Laguna

lalawigan ng Pilipinas

Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa bahaging Calabarzon sa Luzon. Santa Cruz ang luklukan ng pamahalaan nito at matatagpuan sa timog-silangan ng Kalakhang Maynila, timog ng lalawigan ng Rizal, kanluran ng Quezon, hilaga ng Batangas at silangan ng Cavite. Halos pinapaligiran ng Laguna ang Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa bansa. Nakuha ng lalawigan ang pangalan nito mula sa Kastilang salita na lago, na nangangahulugang lawa.

Laguna
Lalawigan ng Laguna
Watawat ng Laguna
Watawat
Opisyal na sagisag ng Laguna
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Laguna
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Laguna
Map
Mga koordinado: 14°10'N, 121°20'E
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon
KabiseraSanta Cruz
Pagkakatatag1571 (Huliyano)
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorRamil Hernandez
 • Manghalalal2,045,687 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan1,917.85 km2 (740.49 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan3,382,193
 • Kapal1,800/km2 (4,600/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
915,398
DemonymLagunense
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan6.90% (2021)[2]
 • Kita₱4,317,375,799.562,123,372,795.002,176,058,680.002,687,740,457.002,551,310,481.002,805,528,969.003,242,109,030.183,532,817,464.514,454,552,990.664,673,146,345.016,330,268,619.19 (2020)
 • Aset₱13,316,878,601.295,529,120,460.005,666,192,066.006,223,282,712.006,909,642,900.007,555,567,066.008,563,613,532.7611,587,437,903.9312,522,839,137.5511,318,020,574.0112,807,398,760.53 (2020)
 • Pananagutan₱2,485,353,545.40931,990,181.001,614,305,852.001,749,256,467.001,909,152,476.001,907,951,566.002,157,461,259.172,545,277,792.802,374,769,799.032,466,025,038.312,606,582,579.94 (2020)
 • Paggasta₱3,189,440,201.361,734,168,846.002,012,448,142.002,257,570,866.001,988,344,571.002,171,828,712.002,163,662,839.282,345,001,501.232,811,708,070.2432,886,843.543,817,984,675.62 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod6
 • Bayan24
 • Barangay674
 • Mga distrito6
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
4000–4033
PSGC
043400000
Kodigong pantawag49
Kodigo ng ISO 3166PH-LAG
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Wikang Remontado Agta
Websaythttp://www.laguna.gov.ph/
Para sa ibang paggamit, tingnan ang Laguna (paglilinaw).

Kilala ang Laguna bilang pook ng kapanganakan ni José Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Kilala din sa mga dayuhang namamasyal ang Talon ng Pagsanjan, Liwasang Bayan ng Pila, Laguna, ang mga inukit na kahoy na nilikha na mga tao sa Paete at Pakil, ang mga maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod ng Bundok Makiling at ang Hidden Valley Springs sa Calauan.

*Isa pang tradisyon ng Laguna ang ANILAG Festival. Ito ay isang linggong pagdiriwang na nangyayari sa buwan ng Marso. Ang ANILAG Festival ay ginaganap sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga taong nagbasbas noong mga nakaraang taon. ANILAG Festival ay ginaganap sa pamamagitan ng beauty pageants, pagsayaw, pagbubunyag ng pagkain, at woodcarving competitions. Isa pa sa pagiging tradisyon, Ang ANILAG Festival ay isa rin sa pagbibigay daan sa gobyerno ng Laguna upang i-iskaparate ang kahanga-hangang senaryo, ang masasaganang lokal na kay sarap na pagkain, at alangan, ang mga talento ng mga lokal nito. Habang nangyayari ang festival, isang daang Pilipinong turista sa iba’t ibang panig ng mundo pati narin ang mga dayuhang nais din magtipon para saksihan ang engrandeng taunang selebrasyon.

Heograpiya

baguhin

Pampolitika

baguhin

Nahahati ang Laguna sa 24 bayan at 6 lungsod.

Mga lungsod

baguhin
Mga lungsod sa Laguna
Biñan City, Laguna
Santa Rosa City, Laguna
Cabuyao City, Laguna
Calamba City
San Pablo City, Laguna

Mga bayan

baguhin

Ang lalawigan ay tuyot mula Nobyembre hanggang Abril at basa sa nalalabing bahagi ng taon sa maliit na bahagi malapit sa katimugang hangganan. Ang ibang bahagi, sa kanluran ng bayan ng Santa Cruz, ay nakakaranas ng tuyong panahon mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan sa nalalabing bahagi ng taon. Ang silangan at katimugang bahagi ay hindi katulad ang panahon, na mas madalas ang tag-ulan sa kabuuan ng taon.

Kasaysayan

baguhin

Ang pangalan ng lalawigan ng Laguna ay isinunod sa Laguna de Bay, isang bahagi ng katubigan na bumubuo sa hilagang hangganan ng lalawigan. Ang Laguna de Bay naman, ay isinunod sa pangalan ng bayan ng Bay (Ang salitang Laguna de Bay ay hango sa salitang Kastila na nangangahulugang "Lawa ng Bay"), ang pinakaunang punong bayan ng lalawigan. Si Kapitan Juan de Salcedo kasama ng pulutong ng isang daang sundalong Kastilang-Mehikano at ilang bilang ng mga kakamping mga Bisaya ay sinakop ang lalawigan at ang mga nakapalibot na bahagi para sa Espanya noong 1571. Pitong taon makalipas, dalawang Fransiskanong mga pari ang nagsimulang binyagan ang mga tao doon.

 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate
Ranggo Probinsya Pop.
 
Calamba City
 
Santa Rosa
1 Calamba City Laguna Lone 539,671  
Biñan
 
Cabuyao
2 Santa Rosa Laguna Lone 414,812
3 Biñan Laguna Lone 407,437
4 Cabuyao Laguna 1st 355,330
5 San Pedro Laguna 1st 326,001
6 San Pablo Laguna 3rd 285,348
7 Santa Cruz Laguna 4th 123,574
8 Los Baños Laguna 2nd 115,353
9 Calauan Laguna 3rd 87,693
10 Nagcarlan Laguna 3rd 64,866

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)