Abril 21
petsa
<< | Abril | >> | ||||
Lu | Ma | Mi | Hu | Bi | Sa | Li |
1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 |
8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 |
15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 |
22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 |
29 | 30 | |||||
2024 |
Ang Abril 21 ay ang ika-111 na araw ng taon sa kalendaryong Gregoryano (ika-112 kung bisyestong taon), at mayroon pang 257 na araw ang natitira.
Pangyayari
baguhin- 1519 - Si Hernán Cortés ay lumapag sa Veracruz, Veracruz
- 2014 - Kinondena ng Mga Nagkakaisang Bansa ang "Tudlaang Pagpatay" at pagkasugat ng daang-daang sibilyan base sa kanilang pinagmulang pangkat etniko sa bayan ng Bentiu matapos ang paglusob na ginawa ng mga rebeldeng Timog Sudan noong nakaraang linggo.[1]
- 2014 - Isang pag-atake sa Aleppo, ang ginawa ng Hukbong Panghimpapawid ng Sirya ang ikinasawi ng karamihan; 14 naman ang namatay matapos sumabog ang isang bomba sa bariles sa pamayamanan ng Baeedeen.[2]
- 2014 - Ayon sa mga militanteng maka-Rusya, nakuha nila ang dalawang bangkay ng kanilang miyembro sa Ilog ng Seversky Donets sa Sloviansk, Ukraine, kung saan ang mga ito ay nagtamo ng maraming saksak.[3]
- 2014 - 30 hinihinalang miyembro ng militanteng al-Qaeda at 6 na sibilyan ang napatay sa isinagawang pag-atake ng drone ng Estados Unidos sa Yemen.[4]
- 2014 - Isang bomba sa kotse ang sumabog sa Mogadishu, Somalya na ikinasawi ng isang miyembro ng Pederasyon ng Parliyamento ng Somalya at ikinasugat ng iba pa.[5]
- 2014 - Kinundena ng Pangulo ng Timog Korea nasi Park Geun-hye ang aksisyong ginawa ng mga tripulante ng barkong Sewol at ihinalintulad ito sa gawaing pagpatay ng tao. Umabot na sa 87-katao ang nasawi at 238 pa ang nawawala at itinuturing na ring mga patay matapos lumubog ang barkong Sewol noong Abril 16.[6]
- 2014 - Apat na tripulante ng barko ang inaresto matapos iwanan ang barko habang ito ay palubog.[7]
- 2014 - Nagsagawa ng biglaang pangangailangang paglapag ang Boeing 737 ng Malaysian Airlines na may lulan na 166 katao matapos pumutok ang pangunahing gulong nito sa harapan.[8]
- 2014 - Nailigtas sa panganib ang labing-anim na taong gulang na binatang nag-layas at sumakay sa kompartimento ng isang eroplano mula sa Pandaigdigang Paliparan ng San Jose patungo sa Paliparan ng Kahului.[9]
- 2014 - Naantala ang paghahanap sa Lipad 370 ng Malaysia Airlines dahil sa Bagyong Jack. Kabilang na rin ang submarinong Bluefin-12 ng Hubong Dagat ng Estados Unidos sa misyon ng paghahanap ng mga labi ng eroplano na nawala noong Marso 8 na may lulang 238 katao.[10]
- 2014 - Sinentensiyahan ng hatol ng kamatayan ang 5-katao at ng pagkakakulong ng 37 iba pa para sa kasong pagkakasangkot sa pambobomba sa Riad, Saudi Arabia, noong 2013.[11]
Kapanganakan
baguhin- 1926 – Queen Elizabeth II
- 1935 – Charles Grodin, Amerikanong aktor (d. 2021)
Kamatayan
baguhin- 1910 - Mark Twain (ipinanganak 1835).
- 1946 - John Maynard Keynes
- 1997 - Diosdado Macapagal, Ika-5 Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas, (ipinanganak 1910).
- 2016 - Prince (ipinanganak 1958).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ (Al Jazeera)
- ↑ "(Reuters)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-28. Nakuha noong 2014-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (Sun News)
- ↑ (CNN)
- ↑ (BBC)
- ↑ "(Reuters)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-21. Nakuha noong 2014-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "(KDVR)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-03. Nakuha noong 2014-07-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (ABC News)
- ↑ (Los Angeles Times)
- ↑ "(Reuters)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-24. Nakuha noong 2014-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (BBC)
Panlabas na link
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Araw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.