Watawat

piraso ng telang may natatanging disenyong ginagamit bilang sagisag

Ang watawat, bandera, o bandila ay isang piraso ng tela na may iba't ibang disenyo na kadalasang parihaba at karaniwang ginagamit bilang isang simbolo, kagamitang pansenyas o pang-gayak.[1]

Mga watawat ng iba't-ibang mga bansa sa harap ng Philippine Arena, Bocaue, Pilipinas. Makikita sa bandang harapan ng retrato ang watawat ng Pilipinas.

Ang mga sinaunang watawat ay ginamit upang maging gabay pang-sandatahan sa mga labanan, at simula noon ay ginamit na ang mga ito sa pangkalahatang panseyales at pangtukoy, lalo na sa mga kaganapan na ang pakikipagtalastasan ay ganap na mahirap. Isang mabisang makabayang sagisag naman ang mga pambansang watawat, na may iba't iba at malawak na paliwanag, na kadalasang may matinding pansandatahang kaugnayan dahil na rin sa orihinal at patuloy na gamit pansandatahan nito. Ginagamit din ang mga watawat upang maghatid ng mensahe, patalastas, o bilang pangpalamuti. Tinatawag na Vexilolohiya ang pag-aaral ng mga watawat, mula sa salitang Latin na nangangahulugang watawat o bandila.

Sa politika

baguhin
 
Ang Bahagharing Watawat ng kilusang LGBT. Isang katulad na watawat ang ginamit sa Europa bilang suporta sa pasipismo

Gumamit din ang mga kilusang panlipunan at pampolitika ng mga watawat, upang madagdagan ang bisibilidad at bilang tagapag-isang sagisag.

Gumamit ng pulang watawat ang kilusang sosyalista upang sumagisag sa kanilang pinaglalaban. Iba't ibang mga watawat naman ang ginamit ng kilusang Anarkista, subalit ang itim na watawat ang pangunahing watawat na kaugnay sa kanila. Noong dekada '70, ginamit bilang sagisag ng kilusang LGBT ang bahagharing watawat bilang sagisag ng kilusang LGBT.

Naging mga pambansang watawat ang ibang mga watawat pampolitika, gaya ng pulang watawat ng Unyong Sobyet, at ang pambansang bandila ng Nazi. Ang kasalukuyang watawat ng Portugal ay batay sa dating watawat pampolitika ng Partidong Republikanong Portuges noong Rebolusyong ng 15 Oktubre 1910 na nagdala sa partido sa kapangyarihan.

Pagtataas ng watawat

baguhin

Ang pagtataas at pagbababa ng watawat, lalo na sa mga pambansang watawat, ay kadalasang kinapapalooban ng mga seremonya at ng mga alituntunin, na nag-iiba iba bawat bansa. Ang tagapagtaas at tagapagbaba ng watawat ay binubuo ng isang pangkat ng mga tao, kadalasan ay mga kawal, kadete o mga mag-aaral, na nagmamartsa at nagdadala ng watawat para sa seremonya.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.