Lipad 370 ng Malaysia Airlines
Ang Lipad 370 ng Malaysia Airlines (Ingles: Malaysian Airlines Flight 370) (MH370/MAS370) ay isang pandaigdigang pampasaherong lipad mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, patungong Beijing, Tsina, na naglaho noong 8 Marso 2014 na may sakay na 227 pasahero at 12 tripulante. Ang lipad, na pinapatakbo ng isang sasakyang panghimpapawid na Boeing 777-200ER, ay itinalaga rin bilang Lipad 748 ng China Southern Airlines (CZ748) sa ilalim ng isang kasunduang codeshare. Ang dahilan ng pagkawala ay hindi na matukoy at kasalukuyang sinisiyasat.[1][2][3]
Buod ng nawawalang sasakyang panghimpapawid | |
---|---|
Petsa | 8 Marso 2014 |
Buod | Nawawala |
Pasahero | 227 |
Tripulante | 12 |
Namatay | 239 |
Nakaligtas | 0 |
Tipo ng sasakyan | Boeing 777-200ER |
Tagapamahala | Malaysia Airlines |
Rehistro | 9M-MRO |
Pinagmulan ng lipad | Paliparang Pandaigdig ng Kuala Lumpur |
Destinasyon | Paliparang Pandaigdig ng Beijing-Kabisera |
Umalis ang Lipad 370 mula sa Kuala Lumpur International Airport sa oras na 00:41 MST (UTC+8) noong 8 Marso 2014 at nakatakdang lumipad ng 6 na oras at darating sa Beijing Capital International Airport sa oras na 06:30 ng araw ding iyon. Nawalan ng contact ang Subang Air Traffic Control Centre sa eroplano sa oras na 01:22 habang ito ay nasa Golpo ng Thailand, at iniulat itong na nawawala sa oras na 02:40.[4][5] Isang magkasanib na kilos sa paghanap at pagsagip, na tumututok sa Golpo ng Thailand, Kipot ng Malaka at Dagat Timog Tsina, ay isinasagawa iba't ibang ahensya ng maraming pambansang pamahalaan.[6][7][8]
May dalawang pasahero ang gumagamit ng huwad pagkakakilanlan.[9][10][11] Sinabi ng pinuno ng Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Malaysia ng hindi pa itinapon ng mga opisyal ang hijacking bilang sanhi ng paglaho ng eroplano, at hindi rin kinumpirma ang mga karagdagang ulat na may nakitang pira-piraso ng eroplano sa laot sa timog ng Biyetnam.[12]
Insidente
baguhinUmalis ang lipad mula sa Paliparang Pandaigdig ng Kuala Lumpur noong 8 Marso 2014 01:41 oras ng Malaysia (7 Marso, 16:41 UTC) at nakatakdang lumapag sa Paliparang Pandaigdig ng Beijing-Kabisera sa oras na 06:30 (7 Marso, 22:30 UTC). Natigil lahat ng komunikasyon mula sa eroplano at nawala ang senyales ng transponder nito[13] bago dumaan sa Ho Chi Minh Area Control Center.[4][5][14] Ang huling nakitang posisyon ng eroplano bago ito mawala sa radar ng ATC ay 6°55′15″N 103°34′43″E / 6.92083°N 103.57861°E.[15]
Nagbigay ang Malaysia Airlines ng isang pahayag sa midya sa oras na 07:24 na nagkukumpirma na nawala ang contact sa oras na 02:40[16] at nagsimula na ang operasyon sa paghanap at pagsagip.[5] Ang eroplano ay hindi nagpahatid ng senyal ng pagkabalisa (distress signal), babala ng masamang panahon, o problemang teknikal bago ito naglaho sa radar.[17] Nang nawala ang radar contact sa eroplano, ito ay nagdadala ng sapat na gasolina para sa karagdagang 7.5 oras na paglipad.[18] Ipinaalam ng mga nauugnay na autoridad sa Tsina at Thailand sa kanilang katapat sa Malaysia na hindi tumawid ang eroplano sa kanilang espasyong himpapawid (airspace).[19]
Iniulat ng websayt na Aviation Herald na nawala sa Subang Air Control Traffic ang contact radar at radyo sa eroplano sa oras na 01:22 at opisyal na pinapayuhan ang Malaysia Airlines sa oras na 02:40 na ang eroplano ay nawawala.[4] Gayunpaman, isang tagapagsalita ng Malaysia Airlines ang nagsabi na ang huling pag-uusap ng flight crew at air traffic control sa Malaysia ay bandang 01:30, at nagpahayag na hindi naglaho ang eroplano sa air traffic control systems sa Subang hanggang 02:40, na nagpapahiwatig na mahaba na para makalipad ang eroplano sa Biyetnam.[20] Humiling ang ATC ang isa pang lipad ng Malaysia Airlines, ito naman ay papuntang Hapon na nauna ng kalahating oras kaysa sa MH370, upang subukang makipag-ugnay sa hindi tumtugon na 777. Nakapagtatag ng contact ang kapitan sa crew ng MH370 pagkalipas lamang ng 01:30, ngunit "pagbulong-bulong" lamang ang narinig nito.[21]
Paghahanap
baguhinLokasyon
baguhinAyon kay Admiral Ngo Van Phat ng Popular na Hukbong Dagat ng Biyetnam, nawala sa military radar ang eroplano mga 153 milyang pandagat (283 km; 176 mi) sa timog ng Thổ Chu sa Golpo ng Thailand.[8][22] Unang iniulat ng pamahalaan ng Biyetnam na ang eroplano ay bumagsak sa dagat sa Golpo ng Thailand, bagaman tinanggihan ng airline ang pahayag na ito.[23] Ang pahayag tungkol sa pagtukoy ng Hukbong Dagat ng Biyetnam sa lokasyon ng eroplano ay tinanggihan ng Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na si Hishammuddin Hussein.[24][25] Sumunod na nilinaw ng Hukbong Dagat ng Biyetnam na ang tinutukoy ng admiral ay ang lokasyon ng huling contact sa eroplano at hindi ang kinabagsakan nito.[4]
Habang naghahanap sa nawawalang jetliner, may natagpuang tagas ng langis sa Golpo ng Thailand noong 8 Marso, mga 50 nautical mile (93 km) sa timog ng Pulo ng Thổ Chu.[26] Sa paghahanap, iniulat na nakakita ang Hukong Dagat ng Vietnam ng isang oil stick, 10 hanggang 20 kilometro (6–12 mi) ang haba, at pinaniniwalaang ito ang nawawalang eroplano.[27][28] Naiulat naman na nakakita ang sasakyang panghimpapawid ng Civil Aviation Department ng Vietnam ng dalawang malaking oil slick na pinaghihinalaan ng mga autoridad na mula sa MAS jetliner. Ang slicks, 10 hanggang 15 kilometro (6–9 mi) ang haba ng bawat isa, at 500 metro (550 yd) sa isa't isa, ay nakita 140 nautical mile (260 km; 160 mi) timog ng Thổ Chu Island sa katimugang Vietnam, at kahalintulad sa uri na maaaring sanhi ng gasolina mula sa isang bumagsak na jetliner.[29] Nagkaroon ng isang ulat na ang isang tagas ng langis mga 80 kilometro (50 mi) ang haba ay malinaw na nakikita mula sa isang search and rescue AN-26 aircraft ng Vietnam sa oras na 08:35 noong Marso 9, humigit-kumulang na 150 kilometro (93 mi) ang layo mula sa Cape Ca Mau.[30] Siniyasat ng mga opisyal ang posibilidad ng mid-air disintegration.[31] Noong 10 Marso 2014, nakumpirma na pagkatapos ng pagsubok na ang sample ng langis mula sa slicks ay hindi mula sa eroplano.[32]
