Kalendaryong Gregoryano

(Idinirekta mula sa Talaarawang Gregoryano)
Kalendaryo Gregoryano, 2021
  • Kalendaryong gregoryano: 2021
    MMXXI
  • Kalendaryo ng Marte: 36
  • Kalendaryong Ab urbe condita: 2774
  • Kalendaryong Armenya: 1470
  • Kalendaryong Assyriano: 6771
  • Kalendaryong Baha i: 177-178
  • Kalendaryong Balines: 1942–1943
  • Kalendaryong Bengali: 1428
  • Kalendaryong Berber: 2971
  • Kalendaryong Breton Regnal: 69-70
  • Kalendaryong Buddhista: 2565
  • Kalendaryong Burmes: 1383
  • Kalendaryong Byzantina: 7529–7530
  • Kalendaryong Intsik: 4717 o 4657 庚子年 (Aserong Daga)
    — to — 4718 o 4658 辛丑年 (Aserong Baka)
  • Kalendaryong Koptik: 1737–1738
  • Kalendaryong Discordya: 3187
  • Kalendaryong Ethiopya: 2013–2014
  • Kalendaryong Ebreo: 5781–5782
  • Kalendaryong Hindu: - Vikram Samvat 2077–2078 - Shaka Samvat 1942–1943 - Kali Yuga 5121–5122
  • Kalendaryong Holokena: 12021
  • Kalendaryong Igbo: 1021–1022
  • Kalendaryong Irani: 1399–1400
  • Kalendaryong Islam: 1442–1443
  • Kalendaryong Hapon:Reiwa 3
    (令和3年)
  • Kalendaryong Java: 1954–1955
  • Kalendaryong Juche: 110
  • Kalendaryong Julian: binawasang 13 araw sa Gregoryano
  • Kalendaryong Koreano: 4354
  • Kalendaryong Minguo: ROC 110
    民國110年
  • Kalendaryong Nanakshahi: 553
  • Kalendaryong Thai: 2564
  • Kalendaryong Tibet solar: 2147 or 1766 or 994

Ang Kalendaryong Gregoriano o Talaarawang Gregoryano ay ang pinakasikat na kalendaryo sa kanluranin. Nagbuhat ito sa Kalendaryong Juliano at unang ipinanukala ng isang doktor na taga-Neapolitano na si Aloysius Lilius. Pinagtibay ang paggamit ng kalendaryong ito ni Papa Gregorio XIII (Ikalabing tatlo), na siya ring pinagmulan ng pangalan ng kalendaryong ito. Pinagtibay ito noong 24 Pebrero 1981, gayumpaman ang bula ng Santo Papa (ang papal bull) - ang Inter gravissimas - ay nalagdaan noong 1581 sa di-malamang kadahilanan at nailathala noong 1 Marso 1582. May ibang bula ng papang hindi salungat sa taon ng pagkapapa at maging ibang taon.

May 3 pamantayan ang Kalendaryong Gregoryano para sa leap year:

  1. Kung mahahati sa 4, yun ay leap year.
  2. Kung mahahati sa 100, yun ay hindi leap year.
  3. Kung mahahati sa 400, yun ay leap year.

Kaya ang 1700, 1800 at 1900 ay hindi mga leap year, subalit ang 1600 at 2000 ay mga leap year.

Sa kasalukuyan, ang ginagamit na sistema sa pagbibilang ng araw ay batay sa Kalendaryong Gregoryano sa maraming bansa. Sa pamamagitan ng kalendaryong ito ay itinalaga ang Enero 1 bilang simula ng isang taon. Bago dumating ang Kalendaryong Gregoryano, ang pinagbabatayan ng pagbilang ng taon ay ang Kalendaryong Juliano na hango sa pangalan ni Julius Caesar.

Sa Kalendaryong ito, ang bawat taon ay nahahati sa 12 ng buwan:

Pangalang Gregoryano Bilang ng Araw Pinagmulan ng Ngalang Buwan
Enero 31 Janus, Romanong diyos ng simula at dulo.
Pebrero 28/29 Alay sa Romanong diyos na si Lupercus Februus na siyang galing sa februa Lupercalia, isang Romanong piyestang paglilinis at pagpapadalisay. Ito'y ipindgdiriwang sa tuwing ika-15 ng ng buwang tukoy.1[1]
Marso 31 Marte, Romanong diyos ng digmaan.
Abril 30 Wikang Latin: aperire, o pagbukas, maaaring tumutukoy sa unang 'pagbukas' ng mga puno at bulaklak na madalas maranasan sa buwang ito.
Mayo 31 Maia, Romanong diyos
Hunyo 30 Juno, Romanong Diyos, asawa ni Hupiter
Hulyo 31 Julius Caesar, isang Romanong diktador.
Agosto 31 Augustus (Ang unang Romanong Emperador)
Setyembre 30 Wikang Latin: septem o pito, tumutukoy sa ika-7 ng buwan sa Romanong Kalendaryo.
Oktubre 31 Wikang Latin: octo o walo, tumutukoy sa ika-8 ng buwan sa Romanong Kalendaryo.
Nobyembre 30 Wikang Latin: novem o siyam, tumutukoy sa ika-9 na buwan sa Romanong Kalendaryo.
Disyembre 31 Wikang Latin: decem, o sampu, ang ikasampung buwan sa Kalendaryong Romano.
Total / Kabuuan 365/366

Sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.