1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31

Ang Agosto ay ang ikawalong buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. May haba itong 31 araw.[1]

Paglalarawan ng pag-aani sa pahinang kalendaryo ng Agosto ni Reyna Mary Psalter (fol. 78v), ca. 1310

Sa Timog Emisperyo, ang Agosto ay ang kapanahunang katumbas ng Pebrero sa Hilagang Emisperyo. Sa Hilagang Emisperyo, pumapatak ang Agosto sa kapanahunang tag-init. Pumapatak naman sa Timog Emisperyo ang Agosto tuwing kapanahunang tag-niyebe. Sa maraming bansa sa Europa ang Agosto ay pistang buwan para sa karamihan ng mga manggagawa. Maraming pistang panrelihiyon ang nagaganap tuwing Agosto noong sinaunang Roma.[2]

Nangyayari ang ilan pag-ulan ng bulalakaw sa Agosto. Tuwing Agosto ang Kappa Cygnids, na iba't iba ang petsa kada taon. Tuwing maagang Hulyo hanggang mga Agosto 10 ang pag-ulan ng bulalakaw na Alpha Capricornids, at nagaganap ang Katimugang Delta Aquariids mula sa kalagitanaan ng Hulyo hanggang kalagitnaan ng Agosto, na may mga araw ng tugatog na nagbabago taon-taon. Napakainam na pagmasdan ang kumpol na bituin na Messier 30 tuwing Agosto.

Sa mga aborihen ng Kapuluang Canarias, lalo na sa Guanches ng Tenerife, natanggap ng buwan ng Agosto sa pangalan ng Beñesmer o Beñesmen, na pistang pag-aani din tuwing Agosto.[3][4]

Orihinal na ipinangalan ang buwan bilang Sextilis sa Latin dahil ito ang ika-6 na buwan sa orihinal na sampuhang-buwan ng kalendaryong Romano sa ilalim ni Romulo noong 753 BC, na Marso ang unang buwan ng taon. Noong mga 700 BC, ito ang naging ikawalong buwan nang naidagdag ang Enero at Pebrero sa taon bago ang Marso ni Haring Numa Pompilio, na binigyan din ng 29 araw. Dinagdag ni Julio Cesar ang dalawang araw nang nilikha niya ang kalendaryong Huliyano noong 46 BC (AUC 708), na binigyan ito ang makabagong 31 araw na haba.

Noong 8 BC, pinalitan ang pangalan ng buwan bilang parangal kay Emperador Augusto.[5] Sang-ayon sa Senado konsulto na binanggit ni Macrobio, pinili niya ang buwan na ito dahil sa panahon ito naganap ang ilang niyang dakilang tagumpay, kabilang pananakop ng Ehipto.[6] Sinasabi ng karaniwang inuulilt na alamat na mayroong 31 araw ang Agosto dahil nais ni Augusto na tumbasan ang kanyang buwan sa haba ng Hulyo ni Julio Cesar, subalit imbento lamang ito noong ika-13 dantaon na iskolar na si Johannes de Sacrobosco. Sa katunayan, mayroon nang 31 araw ang Sextilis bago pa man napalitan ang pangalan nito, at hindi ito pinili dahil sa haba nito.[7][8]

Mga simbolo

baguhin
 
Gladiyolus
 
Mga batong-hyas na peridoto
 
Batong sardonise
 
Pulang espinela sa kalsita

Ang mga birthstone o batong-kapanganakan ng Agosto ay peridoto, sardonise, at espinela.[9] Ang bulaklak-kapanganakan nito ay gladiyolus o amapola, na nangunguhulugang ganda, tibay ng karakter, pag-ibig, kasal at pamilya.[10] Ang simbolong sodyak ng Kanluran signs are Leo (hanggang Agosto 22) at Virgo (mula Agosto 23 pataas).[11][12]

Mga pagdiriwang

baguhin

Buong buwan

baguhin

Nailipipat

baguhin

Ikalawang Lunes

baguhin

Huling Lunes

baguhin
  • Araw ng mga Ama (Timog Sudan)
  • Pambansang Araw ng mga Bayani (Pilipinas)[13]
  • Araw ng Liberasyon (Hong Kong)

Nakapirmi

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "August | month | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nagaganap ang Supplicia canum tuwing Agosto 3, ang Lychnapsia tuwing Agosto 12, ang Nemoralia tuwing Agosto 13–15 (o kabilugan ng buwan ng Agosto), ang Tiberinalia at Portumnalia tuwing Agosto 17, ang Consuales Ludi tuwing Agosto 18, ang Vinalia rustica tuwing Agosto 19, ang Vulcanalia tuwing August 23, ang Opiconsivia tuwing Agosto 25, at ang Volturnalia tuwing Agosto 27. Hindi tumutugma ang mga petsang ito sa makabagong kalendaryong Gregoryano.
  3. Abréu Galindo, Juan de (1848) [1632]. Historia de la conquista de las siete islas de Gran Canaria (sa wikang Ingles). Santa Cruz de Tenerife: Imprenta, Litografía y Librería Isleña. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 12, 2018. Nakuha noong Oktubre 5, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Torriani, Leonardo (1959) [1590]. Descripción e historia del reino de las Islas Canarias: antes Afortunadas, con el parecer de sus fortificaciones (sa wikang Ingles). Santa Cruz de Tenerife: Goya Ediciones. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 23, 2018. Nakuha noong Oktubre 5, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Keeping Time: Months and the Modern Calendar". Live Science (sa wikang Ingles). Mayo 16, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Year of Julius Caesar, A Dictionary of Greek and Roman Antiquities (1890), William Smith, LLD, William Wayte, G. E. Marindin, Ed" (sa wikang Ingles).
  7. Lamont, Roscoe (1919). "The Roman calendar and its reformation by Julius Caesar". Popular Astronomy (sa wikang Ingles). Bol. 27. pp. 583–595, esp. 585–587. Bibcode:1919PA.....27..579P.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tinalakay ang teoriya ni Sacrobosco sa mga pahina  585–587.
  8. Nothaft, C. Philipp E. (2018). Scandalous Error: Calendar Reform and Calendrical Astronomy in Medieval Europe (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 122. doi:10.1093/oso/9780198799559.001.0001. ISBN 9780198799559.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Why the American Gem Society". American Gem Society.
  10. "Birth Months, Flowers, and Gemstones - SHG Resources". archive.ph (sa wikang Ingles). 2012-09-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-11. Nakuha noong 2024-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Dumadaan ang Daigdig sa pinagkrusan ng mga simbolo sa ganap na 15:44 UT/GMT noong Agosto 22, 2020. Dumaan muli ito sa ganap na at 21:34 UT/GMT noong Agosto 22, 2021.
  12. "Astrology Calendar". yourzodiacsign. Mga simbolo sa UT/GMT para sa 1950–2030. (sa Ingles)
  13. "Maligayang Araw ng mga Bayani – National Library of the Philippines". Nakuha noong 2024-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31