Ang Aleppo ( /əˈlɛp/; Arabe: ﺣﻠﺐ‎ / ALA-LC: Ḥalab, IPA: [ˈħalab]) ay isang pangunahing lungsod sa Syria na nagsisilbi bilang kabisera ng Gobernado ng Aleppo na pinakamataong gobernado ng Syria.[8] Ito ang pinakamataong lungsod ng Syria bago ang Digmaang Sibil ng Syria, na may 2,132,100 katao ayon sa senso noong 2004. Subalit ang Aleppo ay ang maaaring pangalawang pinakamataong lungsod sa Syria ngayon, kasunod ng kabisera Damascus.

Aleppo

ﺣﻠﺐ

Ḥalab
(Mula sa taas, kaliwa-pakanan): Tanawin ng Aleppo paggabi noong 2009; Aleppo Citadel; Katedral ni San Elias; Looban ng Dakilang Mosque ng Aleppo
Palayaw: 
Al-Shahbaa[1]
Aleppo is located in Syria
Aleppo
Aleppo
Lokasyon sa Syria
Mga koordinado: 36°13′N 37°10′E / 36.217°N 37.167°E / 36.217; 37.167
Bansa Syria
GobernadoGobernado ng Aleppo
DistritoMount Simeon (Jabal Semaan)
Unang tinirahan5000 BC
Unang konseho panlungsod1868
Pamahalaan
 • GobernadorAhmad Hussein Diyab
 • Punong-lungsodMohammad Ayman Hallaq
Lawak
 • Lungsod190 km2 (70 milya kuwadrado)
 • Urban
77 km2 (30 milya kuwadrado)
Taas
379 m (1,243 tal)
Populasyon
 (2017 tantiya)
 • Lungsod1,800,000
DemonymTaga-Aleppo
Arabe: حلبي Ḥalabi
Ingles: Aleppine[3]
Sona ng orasUTC+2 (EET)
 • Tag-init (DST)UTC+3 (EEST)
Kodigo ng lugarKodigong pambansa: 963, Kodigong panlungsod: 21
Mga pinagkunan: Lawak ng Aleppo[4] Mga pinagkunan: populasyon ng lungsod[5][6][7]
Opisyal na pangalanLaong Lungsod ng Aleppo
UriKultural
Pamantayaniii, iv
Itinutukoy1986 (10th sesyon)
Takdang bilang21
Partidong EstadoSyria
RehiyonMga Estadong Arabo

Isang sinaunang lungsod ang Aleppo, at isa sa mga pinakamatandang lungsod na patuloy na tinitirhan sa mundo; tinitirhan na ito mula pa noong ika-6 na milenyo B.K.[9] Ang mga paghukay sa Tell as-Sawda at Tell al-Ansari, timog ng lumang lungsod ng Aleppo, ay nagpapakita na ang lugar ay tinirhan ng mga Amorreo mula pa noong huling bahagi ng ika-3 milenyo B.K.;[10] at ito rin kung kailang unang nabanggit ang Aleppo sa mga tabletang kuneiporme (cuneiform tablets) na nahukay sa Ebla at Mesopotamya, na kung saan bahagi ang Aleppo ng estadong Amorreo na Yamhad, at kilala sa kakayahang komersiyo at hukbo nito.[11] Ang mahabang kasaysayan ng Aleppo ay iniukol sa estratehikong lokasyon nito bilang sentro ng kalakalan sa pagitan ng Dagat Mediterraneo at Mesopotamya (iyan ay kasalukuyang Iraq).

Sa mga dantaon, ang Aleppo ay pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Syria, at pangatlong pinakamalaki sa Imperyong Otomano pagkaraan ng Konstantinopla at Cairo.[12][13][14] Isa rin ito sa mga pinakamalaking lungsod sa Levant bago ang pagsapit ng Digmaang Sibil ng Syria.[15][16][17] Ang kahalagahan ng lungsod sa kasaysayan ay dahil sa lokasyon nito sa isang dulo ng Daan ng Sutla na dumaan sa Gitnang Asya at Mesopotamya. Nang ipinasinaya ang Kanal Suez noong 1869, lumayo ang kalakalan sa dagat at nagsimula ang unti-unting paghina ng Aleppo. Sa pagbagsak ng Imperyong Otomano pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinuko ng Aleppo ang hilagang hinterland (kalapit na rehiyon) nito sa kasalukuyang Turkiya, gayundin ang mahalagang Baghdad Railway na nag-uugnay nito sa Mosul. Noong dekada-1940, napunta sa Turkiya ang mga lungsod ng Antakya at İskenderun, ang mga pangunahing daan nito pa-dagat. Sa huli, ang paghihiwalay (isolation) ng Syria sa ilang nakaraang dekada ay nagpalala ng sitwasyon. Ang paghina na ito ay maaring naitulong sa pagpapanatili ng lumang lungsod ng Aleppo, ang arkitekturang mediybal nito at kinagisnang pamana. Nakamit nito ang titulong "Islamic Capital of Culture 2006", at nagkaroon ito ng matagumpay na pagbabalik sa dating kalagayan ng mga makasaysayang lugar nito.

Noong Labanan sa Aleppo naranasan ng lungsod ang malakihang pagkawasak,[18] at ito ang pinakatinamaang lungsod noong Digmaang Sibil ng Syria.[19] Noong Disyembre 2016, nakamit ng pamahalaan ng Syria ang buong pamamahala ng Aleppo pagkaraan ng isang matagumpay na opensiba.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almaany Team. "معنى كلمة شَهْباءُ في معجم المعاني الجامع والمعجم الوسيط – معجم عربي عربي – صفحة 1". almaany.com.
  2. Albaath.news statement by the governor of Damascus, Syria Naka-arkibo 2011-05-16 sa Wayback Machine. (sa Arabe), April 2010
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-13. Nakuha noong 2017-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "statement by Syrian Minister of Local Administration, Syria". Agosto 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-09. Nakuha noong 2017-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Arabe)
  5. Central Bureau of Statistics (CBS). Aleppo Subdistrict Population Naka-arkibo 2012-05-20 sa Wayback Machine..
  6. 'Ferocious' air strikes pummel Aleppo as ground gained
  7. Syrian Arab Republic: Aleppo Situation Report No. 14 (20 January 2017) – Highlights of the Report of the UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs
  8. "Syrian Arab republic". UN Data. 24 Oktubre 1945. Nakuha noong 11 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[wala sa ibinigay na pagbabanggit]
  9. Columbia Encyclopedia, Sixth Edition (2010)
  10. The Oxford Encyclopedia of Archaeology in the Near East (1997)
  11. Britannica Concise Encyclopedia (2010)
  12. Encyclopedia of the Ottoman Empire. Google Books. Nakuha noong 11 Marso 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Russell, Alexander (1794), The Natural History of Aleppo, 2nd Edition, Vol. I, pp. 1–2
  14. Gaskin, James J. (1846), Geography and sacred history of Syria, pp. 33–34
  15. "UN Demographic Yearbook 2009" (PDF). Nakuha noong 21 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Expatify.com Navigating the Major Cities of Syria
  17. "Medicine in Aleppo, the world's 'most dangerous city'".
  18. "Collections – Aga Khan Collection – Aga Khan Historic Cities Programme – Aleppo Citadel Restoration". Archnet.
  19. Chulov, Martin (12 Marso 2015). "The worst place in the world? Aleppo in ruins after four years of Syria war" – sa pamamagitan ni/ng The Guardian.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)