Biñan

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Laguna

Ang Lungsod ng Biñán ay isang unang uring Lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway. Ang Biñan ay naging katulad ng pamayanang maunlad ng Kalakhang Maynila at ang pook ng pinakamamalaking pagawaan at isang pook tagagawa ng pang-angkat sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 407,437 sa may 117,720 na kabahayan.

Biñan

ᜊ̊ᜈᜈ̟

Lungsod ng Biñan
larawan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Biñan.
larawan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Biñan.
Map
Biñan is located in Pilipinas
Biñan
Biñan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°20′N 121°05′E / 14.33°N 121.08°E / 14.33; 121.08
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganLaguna
DistritoNag-iisang Distrito ng Biñan
Mga barangay24 (alamin)
Pagkatatag1688
Pamahalaan
 • Punong LungsodWalfredo "Arman" B. Dimaguila Jr.
 • Manghalalal223,491 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan43.50 km2 (16.80 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan407,437
 • Kapal9,400/km2 (24,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
117,720
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan5.75% (2021)[2]
 • Kita₱2,697,848,511.73 (2020)
 • Aset₱8,958,085,748.77 (2020)
 • Pananagutan₱2,856,143,666.94 (2020)
 • Paggasta₱2,571,793,213.88 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
4024
PSGC
043403000
Kodigong pantawag49
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytbinan.gov.ph

Ang Biñan ay ang ikalawang bayan na madadaanan mula sa Kalakhang Maynila patungong Timog. Ang bayan ng Biñan ay kasama sa tatlong bumubuo sa unang distrito ng Laguna.

Mga Barangay

baguhin

Ang bayan ng Biñan ay nahahati sa 24 na mga barangay.

  • Biñan (Poblacion)
  • Bungahan
  • Santo Tomas (Calabuso)
  • Canlalay
  • Casile
  • De La Paz
  • Ganado
  • San Francisco (Halang)
  • Langkiwa
  • Loma
  • Malaban
  • Malamig
  • Mampalasan
  • Platero
  • Poblacion
  • Santo Niño
  • San Antonio
  • San Jose
  • San Vicente
  • Soro-soro
  • Santo Domingo
  • Timbao
  • Tubigan
  • Zapote

Kasaysayan

baguhin

Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng ika-6 na buwan 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.

Noong 1769, ang punong bayan panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.

Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa nasabing bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang "plake" ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang "monumento" naman ang itinayo sa gitna ng "plaza" ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.

Ekonomiya

baguhin

Ang Biñan ay kilalang gitna ng kalakalan sa mga kalapit nitong mga bayan sa katimugan tulad ng mga bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Carmona, Silang at punong hukbo Mariano Alvarez. Kadalasan ang mga nagtitinda sa mga palengke ng bayang kalapit nito ay dumadayo dito upang bumili ng kanilang paninda.

Isang pangkaraniwan na tanawin dito ay ang nga naghahanda at nag-aayos ng mga paninda sa kanila kanilang mga kinalalagyan, ang iba pa nga ay sa mga daan at masisikip na daanan pa nagtitinda, isa pa ay ang pagdating ng mga dyip at trak na may dala-dalang iba't ibang uri ng bunga, gulay, mga "produktong" gawa sa mantikilya, laman ng hayop, isda, asukal atbp. Ang palengke ng Biñan ay halos bukas 24 "oras" na ang "oras" nagdagsaan ay tuwing umaga (5:00 - 8:00 NU) dahil kilala ang mga Filipino na maaga nagsisimulang maghanapbuhay pagkat nais nilang iwasan ang matinding sikat ng araw sa tanghali.

Kilala rin ang bayan na sa paggawa ng mga masasarap na kakanin na may mga sahog sa ibabaw nito (Puto Biñan). Ang pinakakilalang gumagawa ng Puto sa Biñan ay matatagpuan sa barangay San Vicente.

Marami rin iba't-ibang hanapbuhay ang mga tao dito tulad ng paggawa ng tsinelas at sapatos atbp.

Edukasyon o Pag-aaral

baguhin

Ang Biñan ay kinikilala na ring gitna ng pag-aaral sa unang "distrito" ng Laguna, dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mataas at mababang paaralan sa pook. Ang mga kilalang mga paaralan na matatagpuan sa bayan ay ang sumusunod:

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Biñan
TaonPop.±% p.a.
1903 9,563—    
1918 10,692+0.75%
1939 16,238+2.01%
1948 20,794+2.79%
1960 33,309+4.00%
1970 58,290+5.75%
1975 67,444+2.97%
1980 83,684+4.41%
1990 134,553+4.86%
1995 160,206+3.32%
2000 201,186+5.00%
2007 262,735+3.75%
2010 283,396+2.79%
2015 333,028+3.12%
2020 407,437+4.04%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Laguna". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin