Buwan (Ingles: month) ang tawag sa isa sa 12 bahagi ng taon.

Mga buwan sa iba't ibang kalendaryo

baguhin

Juliano at Gregoryano

baguhin

Ang kalendaryong Gregoryano, kagaya ng kalendaryong Juliano bago nito, ay may labindalawang buwan. Narito ang mga pangalan ng buwan sa mga wikang Tagalog, Kastila at Inggles.

Tagalog Kastila Ingles
1 Enero Enero January
2 Pebrero Febrero February
3 Marso Marzo March
4 Abril Abril April
5 Mayo Mayo May
6 Hunyo Junio June
7 Hulyo Julio July
8 Agosto Agosto August
9 Setyembre Septiembre September
10 Oktubre Octubre October
11 Nobyembre Noviembre November
12 Disyembre Diciembre December

Ang mga pangalan ng buwan sa wikang Tagalog ay ibinatay sa wikang Kastila.

Ang mga pangalan ng mga labindalawang buwan sa kalendaryong Ebreo ay ihinango mula sa wikang Akadyo, na nakuha noong panahon ng pagtapon ng mga Hudyo sa Babilonya, at hindi mahahanap saanman sa Tanakh. Mayroong dalawang pagkakasunod-sunod ang kalendaryo: isang sibil at isang pampananampalataya. Nakapanaklong ang mga anyong Ebreo.

Sibil Pampananampalataya
Tishre (תשרי‎) Nisan
H̱eshvan (חשון) Iyar
Kislev (כסלו) Sivan
Tevet (טבת) Tamuz
Shvat (שבט) Av
Adar (אדר) Elul
Nisan (ניסן‎) Tishre
Iyar (אייר‎) H̱eshvan
Sivan (סיון) Kislev
Tamuz (תמוז) Tevet
Av (אב‎) Shvat
Elul (אלול‎) Adar

Inuulit ang Adar tuwing taong bisyesto.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.