Diosdado Macapagal

Pilipinong ekonomista at ika-9 na pangulo ng Pilipinas

Si Diosdado Pangan Macapagal Sr. (Setyembre 28, 1910Abril 21, 1997) ay Pilipinong abogado, makata, at politiko na naglingkod bilang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965. Makikita siya sa dalawandaang piso na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ay ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin, wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal noong 8 Agosto 1963 upang maging ganap na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang 4 Hulyo 1946.

Diosdado Macapagal
Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas
Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika
Nasa puwesto
30 Disyembre 1961 – 30 Disyembre 1965
PanguloCarlos P. Garcia
Pangalwang PanguloEmmanuel Pelaez
Nakaraang sinundanCarlos P. Garcia
Sinundan niFerdinand Marcos
Ika-6 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Ika-apat na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Nasa puwesto
30 Disyembre 1957 – 30 Disyembre 1961
Nakaraang sinundanWala[1]
Sinundan niEmmanuel Pelaez
Personal na detalye
Isinilang28 Setyembre 1910
Lubao, Pampanga
Yumao21 Abril 1997
Lungsod ng Makati
Partidong pampolitikaPartidong Liberal
Asawa(1) Purita dela Rosa†
(2) Evangelina Macaraeg
TrabahoManananggol

Talambuhay

baguhin

Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" sapagkat anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.

Sariling buhay

baguhin

Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.

Edukasyon

baguhin

Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong 22 Hunyo 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971.

Kamatayan

baguhin

Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Mga kawing na panlabas

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hindi nagtalaga ang Kongreso ng Pangalawang Pangulo nang naupo si Garcia sa pagkapangulo, mula kay Magsaysay, alinsunod sa Konstitusyon ng 1935
Sinundan:
Carlos Garcia
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
1957–1961
Susunod:
Fernando Lopez
Sinundan:
Carlos Garcia
Pangulo ng Pilipinas
1961–1965
Susunod:
Ferdinand Marcos