1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31  

Ang Disyembre ang ikalabindalawa at huling buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. Binubuo ito ng 31 araw.

Disyembre, mula sa Très Riches Heures du duc de Berry

Ang pangalang Disyembre ay nagmula sa salitang Latin na decem (na nangangahulugang “sampu”) sapagkat ito ang orihinal na ikasampung buwan ng taon sa kalendaryo ni Romulo noong mga 750 BK, na nagsisimula sa Marso. Ang mga araw ng taglamig pagkatapos ng Disyembre ay hindi kabilang sa anumang buwan. Kalaunan, nalikha ang mga buwang Enero at Pebrero mula sa panahong walang buwan at idinagdag sa simula ng kalendaryo, subalit napanatili ng Disyembre ang dating pangalan nito.[1][2]

Sa Sinaunang Roma, bilang isa sa apat na Agonalia (mga kapistahan para sa mga diyos), ginaganap tuwing Disyembre 11 ang pagdiriwang bilang parangal kay Sol Indiges (ang ginawang diyos na Araw), gayundin ang Septimontium (Pista ng Pitong Burol ng Roma). Idinaraos naman ang dies natalis (araw ng kapanganakan) sa templo ni Tellus (diyosa ng lupa) tuwing Disyembre 13, Consualia (pista para kay Consus, diyos ng mga imbakan) tuwing Disyembre 15, Saturnalia (pista para kay Saturno, diyos ng agrikultura) mula Disyembre 17 hanggang 23, Opiconsivia (pista para kay Ops, diyosa ng pertilidad) tuwing Disyembre 19, Divalia (pista para kay Angerona, diyosa na tumutulong sa kalikasan at sangkatauhan upang matagumpay na malampasan ang taunang krisis ng mga araw ng taglamig) tuwing Disyembre 21, Larentalia (isang pista na iniuukol kay Acca Larentia, subalit ayon sa ilang pananaw ay para rin sa mga Lares, ang mga espiritung tagapagbantay ng tahanan) tuwing Disyembre 23, at ang dies natalis ni Sol Invictus (araw ng kapanganakan ng Di-matatalong Araw) tuwing Disyembre 25. Hindi tumutugma ang mga petsang ito sa makabagong kalendaryong Gregoryano.

Tinutukoy ng mga Anglo-Sahon ang Disyembre–Enero bilang Ġēolamonaþ ("buwan ng Yule"). Sa Kalendaryong Republikano ng Pransiya, saklaw ng Disyembre ang mga buwang Frimaire (buwan ng hamog) at Nivôse (buwan ng niyebe).

Astronomiya

baguhin

Ang Disyembre ay naglalaman ng taglamig na solstisyo sa Hilagang Emispero, ang araw na may pinakamaikling oras ng liwanag, at ng tag-init na solstisyo sa Timog Emispero, ang araw na may pinakamahabang oras ng liwanag (hindi kabilang ang mga rehiyong polar kung saan palaging wala o 24 na oras ang liwanag malapit sa solstisyo). Sa pananaw ng mga panahon, ang Disyembre sa Hilagang Emispero ay katumbas ng Hunyo sa Timog Emispero, at kabaligtaran nito. Sa Hilagang Emispero, tradisyonal na nagsisimula ang astronomikal na taglamig tuwing ika-21 ng Disyembre o sa petsa ng solstisyo.

Ilan sa mga pag-ulan ng bulalakaw na nangyayari sa Disyembre ay ang:

  • Andromédidas (Setyembre 25 – Disyembre 6, pinakamataas ang bilang mga Nobyembre 9)
  • Canis Menóridas (Disyembre 4 – Disyembre 15, pinakamataas mga Disyembre 10–11)
  • Coma Berenícidas (Disyembre 12 hanggang Disyembre 23, pinakamataas mga Disyembre 16)
  • Delta Cáncridas (Disyembre 14 hanggang Pebrero 14, pangunahing tag-ulan mula Enero 1 hanggang Enero 24, pinakamataas Enero 17)
  • Gemínidas (Disyembre 13–14)
  • Monocerótidas (Disyembre 7 hanggang Disyembre 20, pinakamataas Disyembre 9. Maaari ring magsimula ito sa Nobyembre)
  • Fénicidas (Nobyembre 29 hanggang Disyembre 9, pinakamataas mga Disyembre 5/6)
  • Cuadrántidas (karaniwang Enero ang panahon ng pag-ulan ngunit maaari ring magsimula sa Disyembre)
  • Sigma Hídridas (Disyembre 4–15)
  • Úrsidas (Disyembre 17 hanggang Disyembre 25/26, pinakamataas mga Disyembre 22)

Astrolohiya

baguhin

Ang mga tandang sodyak para sa buwan ng Disyembre ay Sagittarius (hanggang Disyembre 21) at Capricorn (mula Disyembre 22 pataas).[3][4]

Mga simbolo

baguhin
 
Dilaw na bulaklak ng narsiso
 
Isang piraso ng turkesa
 
Mga sirkon
 
Magaspang at pinakintab na tansanita

Ang bulaklak ng kapanganakan para sa Disyembre ay ang narsiso. Ang mga batong pangkapanganakan nito ay ang turkesa, sirkon, at tansanita.

Mga pagdiriwang

baguhin

Ang talaang ito ay hindi nangangahulugang may katayuang opisyal o pagdiriwang pangkalahatan.

Buong buwan

baguhin

Nalilipat

baguhin

Ikalawang Lunes

  • Lunting Lunes
  • Pambansang Araw ng Pagtatanim ng Puno (Malawi)

Soltisyong Taglamig

Nakapirmi

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Macrobius, Saturnalia, tr. Percival Vaughan Davies (New York: Columbia University Press, 1969), aklat I, kabanata 12–13, pp. 89–95. (sa Ingles)
  2. "December" . Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. VII (ika-9 (na) edisyon). 1878. p. 19.
  3. Dumaan ang Daigdig sa pinagtagpuan ng mga simbolo noong 10:02 UT/GMT Disyembre 21, 2020, at muling dadaan dito sa 15:59 UT/GMT Disyembre 21, 2021.
  4. "Astrology Calendar", yourzodiacsign. Signs in UT/GMT for 1950–2030. (sa Ingles)
  5. "Proclamation No. 2226, s. 1982 | Senate of the Philippines Legislative Reference Bureau". ldr.senate.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-07-01.
  6. Soberano, Bombo Analy (2016-12-21). "Simpleng selebrasyon inihanda ng AFP sa ika-81st anibersaryo". Bombo Radyo News. Nakuha noong 2025-07-01.
Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31