Watawat ng Pilipinas
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasingsukat na bahagi na bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang gitnang bituin naman ay orihinal na tumutukoy sa Panay.[1] Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.[2]
Paggamit | Pambansang watawat at ensenya |
---|---|
Proporsiyon | 1:2 |
Pinagtibay | 12 Hunyo 1898 |
Baryanteng watawat ng Pilipinas | |
Paggamit | Pambansang watawat at ensenya |
Proporsiyon | 1:2 |
Disenyo
baguhinPagkakayari
baguhinAng haba ng watawat ay palaging katumbas ng dobleng lapad nito, na nagbibigay ng proporsyon nitong 1:2. Ang haba naman ng mga giliran ng puting tatsulok ay katumbas ng lapad ng watawat. Ang bawat tala ay nakaikwas sa paraang ang bawat dulo nito ay nakatapat sa taluktok kung saan ito matatagpuan. Ang araw naman, na hindi eksaktong nasa gitna kundi nakagilid pakanan ng kaunti, ay mayroong walong bigkis ng mga sinag na mayroong sinag-mayor na doble ng kapal ng sinag-menor. Ang mga pagitan ng walong sinag ay kasinlaki ng isang bigkis ng mga sinag,
Kulay
baguhinAng pagkakabughaw sa watawat ay nagkaiba na sa paglipas ng panahon. Lazuli Rosco ang sinasabing orihinal na kulay ng bughaw sa watawat, ngunit ang pinagmulan ng mismong kulay na ito ay hindi natitiyak, ngunit maaaring nagmula daw ito sa pagkakabughaw ng watawat ng Kuba, na sinasabing naging batayan ng dibuho ng watawat.
Samantalang 1955 naman nang italaga ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan (National Historical Institute) na kaparis ng mga kulay ng watawat ng Estados Unidos ang mga kulay sa watawat ng Pilipinas.
Taong 1985 nang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na ibalik sa orihinal na kulay bughaw na mapusyaw at pula gaya ng sa nabanggit na watawat ng Kuba ang watawat ng Pilipinas, na binawi nang mapatalsik si Marcos ng 1986 Himagsikang Lakas-Sambayanan.
Kaalinsabay ng sentenaryo ng pagkakatatag ng Republika noong 1998, ipinagtibay ng Kodang Pangwatawat at Heraldiko ng Pilipinas (o BA 8491) na nagtakda sa maharlikang bughaw (o royal blue) bilang opisyal na kulay ng bughaw.
Ang mga kulay ng watawat na tiniyak sa Batas Republika Blg. 8491 ay nakatala sa talahanayan sa ibaba, gamit ang mga cable number sa sistemang nilikha ng Color Association of the United States.
Iskema | Bughaw | Pula | Puti | Dilaw |
---|---|---|---|---|
Cable No. | 80173 | 80108 | 80001 | 80068 |
Pantone | 286C | 193CN/A | 122C | |
RGB | 0-56-168 | 206-17-38 | 255-255-255 | 252-209-22 |
CMYK | C99-M80-Y0-K0 | C12-M100-Y87-K3N/A | C2-M17-Y91-K0 | |
HEX | #0038A8 | #CE1126 | #FFFFFF | #FCD116 |
Simbolismo
baguhinAng pambansang watawat ng Pilipinas ay mayroong parihabang disenyo na binubuo ng isang puting pantay na tatsulok, na kumakatawan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakatipan; ang pahalang na estripang bughaw ay para sa kapayapaan, katotohanan at katarungan at ang pulang katumbas nito ay para namaan sa pagkamakabayan at kagitingan. Sa gitna ng puting tatsulok ay mayroong gintong araw na kumakatawan naman sa pagkakaisa, kalayaan, demokrasyang panlahat at sa soberanya ng bansa. Napalilibutan ito ng walong sinag, na kung saan ang bawat isa ay kumakatawan sa mga lalawigang may mahalagang pagkakalahok sa 1896 Himagsikang Pilipino laban sa España; ang mga lalawigang ito ay ang Maynila, Bulacan, Cavite, Pampanga, Bataan, Laguna, Batangas at Nueva Ecija (bagamat mayroong ibang mga sanggunian na nagsasabing mayroon pang naiiba). Gayunpaman, ayon sa Pagpapahayag ng Pagsasarili (1898) at sa pag-aaral ng propesor ng UP na si Ambeth Ocampo, ang mga sinag ng araw ay kumakatawan 'di umano sa unang walong lalawigan ng Pilipinas na pinasailaliman ng Batas Militar noon sa nabanggit ng himagsikan. Tatlong talang may limang sulok naman ang matatagpuan sa bawat isang dulo ng tatsulok, na kumakatawan sa tatlong kapuluan kung saan nagsimula ang himagsikan: sa Kalusunan, Kabisayaan, at Kamindanawan.
