Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay iprinoklama noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el Viejo (ang kasalakuyang Kawit, Cavite), Pilipinas. Binasa sa publiko ang (Kastila: Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino) na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista. Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.
Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas | |
Nilikha | Mayo-Hunyo 1898 |
Niratipika | Hunyo 12, 1898 |
Lokasyonn | National Library of the Philippines[1] |
Mga may akda | Ambrosio Rianzares Bautista Emilio Aguinaldo |
Mga lumagda | 98 delegado |
Katungkulan | Upang iproklama ang soberanya at kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya |
Kasaysayan
baguhinKaranasan
baguhinNagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong 1896. Noong Disyembre 1897, nilagdaan ng pamahalaang Espanya at mga rebolusyonaryo ang isang kasunduan, ang Kasunduan sa Biak-na-Bato, na siyang nangangailangan sa Espanya na magbayad ng 800,000 piso sa mga rebolusyonaryo at maipatapon si Aguinaldo at iba pang mga lider sa Hong Kong. Noong Abril 1898, noong pumutok ang Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George Dewey lulan ng U.S.S. Olympia mula Hong Kong patungong Look ng Maynila at pinamunuan ang pagdating ng Asiatic Squadron ng Hukbong Dagat ng Amerika. Noong 1 Mayo, 1898, ginapi ng Estados Unidos ang Espanya sa Labanan sa Look ng Maynila. Nagpasiya si Emilio Aguinaldo na bumalik ng Pilipinas para tulungan ang hukbong Amerikano na labanin ang Espanya. Pumayag ang Hukbong Dagat ng Amerika na dalhin siya pabalik lulan ng USS McCulloch, at noong 19 Mayo, nakarating siya ng Cavite.
Ang pagpapahayag ng Hunyo 12
baguhinIdineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo,1898, sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo,30 kilometro timog ng Maynila.Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas,na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo,Lorenza Agoncillo at Delfina Herbozaat ang pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit,na kilalala ngayon bilang Lupang Hinirang,na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.[2]
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda,sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila.Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao,kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon.Ipinahayag ng huling talata na mayroong isang "estranghero" (extrangero sa wikang Kastila,na nangangahulugang dayuhan) na dumalo sa katitikan,si G. L. M. Johnson,na siyang inilarawan bilang "mamamayan ng U.S.A, isang Koronel ng Artilerya".[3] Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1 Agosto, kung kailan marami nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.[4][5]
Kinalaunan,sa Malolos,Bulacan binago ng Kongreso ng Malolos ang kapahayagan sa dahil sa paggigiit ni Apolinario Mabini na siyang tumutol sa orihinal na proklamasyon na nagpapahayag na ang Pilipinas ay inilalagay sa ilalim ng proteksiyon ng Estados Unidos.
Pakikibaka para sa kasarinlan
baguhinHindi kinalala ng Estados Unidos o ng Espanya man ang kapahayagan.
Kinalaunan,noong 1898,ibinigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris ng 1898 na siyang nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano.
Hindi kinalala ng Pamahalaang Rebolusyonaryong Pilipino ang kasunduan o ang soberanya ng Amerika,at nakipaglaban sa Estados Unidos ngunit sila ay nagapi. Sila ay unang kinilala ng mga puwersang Amerikano bilang, minsa'y opisyal, na "Insureksiyong Pilipino" (Philippine Insurrection) ngunit kinalaunan tinawag ding itong Digmaang Pilipino-Amerikano, na siyang nagwakas noong madakip si Emilio Aguinaldo ng mga hukbong Amerikano,[6] at nagpahayag ng kaniyang pagkilala at pagtanggap sa soberanya ng Estados Unidos sa Pilipinas.[7] Sinundan ito noong 2 Hulyo 1902, noong nagpadala ng telegrapo ang Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos na si Elihu Root, na nagtapos na ang insureksiyon laban sa Amerika at naitatag ang mga pamprobinsiyang pamahalaang sibil sa halos lahat ng mga lugar liban sa mga lugar na tinitirhan ng mga tribong Moro.[8] Gayunpaman, may mga maliliit na rebelyon ding naganap sa mga sumunod na taon.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinagkaloob din ng Estados Unidos ang Kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa pamamagitan ng Kasunduan sa Maynila.[9] Sa Pilipinas, ang Araw ng Kalayaan ay ginugunita tuwing Hunyo 4 hanggang 4 Agosto 1964, sa pamamagitan ng mga mungkahi ng mga historyador at mga nasyonalista, nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Republika Blg. 4166 na siyang nagtatakda sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng bansa.[10] Nauna nang ginugunita tuwing Hunyo 12 ang Araw ng Watawat at maraming mga gusali ng pamahalaan ang hinihikayat na ibandera ang Watawat ng Pilipinas sa kanilang mga tanggapan.
Ang kasalukuyang lokasyon ng Pagpapahayag
baguhinKasalukuyang nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang Pagpapahayag.[1] Hindi siya ipinapakita sa publiko, ngunit maaari itong matignan ng may pahintulot, tulad ng ibang mga dokumento na nasa pangangalaga ng Pambansang Aklatan.
