Ang Sloviansk (Ukranyo: Слов'янськ, transliterated Slov”yans’k[2]; Ruso: Славянск, translit. Slavyansk[3]) ay isang lungsod sa Donetsk Oblast, silangang Ukraine. Isa itong sentro ng transportasyon sa rehiyon. Bilang isang lungsod-industriyal, ang mga ginagawang produkto nito ay mga kagamitang kimikal, kongkreto, mga spare part para sa mga kagamitang pangmina, makinarya, at insulador. Ang populasyon nito noong 2013 ay 117,445 katao, mas-mababa sa populasyon nitong 124,829 katao noong senso 2001.

Sloviansk

Слов’янськ
city ​​in Ukraine
Watawat ng Sloviansk
Watawat
Eskudo de armas ng Sloviansk
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 48°51′12″N 37°36′21″E / 48.85325°N 37.60589°E / 48.85325; 37.60589
Bansa Ukranya
LokasyonSloviansk Hromada, Kramatorsk Raion, Donetsk Oblast, Ukranya
Itinatag1645
Lawak
 • Kabuuan58.9 km2 (22.7 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2017)[1]
 • Kabuuan113,196
 • Kapal1,900/km2 (5,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+02:00
Websaythttp://www.slavrada.gov.ua/

Itinatag ito noong 1676. Isa ang lungsod sa mga mahalagang tagpuan ng mga unang bahagi ng 2014 pro-Russian conflict in Ukraine. Kinuha ito muli ng mga pwersang Ukrainian noong Hulyo 2014.

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ni Tsar Aleksey Mikhailovich ang lungsod ng Sloviansk noong 1645 bilang isang kuta sa hangganan laban sa mga pag-atake at paglusob sa mga katimugang arrabal ng Estado ng Rusya.[4] Noong 1676, isang muog na nakapangalang Tor ay itinayo sa bagtasan ng mga Ilog Kazenyy Torets at Sukhyy Torets, kung saan nagiging Ilog Torets ito (isang tributaryo ng Ilog Donets).[5] Pagkaraan nito, umusbong ang bayan ng Tor sa tabi ng muog.[4]

Dahil sa lokasyon nito malapit sa ilang lawang asin, ang bayan ay naging tagagawa ng asin. Noong ika-16 na dantaon, pangunahing katutubong industriya ang paggawa ng asin, subalit noong ika-18 dantaon, naging hindi kapaki-pakinabang ito at itinigil noong Disyembre 21, 1782.

Noong 1784, binago sa Sloviansk ang pangalan ng lungsod, at ito'y naging bahagi ng Gobernado ng Kharkov ng Imperyong Ruso noong 1797. Itinatag ang isang liwaliwan sa mga baybayin ng Lawa ng Ropne noong 1832.

Sinakop ng mga Aleman ang lungsod noong Oktubre 28, 1941. Noong Disyembre 1941, pinatay ng SS Einsatzkommando 4b ang higit sa isang libong Hudyo na nakatira sa lungsod.[6] Pansamantalang pinalayas ng Hukbong Pula ang mga umookupang Nazi noong Pebrero 17, 1944. Muli itong kinuha ng mga Aleman noong Marso 1, 1943. Sa huli, pinalaya ng Hukbong Pula ang Sloviansk noong Setyembre 6, 1943.

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.ukrstat.gov.ua/druk/publicat/kat_u/2017/zb/06/zb_chnn_0117pdf.zip.
  2. "Slov"yans'k: Ukraine". Geographical Names. Nakuha noong 15 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Slavyansk: Ukraine". Geographical Names. Nakuha noong 15 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Города и области Украины. Справочник по Украине". Ukrainian.SU. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-23. Nakuha noong 12 Oktubre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Slov'yansk (Ukraine) - Encyclopædia Britannica". Britannica.com. Nakuha noong 21 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://yahadmap.org/#village/slovyansk-donetsk-ukraine.271

Mga ugnay panlabas

baguhin