Ang orihinal na simbolismo ng watawat ay nakatala sa teksto ng pahayag ng pagsasarili, na tumutukoy sa isang nakalakip na guhit, ngunit walang tala ng nasabing guhit ang nakita. Ipinaliliwanag sa nasabing proklamasyon na:
" Sa wakas ay napagpasyahan nang walang pagtutol na ang bansang ito, ngayong malaya na magmula ngayon ay gagamitin ang parehong watawat na ginamit nito, kung saan ang mga hugis at kulay nito ay inilalarawan sa kalakip na guhit na makatotohanang nagpapakita ng tatlong nabanggit na lakas na kumakatawan sa puting tatsulok bilang kakila-kilalang simbolo ng pamosong Samahan ng Katipunan, na sa pamamagitan ng pagsasanduguan ay nag-udyok sa sambayanan na bumangon at mag-alsa; ang tatlong bituin na kumakatawan sa tatlong punong pulo ng kapuluan - ang Luzon, Mindanao at Panay (Visayas) kung saan nagmula ang paghihimagsik; ang araw ay kumakatawan sa malalaking hakbang na isinagawa ng mga anak ng bansang ito sa pagtahak nito sa kaunlaran at kabihasnan; ang walong sinag nito ay kumakatawan sa walong lalawigan ng Pilpinas, at ang mga kulay na bughaw, pula at puti ay umaalala sa watawat ng Estados Unidos ng (Hilagang) Amerika bilang pagpapakita ng lubos napsasalamat sa dakilang bansang ito sa kanyang walang pag-iimbot na pagtatanggol na ipinagkaloob nito, at patuloy na ipinagkakaloob nito sa atin. At, tangan ang watawat na ito, iwinawagayway ito sa harap ng mga ginoong nagkatipon dito —[talaan ng mga pangalan ng delegado]— at buong katapatang nanunumpa na kikilalanin at ipagtatanggol ito magpasahanggang huling patak ng aming mga dugo. "
Ang simbolismong ibinigay sa 1898 Proklamasyon ng Pagsasarili ng Pilipinas ay naiiba sa kasalukuya't kinikilalang paliwanag. Sabi sa dokumento, ang puting tatsulok ay sumisimbolo sa sagisag ng Katipunan, ang lihim na samahang lumaban sa pamumuno ng España. Nasabi rin na ang mga kulay sa watawat ay kumakatawan sa mga kulay ng watawat ng Estados Unidos bilang pagpapakita ng pasasalamat sa pagtulong nila sa mga naghihimagsik na Pilipino laban sa España. Sinasabi rin na ang isa sa mga bituin ay kumakatawan sa pulo ng Panay, sa halip na sa buong Kabisayaan..[3] Ang Panay daw ay, ayon sa mga pagkakaunawa, ay kumakatawan sa buong rehiyon ng Kabisayaan. Ang araw naman ay kumakatawan sa malalaking hakbang na isinagawa ng mga anak ng bayan tungo sa kaunlaran at sibilisasyon, at sa halip na Tarlac, Bataan ang inilista bilang isa sa walong lalawigang kinakatawan ng mga sinag sa nasabing watawat.
Kasaysayan
baguhinAng watawat ay unang naisip gawin ni Emilio Aguinaldo. Si Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad ang nagtahi ng unang watawat sa Hong Kong.