May labi ang naiulat na nakita noong 9 Marso mga 50 milya timog ng Thổ Chu Island. Ang mga labi, na maaaring may kasamang pinto, ay natagpuan sa isang lugar sa kahabaan ng flight path ng MH370.[33][34][35] Inipat ng Hukbong Dagat ng Thailand ang tuon nito sa paghahanap palayo sa Golpo ng Thailand at Timog Dagat Tsina dahil sa kahilingan katapat nito sa Malaysia, na nagsisiyasat sa posibilidad na bumuwelta ang eroplano at maaring bumagsak sa Dagat Andaman, malapit sa hangganan ng Thailand.[36] Inihayag ng hepe ng Royal Malaysian Air Force, Rodzali Daud, na hindi ibinubukod ng mga record ng militar ng mga senyal ng radar militar ang posibilidad ng bumalik ang eroplano sa flight path nito.[37][38]
Tugon
baguhin- Malaysia
- Bilang tugon sa pangyayari, nagdespatsa ang Royal Malaysian Air Force ng isang CASA/IPTN CN-235 transport aircraft, isang Beechcraft Super King Air B200T aircraft, apat na eroplanong panlulang pangmilitar na Lockheed C-130 Hercules, dalawang eroplanong Bombardier Global Express, dalawang helikopter na Agusta A109, at apat na Eurocopter EC725 long-range tactical transport helicopter.[25] Anim na barko ng Royal Malaysian Navy ang dinespatsa, bukod pa sa tatlong barko ng Maritime Enforcement Agency ng Malaysia upang maghanap sa karagatan sa silangang baybayin nito sa Timog Dagat Tsina.[25][39][40] Nagpadala rin ang Malaysia Airlines ng isang koponan ng tagapag-alaga at boluntaryo na tinawag na GoTeam upang magbigay ng tulong sa mga miyembro ng pamilya ng mga pasahero.[41] Naitaguyod ang Malaysia ng sentro ng koordinasyon sa National Disaster Control Center (NDCC) sa Pulau Meranti, Cyberjaya, upang subaybayan ang pag-usad ng sitwasyon.[42]
- Noong 9 Marso, sinabi ng ministro sa transportasyon ng Malaysia ministro sa isang media statement na pinalawak ng rescue team ang pook na kanilang pinaghahanapan.[43] Sinabi rin niya na pinakilos na ang mga ahensya ng katalinuhan (intelligence agencies) ng Malaysia, pinagbigyang-alaman na rin ang counter terrorism units sa mga nauukol na bansa, bilang karagdagan sa pakikipagpulong sa mga opisyal mula sa FBI na dumating sa Malaysia. Nabanggit din niya na walang submarines ng Malaysian ay itinalaga dahil ang mga ito ay "walang kakayahan sa paghanap at pagligtas".[44] Bukod diyan, ang bansa sa pamamagitan ng pamahalaan nito ay malugod na tumatanggap sa anumang tulong sa paghanap-at-pagligtas (search-and-rescue; SAR) mula sa iba pang mga bansa at organisasyong internasyonal upang hanapin ang nawawalang eroplano.[45]
- Australia
- Ibinigay ng pamahalaan ng Australia ang dalawang Royal Australian Air Force (RAAF) Lockheed AP-3C Orion maritime patrol aircraft upang sumama sa operasyon sa paghanap at pagligtas.[46] Ang unang RAAF P-3C long-range maritime surveillance aircraft ay aalis para sa paghahanap mula sa Darwin Linggo ng gabi.[47]
- Tsina