Noong kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakuha ng pamahalaang Amerikano ang mga 400,000 makasaysayang dokumento at ipinadala ang mga ito sa Estados Unidos.[11] Noong 1958, ipinagkaloob sa pamahalaang Pilipino ang mga dokumentong ito, kabilang na ang dalawang set ng microfilm ng buong koleksiyon, kung saan nasa pangangalaga ng Pamahalaang Pederal ng Estados Unidos ang isang set.[11]
Noong mga bandang dekada '80 o '90, ninakaw ang Pagpapahayag mula sa Pambansang Aklatan.[1] Dahilan sa pagkakaroon ng malawakang imbestigasyon ukol sa malawakang pagnanakaw ng mga makasaysayang dokumento at sa sinundang pampublikong apela para maibalik ang mga ito, ang Deklarasyon ay naisauli sa Pambansang Aklatan noong 1994 ni Milagros Guerrero, isang propesor ng Pamantasan ng Pilipinas.[11]
Ang teksto ng "Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino"
baguhinAng bahaging ito ay dapat pang palawakin. (June 2012) |
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Mamamayang Pilipino (Kastila: Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino) ay isang bahagi ng mahabang serye ng mga pagpapahayag ng kasarinlan, kabilang dito ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Estados Unidos. Kabilang dito ang listahan ng mga hinaing laban sa pamahlaang Kastila na siyang umaabot pa hanggang sa pagdating ni Fernando Magallanes noong 1521, at "ipinagkakaloob sa aming tanyag na Diktador Don Emilio Aguinaldo ang lahat ng kinakailangang kapangyarihan upang magawa niyang gampanan ang tungkulin ng Pamahalaan, kabilang na ang kaukulang karapatan ng pagbibigay tawad at amnestiya."[12]
Mga tala
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Rufo, Aries (2008-05-26). "Court set to decide on National Library pilferage of historical documents". Abs-cbnNEWS.com/Newsbreak. Nakuha noong 29 Enero 2013.
Around 8,183 documents, mostly classified as Philippine Revolutionary Papers, were returned to the National Library. One University of the Philippines professor returned more than 6,000 documents. Among the retrieved documents were the manuscript of Andres Bonifacio's trial, the Declaration of Independence, the Pact of Biac-na-Bato and Leonor Rivera's letter to Rizal's parents dated Dec. 10,1893.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Agoncillo, page 157
- ↑ Sinabi ni Dean Conant Worcester, sa kaniyang aklat noong 1914 na The Philippines: Past and Present (Worcester 1914) (sa wikang Ingles):
- "Invitations to the ceremony of the declaration of independence were sent to Admiral Dewey; but neither he nor any of his officers were present. It was, however, important to Aguinaldo that some American should be there whom the assembled people would consider a representative of the United States. 'Colonel' Johnson, ex-hotel keeper of Shanghai, who was in the Philippines exhibiting a cinematograph, kindly consented to appear on this occasion as Aguinaldo's Chief of Artillery and the representative of the North American nation. His name does not appear subsequently among the papers of Aguinaldo. It is possible that his position as colonel and chief of artillery was a merely temporary one which enabled him to appear in a uniform which would befit the character of the representative of a great people upon so solemn an occasion!"
- ↑ Guevara, Sulpicio, pat. (1972), "Philippine Declaration of Independence", The Laws of the First Philippine Republic (The Laws of Malolos) 1898-1899., Manila: National Historical Commission, nakuha noong 2008-03-26
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). (English translation by Sulpicio Guevara) - ↑ Guevara, Sulpicio, pat. (1972), "Facsimile of the Proclamation of the Philippine Independence at Kawit, Cavite, June 12, 1898", The Laws of the First Philippine Republic (The Laws of Malolos) 1898-1899., Manila: National Historical Commission, nakuha noong 2008-03-26
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). (Original handwritten Spanish) - ↑ Worcester 1914, p. 175
- ↑ Worcester 1914, pp. 175–176
- ↑ Worcester 1914, p. 180
- ↑ TREATY OF GENERAL RELATIONS BETWEEN THE UNITED STATES OF AMERICA AND THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES. SIGNED AT MANILA, ON 4 JULY 1946 (PDF), United Nations, inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2009-03-26, nakuha noong 2007-12-10
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ REPUBLIC ACT NO. 4166 - AN ACT CHANGING THE DATE OF PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY FROM JULY FOUR TO JUNE TWELVE, AND DECLARING JULY FOUR AS PHILIPPINE REPUBLIC DAY, FURTHER AMENDING FOR THE PURPOSE SECTION TWENTY-NINE OF THE REVISED ADMINISTRATIVE CODE, Chanrobles law library, Agosto 4, 1964, nakuha noong 2008-06-11
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 "Asiaweek". CNN. Agosto 31, 1999. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-15. Nakuha noong 29 Enero 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-02-15 at Archive.is - ↑ "Philippine Declaration of Independence". Nakuha noong 12 Hunyo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tignan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- History of the Filipino People. Teodoro A. Agoncillo
- Pambansang Aklatan ng Pilipinas
- Philippine History Group of Los Angeles
- Worcester, Dean Conant (1914), The Philippines: Past and Present (vol. 1 of 2), Macmillan, nakuha noong 2008-01-17
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na Kawing
baguhin- Acta de la proclamación de la independencia del pueblo FilipinoSpanish version by Corpus Juris online Philippine law library
- Naka-arkibo 2009-06-16 sa Wayback Machine. English version by Corpus Juris online Philippine law library