Mark Twain

Si Samuel Langhorne Clemens (30 Nobyembre 1835 – 21 Abril 1910),[1] na mas kilala sa kanyang sagisag-panulat na Mark Twain, ay isang Amerikanong may-akda at humorista. Higit na kinikilala si Twain dahil sa kanyang mga nobela sa wikang Ingles na Adventures of Huckleberry Finn, na malaon nang tinaguriang Dakilang Nobelang Amerikano,[2] at The Adventures of Tom Sawyer. Malawakan sinisipi ang kanyang mga panulat at pananalita.[3][4] Sa kahabaan ng kanyang buhay, naging kaibigan si Twain ng mga pangulo, mga artista ng sining, mga industriyalista, at maharlikang Europeo.

Mark Twain
MarkTwain.LOC.jpg
Kapanganakan
Samuel Langhorne Clemens

30 Nobyembre 1835
  • (Monroe County, Missouri, Estados Unidos ng Amerika)
Namatay21 Abril 1910
Inilibing saWoodlawn Cemetery
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahoperyodista, nobelista, awtobiyograpo, guro, humorist, children's writer, travel writer, may-akda, aphorist, manunulat ng science fiction, manunulat, prosista, publisista
AsawaOlivia Langdon Clemens
AnakSusy Clemens, Clara Clemens, Jean Clemens
Magulang
  • John Marshall Clemens
  • Jane Lampton
PamilyaOrion Clemens
Pirma
Mark Twain Signatures-2.svg

Nagtamasa si Twain ng matinding katanyagan mula sa madla. Dahil sa kanyang masinsing katalinuhan at matalas na satiro o panunuya, nagkamit siya ng papuri mula sa mga manunuri at mga kasama. Tinawag siya ni William Faulkner bilang "ang ama ng panitikang Amerikano".[5]

Mga sanggunianBaguhin

  1. "The Mark Twain House Biography". Nakuha noong 2006-10-24.
  2. "Mark Twain's Huckleberry Finn". Nakuha noong 2007-04-09.
  3. "Mark Twain quotations". Nakuha noong 2006-10-24.
  4. "Mark Twain Quotes - The Quotations Page". Nakuha noong 2006-10-24.
  5. Jelliffe, Robert A. (1956). Faulkner at Nagano. Tokyo: Kenkyusha, Ltd.



  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.