- Dalawang barkong pandigma (warship) ng Tsina, Jinggang Shan at Mianyang , ay dinespatsa upang makatulong sa paghahanap. Ang Jinggang Shan ay may dalawang helicopters, 30 tauhang medikal, sampung maninisid (diver), at 52 Marino, pati na rin ng life-saving and underwater detection equipment.[48] Hapon ng 9 Marso, dalawa pang barkong pandigma ng Tsina, ang Kunlunshan at Haikou , ay dinespatsa sa pinaghihinalaang lokasyon ng nawawalang eroplano.[49]
- Pransiya
- Nag-alok ng tulong ang air accident board ng Pransiya, ang Bureau d'Enquêtes et d'Analyses pour la Sécurité de l'Aviation Civile (BEA), sa paghahanap at pagbawi (recovery) sa eroplano.[50]
- Indonesia
- Ang Hukong Dagat ng Indonesia ay nakikipag-ugnasan sa katapat nito sa Malaysia at sa Embahada ng Indonesia sa Kuala Lumpur ay naghayag na ang bansa ay magpadala ng limang barko upang makatulong sa mga autoridad ng Malaysia sa paghanap at pagsagip.[7] Pinadala ng bansa ang unang dalawang PC-40 fast patrol vessels, ang Matocra at Krait , pati na rin ng maritime patrol aircraft.[51]
- Pilipinas
- Pinadala ng AFP Western Command ng Pilipinas ang BRP Gregorio del Pilar , BRP Emilio Jacinto , BRP Apolinario Mabini at ng isang search-and-rescue aircraft sa Dagat Timog Tsina upang makatulong sa paghahanap.[22][52]
- Singapore
- Sa araw na nawala ang 777, tumulong ang Republic of Singapore Air Force sa pamamagitan ng Lockheed C-130 Hercules.[53][54] Sumunod nito, dalawang iba pang C-130 Hercules ay dinespatsa, pinadala rin ng Republic of Singapore Navy nito Formidable-class frigate RSS Steadfast, na sakay na Sikorsky S-70B Naval helicopter; at isang submarine rescue ship (MV Swift Rescue) na may sakay na mga maninisid; pati na rin ng Victory-class corvette RSS Vigour.[55]
- Thailand
- Inihahanda na rin ng Royal Thai Navy ang pagpapadala tatlong barko at isang sasakyang panghimpapawid upang sumama sa misyong paghanap at pagsagip.[56][57]
- Estados Unidos
- Inihayag ng Estados Unidos ang plano nitong magpadala ng P-3C Orion aircraft mula sa Kadena Air Base sa Okinawa, Japan. Inilihis ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos USS Pinckney (isang guided missile destroyer), na nagsasagawa ng isang misyong pagsasanay sa Timog Dagat Tsina, patungo sa katimogang baybayin ng Vietnam upang makatulong sa paghahanap. May dala itong dalawang Sikorsky MH-60R Seahawk helicopters na may kakayahan para sa paghanap at pagligtas.[58][59] Inanunsiyo rin ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos na ang P-3C Orion at isang MH-60R helicopter inilunsad mula sa Pinckney ang naghahanap na sa huling natukoy na posisyon sa komunikasyon at radar ng MH370. Walang naiulat ng mga labi na nakita sa oras na iyon.Ang USNS John Ericsson (T-AO-194) ay patungo na sa pinangyarihan upang magbigay karagdagang gasolina at logistics.[58] Dinespatsa rin ng Estados Unidos ang isang koponan ng NTSB nang mas maaga, upang maiwasan ang mga pagkaantala sakali mang bumagsak nga ang eroplano.[60]
- Vietnam
- Lumahok ang Vietname na may tatlong Antonov An-26, isang DHC-6 Twin Otter, dalawang Mil Mi-171 at pitong barko mula sa Hukong Dagat (HQ-954, HQ-627), Coast Guard (CSB ng 2001, CSB-2003), Fisheries Control (KN-774) at Maritime Search & Rescue Coordination Centre (SAR 413).
