Ang Demokratikong Republika ng Santo Tomas at Prinsipe[1] (São Tomé at Príncipe, literal na "Santo Tomas at Prinsipe") (pinakamalapit na bigkas /sew·tu·mé/, /príng·si·pi/) ay isang bansa na may dalawang maliliit na pulo sa Golpo ng Guinea. Matatagpuan ang mga pulo na may 140 km ang layo ng bawat isa at mga 250 at 225 km, sa ganoong ayos, ang layo nito sa labas ng hilagang kanlurang pampang ng Gabon. Bahagi ng di-aktibong bulkang bulubundukin ang mga pulo. Matatagpuan halos sa ekwador ang São Tomé, ang kalakihang katimogang pulo. Ipinangalan ang pulo sa Araw ni Santo Tomas, ang araw ng pagtuklas ng mga Portuges na eksplorador.
Sao Tome at Prinsipe República Democrática de São Tomé e Príncipe | |||
---|---|---|---|
| |||
Awit: Independência total | |||
![]() | |||
![]() | |||
Mga koordinado: 0°19′00″N 6°36′00″E / 0.31667°N 6.6°EMga koordinado: 0°19′00″N 6°36′00″E / 0.31667°N 6.6°E | |||
Bansa | Padron:Country data Sao Tome at Prinsipe | ||
Bahagi ng | Middle Africa | ||
Itinatag | 12 Hulyo 1975 | ||
Kabisera | San Tomas | ||
Bahagi | Príncipe Autonomous Region, São Tomé Province, Água Grande, Cantagalo, Caué, Lembá, Lobata, Mé-Zóchi | ||
Pamahalaan | |||
• Konseho | Asamblea Nacional de Santo Tomé y Príncipe | ||
• President of São Tomé and Príncipe | Evaristo Carvalho | ||
• Prime Minister of São Tomé and Príncipe | Jorge Bom Jesus | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,001.0 km2 (386.5 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2017) | |||
• Kabuuan | 204,327 | ||
• Kapal | 200/km2 (530/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC±00:00 | ||
Wika | Wikang Portuges | ||
Websayt | http://www.saotome.st/ |
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ (2010). Sao Tome and Prinsipe, Santo Tomas at Prinsipe. UP Diksiyonaryong Filipino.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika at Bansa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.