1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30  

Ang Nobyembre ay ang ikalabing-isa at panultimong buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. May 30 araw ito. Noong bandang 750 BK, ikasiyam na buwan ang Nobyembre sa kalendaryo ni Romulo. Napanatili nito ang pangalan mula sa salitang Latin na novem (siyam), kahit naidagdag na ang Enero at Pebrero sa kalendaryong Romano. Sa Timog Emispero, huling bahagi ng tagsibol ang Nobyembre; sa Hilagang Emispero, huling bahagi ng taglagas. Sa Timog Emispero, tumutugma ang Nobyembre sa Mayo ng Hilagang Emispero, at ganoon din sa kabaligtaran.

Sa Sinaunang Roma, ginaganap ang Ludi Plebeii (mga Paligsahan ng mga Karaniwang Mamamayan) mula Nobyembre 4 hanggang 17. Idinaraos ang Epulum Jovis (Piging para kay Jupiter) tuwing Nobyembre 13, habang sinisimulan ang mga pagdiriwang ng Brumalia (Kapistahan ng Taglamig) tuwing Nobyembre 24. Hindi tumutugma ang mga petsang ito sa modernong kalendaryong Gregoryano.

Tinutukoy ng mga Anglo-Sahon ang buwang ito bilang Blōtmōnaþ (Buwan ng Hain). Sa Kalendaryong Republikano ng Pransiya, saklaw ng Nobyembre ang mga buwang Brumaire (maulap o hamog na buwan) at Frimaire (buwan ng lamig).

Chrysanthemum o mansanilya
Topaz crystal
Krystal ng topas
Citrine gemstone
Batong hiyas na sitrine

Astrolohiya

baguhin

Sa astrolohiyang Kanluranin, ang mga tandang sodyak na kaugnay ng Nobyembre: Scorpio (Oktubre 23 – Nobyembre 21) at Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21).[1][2]

Mga simbolo

baguhin

Ang batong kapanganakan para sa Nobyembre ay ang topas (lalo na ang dilaw) na sumasagisag sa pagkakaibigan, at ang sitrine. Ang bulaklak ng kapanganakan nito ay ang chrysanthemum o mansanilya.[3]

Mga pagdiriwang

baguhin

Ang talaang ito ay hindi nangangahulugang may katayuang opisyal o pagdiriwang pangkalahatan.

 
Mga iba't-ibang uri ng bulaklak sa iba't-ibang uri ng libingan na nakalagay upang magpakita ng pagmamahal, pagrespeto at pag-alala sa mga yumaong kamag-anak o kaibigan. Isang tagpo ito sa Undas, ang pag-alala sa mga namatay tuwing Nobyembre 1.
 
Ipinagdiriwang ang Araw ng Pagpasalamat sa Nobyembre
 
Ipinagdiriwang ang kabayanihan ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Himagsikang Pilipino, tuwing Nobyembre 30, na siya rin kanyang kapanganakan

Buong buwan

baguhin
  • Sa tradisyong Katoliko, ang Nobyembre ay ang buwan para sa pagdarasal sa mga Banal na Kaluluwa sa Purgatoryo. Pinapanitili minsan ang isang Talaang Nobyembre o Talaang Namatay ng Nobyembre para sa layuning ito.[4]
  • Buwan ng Akademikong Pagsusulat
  • Buwan ng Kamalayan sa Kanser sa Baga

Nalilipat

baguhin
  • Pandaigdigang Araw ng Mitzvah[5]

Unang Linggo

Martes pagkatapos ng unang Lunes

  • Araw ng Halalan (Estados Unidos)

Ikatlong Huwebes

Ikatlong Biyernes

  • Pandaigdigang Araw ng Paninindigan laban sa Pang-aapi

Huling Miyerkules

Ikaapat na Huwebes

Araw pagkatapos ng ikaapat ng Huwebes

  • Itim na Biyernes (Estados Unidos)

Nakapirmi

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Dumaan ang Daigdig sa pinagtagpuan ng mga simbolo noong 20:39 UT/GMT Nobyembre 21, 2020, at muling dadaan dito sa 02:33 UT/GMT Nobyembre 22, 2021.
  2. "Astrology Calendar", yourzodiacsign. Mga tanda sa UT/GMT para sa 1950–2030. (sa Ingles)
  3. "SHGresources.com" (sa wikang Ingles). SHGresources.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-11. Nakuha noong 2012-12-11.
  4. Jesuit Institute, November Lists Naka-arkibo 2023-11-05 sa Wayback Machine., hinango noong 5 Nobyembre 2023. (sa Ingles)
  5. "Home - Mitzvah Day". (sa Ingles)
Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31