Sasakyang panghimpapawid
baguhinAng Boeing 777 ay karaniwang itinuturing ng mga eksperto sa abyasyon na may "halos malinis" na tala ng kaligtasan (safety record),[61] at isa sa mga pinakamahusay na tala ng kaligtasan ng anumang komersyal na sasakyang panghimpapawid.[62] Mula sa unang lipad pangkomersyo nito noong Hunyo 1995, nagkaroon lamang ito ng dalawang seryosong insidente. Noong 2008 Enero 47 pasahero ang nasaktan nang naging sanhi ang mga kristal ng yelo sa fuel system ng Lipad 38 ng British Airways upang mawalan ng lakas at bumagsak malapit sa runway ng London Heathrow Airport. Noong Hulyo 2013, bumagsak sa paglapag ang Lipad 214 ng Asiana Airlines sa huling approach (paglapit) nito sa San Francisco International Airport. Tatlong pasahero namatay at 181 ang nasugatan sa insidente.[63] Ang parehong sasakyang panghimpapawid ay nasira nang tuluyan.[64]
Mga sasakyan ay isang Boeing 777-2H6ER,[a] serial number 28420, rehistro 9M-MRO.Ang ika-404 Boeing 777 na ginawa, ito ay unang lumipad noong 14 Mayo, 2002, at naihatid nang bago sa Malaysia Airlines noong 31 Mayo, 2002. Pinapaandar ang ng dalawang makinang Rolls-Royce Trent 892.[66] Ayon sa airline, ito ay nakaipon nang hindi bababa sa 20,243 na oras at 3,023 ikot sa serbisyo.[67][68] Ang 9M-MRO ay hindi pa nasangkot sa anumang malaking insidente.[69] Gayunman, isang maliit insidente ang naganap habang nagta-taxi sa Shanghai Pudong International Airport noong Agosto 2012 na nagdulot ng malaking pinsala sa isa sa mga wingtip (dulo ng pakpak) nito, na naputol nang pumalo ito sa tail (buntot) ng isa pang eroplano.[70] Ginawa ang huling maintenance check nito noong Pebrero 2014.[71]
Ang mga pasahero at tripulante
baguhinNasyonalidad | Pasahero | Tripulante | Kabuuan |
---|---|---|---|
Australia | 6 | 0 | 6 |
Canada | 2 | 0 | 2 |
Estados Unidos | 3 | 0 | 3 |
Hong Kong | 1 | 0 | 1 |
India | 5 | 0 | 5 |
Indonesia | 7 | 0 | 7 |
Iran [A] | 2 | 0 | 2 |
Malaysia | 38 | 12 | 50 |
Netherlands | 1 | 0 | 1 |
New Zealand | 2 | 0 | 2 |
Pransiya | 4 | 0 | 4 |
Rusya | 1 | 0 | 1 |
Taiwan | 1 | 0 | 1 |
Republikang Bayan ng Tsina | 152 | 0 | 152 |
Ukraine | 2 | 0 | 2 |
Kabuuan: | 227 | 12 | 239 |
- Mga Tala
- ↑ Orihinal na tinukoy ang dalawang pasahero bilang mga mamamayan ng isang 'di-kilalang bansa matapos matukoy ng mga awtoridad na nakaw ang pasaporteng Austriano at Italyano na kanilang hawak.
Inilabas ng Malaysia Airlines ang mga pangalan at kabansaan ng 227 pasahero at 12 tripulante (crew), batay sa flight manifest.[5][72]
Tripulante
baguhinAng lahat ng tripulanteng nakasakay ay mamamayan ng Malaysia. Ang kapitan ay si Zaharie Ahmad Shah, 53 taong gulang, mula sa Penang, na pumasok sa Malaysian Airlines noong 1981 at nagkaroon ng 18,365 oras na karanasan sa paglipad.[5][73] Si Zaharie ay isang ring tagasuri na kuwalipikadong magsagawa ng simulator test para sa mga pilot.[74] Ang unang opisyal ay si Fariq Abdul Hamid, 27 taon gulang, isang empleyado ng Malaysia Airlines mula noong 2007, ay may 2,763 na oras sa paglipad.[5][75] Kamakailan ay lumipat si Fariq sa pagpapalipad ng Boeing 777-200 sasakyang panghimpapawid matapos niyang makumpleto ang simulator training.[75]
Pasahero
baguhinMay dalawang pasahero ang gumagamit ng huwad pagkakakilanlan. Iniulat ng Austrian na nakalista sa manifest na ninakaw ang kanyang pasaporte noong 2012 at iniulat ng Italyano na nakalista sa manifest na ninakaw ang kanyang pasaporte noong Agosto 2013; ang parehong pasaporte ay ninakaw sa Thailand. Napag-alaman ito nang tinangkang hinanap ang kanilang mga kamag-anak; nakumpirmang ligtas ang dalawang lalaki.[4][76] Ang mga tiket binili ng may-hawak ng mga nakaw na pasaporte ang ibinenta ng China Southern Airlines.[77] Ang dalawang tiket ay binili sa parehong oras at ibinigay ng isang ahente sa paglalakbay sa Pattaya, Thailand, dalawang araw bago ang lipad. Ang dalawang itinerary ay magsisimula sa Kuala Lumpur at magpatuloy sa Beijing patungong Amsterdam. Pagkatapos ang itinerary para sa mga may-hawak ng pasaporteng Italyano ay tutuloy na Copenhagen habang ang itinerary para sa pasaporteng Austriano ay tutuloy sa Frankfurt.[78] Nabigo ang mga opisyal ng pandarayuhan ng Malaysia na tanungin ang mga pasaherong naglalakbay sa ninakaw na pasaporte, kahit na sila mukhang Asyano. Kinumpirma ng Interpol na ilang bansa lamang palagiang gumagamit ng kanilang kalipunan ng datos sa mga nakaw na pasaporte.[79] Dalawang pang pasahero ang iniimbestigahan ng mga autoridad ng Malaysia dahil sa kahina-hinalang pasaporte.[80]