Ayon sa Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ng 12 Hunyo 1898, ang puting tatsulok ang natatanging sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon. Ang tatlo nitong bituin ay kumakatawan sa tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao, bagama't sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ang isa sa tatlong bituin nito ay orihinal na kumatawan sa isla ng Panay, imbes na Visayas. Gayunpaman, kapwa silang nagpapahiwatig ng mismong ideya: ang pagkakaisa ng mga magkakahiwalay na tao at kultura sa iisang Nasyon. Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsiyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas.
Bagaman tinuturing na isang lungsod ang Maynila, ang pagkakadagdag nito sa lupon ay wasto sapagka't noong 1898, ang Maynila at ang kanyang mga suburbyo ay pinangasiwaan bilang isang hiwalay at nagsasariling probinsiya. Ang lalawigang ito ay kilala ngayon bilang Pambansang Kabiserang Rehiyon.
Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul ay ang mga sumusunod: Ang puting tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan, katotohanan, at katarungan; at pula para sa kabayanihan at kagitingan. Sinasabing hinalintulad ang watawat sa watawat ng Cuba na, tulad ng Pilipinas, ay nakikibaka para sa kalayaan mula sa Espanya noong panahong din yon.
Ang lilim na bughaw na ginamit sa Pambansang watawat ay naging paksa ng kontrobersiya ng halos siyamnapung taon na ang tagal. Mula 1920 hanggang 1985, ang lilim ay navy blue hanggang sa inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na baguhin ito sa lilim na sky blue, mula sa abiso ng mga sirkulong kasaysayan, sa mismong lilim na ginamit sa watawat ng Cuba, na ka-alyado ng bansa noon laban sa Espanya. Dahil sa kakulangan sa materyal at istandardisasyon noong Digmaang Pilipino-Amerikano, ang mga taga-suporta ng lilim "navy blue" at "sky blue" ay nagpasa ng kanikanilang katibayan na kapwang sumasalungat sa bawat argumento. Silipin Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino
Habang klarong nilalahad ng mga opisyal na dokumentong rebolusyonaryo na ang orihinal na lilim ng asul na ginamit sa unang watawat ay azul oscura, na kung isasalin sa Filipino ay "malabong bughaw" o madilim, at kung ano ang eksaktong lilim na tinutukoy nito ang siya pa ring magiging paksa ng debate sa mga susunod na taon. Sumasang-ayon ngayon ang mga historiador na ang azul oscura na tinutukoy ay isang mas malalim na lilim kaysa sa sky blue, ngunit mas marahan naman sa navy blue.
Para pagpahingahin na ang kontrobersiya, ang kasalukuyang inuutos na lilim ay royal blue, ayon sa Aktong Pangrepublika Blg. 8491. Sa kasamaang palad, ang kilos na ito ay naglikha ng panibagong kontrobersiya sa pagitan ng mga historiador at politiko ukol sa kung maaaring gawin ito ng gobyerno na baguhin ang mga sagisag ng kasaysayan at orihinal na kahulugan ng mga ito para lang sa kaginhawaan ng lahat.
Ang watawat ng Pilipinas ay walang katulad , sapagka't maaari nitong ipakita ang isang kalagayan ng digmaan. Kapag ang watawat ay naka-baligtad at nasa ibabaw ang pula (o nasa kaliwa kung ito ay nakatanghal na patayo), ang ibig sabihin nito ay ang Pilipinas ay nasa nakasabak sa digmaan. Ito ay unang itinaas noong 4 Pebrero 1899, sa simula ng labanan ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa mga taong 1899-1913.
Mga kaugnay na pahina
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Tandaan: Matatagpuan ang Iloilo sa Panay kung saan ang unang lalawigan sa labas ng Luzon na nagtaas ng watawat na ito.
- ↑ "RP flag blooper in New York not intentional—US embassy - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-09-30. Nakuha noong 2013-05-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[English] Speech of President Aquino at the celebration of Independence Day". Official Gazette. Hunyo 12, 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 27, 2017.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link