Natagpuan ng mga pulis sa Fuzhou, Fujian, Tsina ang isang lalaki na ang bilang ng kaniyang pasaporteng Tsino ay nakita sa nailathalang listahan ng mga pasahero. Wala siya sa eroplano at ang pangalan sa tabi ng nakalistang numero ay ibang iba. Gayunpaman, hindi niya nawala ang kanyang pasaporte at hinihinala na ng pulisya na ang maling numerong nailathala.[81]
Ang mga pasarehong mula Tsina ay kinabibilangan ng isang pangkat ng 24 alagad ng sinig at kanilang pamilya na babalik mula sa pagtatanghal ng kaligrapiya sa Kuala Lumpur.[82]
Imbestigasyon
baguhinInihayag ng Boeing na magtitipon ito ng isang koponan ng mga eksperto upang magbigay ng tulong teknikal sa mga imbestigador,[83] alinsunod sa mga protocol ng International Civil Aviation Organization. Bilang karagdagan, inihayag ng National Transportation Safety Board ng Estados Unidos sa isang press release noong 8 Marso na isang koponan ng imbestigador ang pinadala kasama ng tagapayong teknikalo mula sa Federal Aviation Administration upang mag-alok ng tulong sa imbestigasyon.[60] Ang bansang mamumuno sa imbestigasyon ay hindi tutukuyin hanggang hindi pa matatagpuan ang nawawalang eroplano.[84]
Nagtalaga ang Federal Bureau of Investigation ng Estados Unidos mga ekspertong teknikal at agents upang imbestigahan ang pagkawala.[85] Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga opisyal ng Estados Unidos ang dalawang pasaherong naglalakbay sa maling pasaporte at sinabi na tinitingnan ang lahat ng posibleng dahilan.[86] Sinusuri ng mga autoridad ang mga posibleng mga pagkakakilanlan.[4][76][87][88] Sinabi ng mga opisyal ng Estados Unidos na kanilang sinusuri ang passenger manifest at binabalikan ang kanilang intelligence.[89][90][91] Ipinahayag ng Interpol na ang dalawang pasaporte ay nakalista sa kanilang database ng nawala at ninakaw na pasaporte, ngunit walang pagsiyasat database ang naganap.[92]
Sinabi ni David Learmount, operations and safety editor sa Flightglobal, na "pambihirang" hindi gumawa ng tawag ng pagkabalisa (distress call) ang mga piloto, at gumawa ng paghahambing sa pagkawala ng Lipad 447 ng Air France sa Karaagtang Atlantiko noong 2009, na nagsasabi "Ito ay isang makasaysayang paghahambing at maaaring nagkataon lamang. Nangyari din sa madaling araw, pagkatapos ng hatinggabi, at nawawala nang walang tawag mula sa mga piloto."[93]
Mga Tala
baguhin- ↑ The aircraft was a Boeing 777-200ER (for Extended Range) model; Boeing assigns a unique alphanumeric customer code for each company that buys one of its aircraft, which is applied as a suffix to the model number at the time the aircraft is built. The code for Malaysia Airlines is "H6", hence "777-2H6ER".[65]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Malaysia Airlines 'loses contact with plane'". BBC. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beijing-bound flight from Malaysia missing". USA TODAY. Nakuha noong 7 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia Airlines says 'fearing the worst' for missing jet". Chicago Tribune. 9 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-08. Nakuha noong 9 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 "Crash: Malaysia B772 over Gulf of Thailand on Mar 8th 2014, aircraft missing". The Aviation Herald. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 "MH370 Flight Incident". Malaysian Airlines. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Grudgings, Stuart. "Malaysia Airlines plane crashes in South China Sea with 239 people aboard: report". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-08. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Tasnim Lokman (9 Marso 2013). "MISSING MH370: Indonesia helps in search for airliner". New Straits Times. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Vietnam Navy says Malaysia Airlines plane crashes off Tho Chu Island". Tuoi Tre News. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Passengers with stolen passports on board Malaysia Airlines flight". Malaysia Sun. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-09. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ DiBlasio, Natalie; Kevin Johnson (9 Marso 2014). "U.S. reviews possible terror links in missing Malaysian jet". USA Today. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Reports: FBI prepared to join investigation of missing Malaysia Airlines plane". circa. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missing Malaysia Airlines plane 'a mystery'". BBC News. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Interview with Mikael Robertson of Fight Radar 24, Astro Awani, 8 March 2014". English.astroawani.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysian Airlines System (MH) No. 370 ✈ 08-Mar-2014 ✈ WMKK / KUL – ZBAA / PEK ✈". flightaware. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia Airlines MH370 Flight Incident – 4th Media Statement". Malaysia Airlines. 8 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-08. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MEDIA STATEMENT released at 7.24am/8 Mar 2014 MH370 Incident". Facebook.com. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UMissing MAS flight: Last point of contact was east of Kota Baru". The Star. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tom Watkins; Chelsea J. Carter (8 Marso 2014). "Search intensifies for Malaysian airliner and 239 people, rescue ships head to sea". CNN. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia Airlines loses contact with plane carrying 239 people – Yahoo!!!7". Yahoo! News. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Conspiracy theories spiral around MH370's disappearance". The Malaysian Insider. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MISSING MH370: Pilot: I established contact with plane". New Straits Times.
- ↑ 22.0 22.1 "Malaysian plane crashed off Vietnam coast: state media". Yahoo News. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Search planes scour sea for missing Malaysian jetliner". Chicago Tribune. 9 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-08. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia's transport minister said there was no information on wreckage and he urged against speculation". BBC News. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 25.0 25.1 25.2 "Too early to come to any conclusion, says Najib". Daily Express. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chelsea J. Carter and Jim Clancy (9 Marso 2014). "No sign of Malaysia Airline wreckage; questions over stolen passports". CNN. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bradsher, Keith (8 Marso 2014). "Oil Slick Sighting Is First Sign Malaysia Airlines Plane May Have Crashed". The New York Times. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Five young children among missing Malaysia Airlines passengers as air search called off". South China Morning Post. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missing MAS flight: Two giant oil slicks spotted off Vietnam coast". The Star. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tiếp cận hiện trường khu vực máy bay Malaysia mất tích" (sa wikang Biyetnames). Tuổi Trẻ. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Exclusive: Probe into missing Malaysia plane looks at possible mid-air disintegration". Reuters. 9 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-11. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://news.sky.com/story/1223246/missing-malaysia-airlines-plane-remains-mystery
- ↑ Sorin Adam Matei (9 Marso 2014). "Possible Disappearance Location of Flight MH370 50 miles south of Tho Chu Island is Right on the Flight Plan". Matei.org/Ithink. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vietnam says it may have found missing jet's door". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-11. Nakuha noong 2014-03-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Did Missing Malaysia flight DISINTEGRATE at 35,000 feet? Search team find what they believe is part of plane door and tail as Interpol probes if four people boarded using stolen passports". Daily Mail. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jim Clancy and Mark Morgenstein (9 Marso 2014). "New leads explored in hunt for missing Malaysia Airlines flight". CNN News. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pete Williams, Robert Windrem and Richard Esposito (9 Marso 2014). "Missing Malaysia Airlines Jet May Have Turned Back: Officials". NBC News. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Reports: Missing Malaysia Airlines plane 'may have turned back'". BBC News. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vietnam, Malaysia mount search for plane". Sky News Australia. 8 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia widens area of search for missing MAS aircraft". Bernama. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missing MAS flight: MAS team arrives in Beijing". The Star. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missing MAS flight: Malaysia grateful for assistance in search and rescue operations, says Anifah". The Star. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missing Malaysia plane: Search area widened". BBC News. 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Plane may have made 'air turn back', counter terrorism units activated". Astro Awani. 9 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MISSING MH370: Malaysia welcomes SAR assistance from other countries". New Straits Times. 9 Marso 2014. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Australia sending two P3C Orions from Darwin to Malaysia to aid with the search for missing Malaysian flight MH370". News Corp Australia. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Australia to send military aircraft to join search of missing Malaysian Airlines flight". 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chinese warships on way to rescue mission". Xinhua News Agency. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "China dispatches more vessels for plane search". Xinhua News Agency. 9 Marso 2014. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "French accident board offers help recovering missing flight MH370". The Malaysian Insider. 10 Marso 2014. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fadli (9 Marso 2014). "RI deploys warships, aircraft to SCS to search for missing aircraft". The Jakarta Post. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PH joins SE Asia search for Malaysian plane". Rappler. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia Airlines missing flight: Live Report". Yahoo! News Malaysia. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysian Airlines missing flight MH370: Live Report". Digital Journal. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Additional SAF assets deployed in response to missing Malaysia Airlines Plane (09 Mar 14)". Ministry of Defence of Singapore. 9 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Thai navy ready to deploy rescue vessels, aircraft for missing Malaysian plane: spokesman". CCTV News. 8 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-09. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MISSING MH370: Rescue efforts under way". New Straits Times. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "U.S. Sends Destroyer to Aid Search for Malaysia Airlines Jet". NBC News. 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 60.0 60.1 "Press Release March 8, 2014: NTSB positioning team to offer assistance in investigation of Malaysia Airlines 777 event". Ntsb.gov. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia Airlines: experts surprised at disappearance of 'very safe' Boeing 777". The Guardian. 8 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia Airlines has one of Asia's best safety records". Reuters. 8 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-09. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 06.31 GMT. "Malaysia Airlines: experts surprised at disappearance of 'very safe' Boeing 777". The Guardian. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NTSB Investigates Asiana 777 Accident in San Francisco". Aviation Week & Space Technology. 6 Hulyo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2014. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pither, Tony (1998). The Boeing 707 720 and C-135. England: Air-Britain (Historians) Ltd. ISBN 0 85130 236 X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malaysia Airlines 9M-MRO (Boeing 777 – MSN 28420)". Airfleets. Nakuha noong 7 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Boeing 777 at centre of Malaysia Airlines disappearance had clocked up 'normal' 20,000 hours' flying time". South China Morning Post. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Contact lost with Malaysian 777-200". Australian Aviation. 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missing MAS 777-200 had no major prior incidents – 3/8/2014". Flightglobal. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "浦东机场滑行跑道内东航马航两飞机剐蹭 – 新华财经 – 新华网". Xinhua News Agency. 26 Hunyo 2012. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Toh, Mavis. "MAS 777 underwent maintenance in Feb". Flightglobal. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MH 370 PASSENGER MANIFEST" (PDF). Malaysia Airlines. 8 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 8 Marso 2014. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missing MAS flight: Captain piloting MH370 a Penang boy". The Straits Times. 8 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Koswanage, Niluksi (9 Marso 2014). "Pilot of missing Malaysian flight an aviation tech geek". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Marso 2014. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 75.0 75.1 Watkins, Tom (10 Marso 2014). "First officer on missing jet was transitioning to 777-200s". CNN. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 76.0 76.1 Catherine E. Shoichet and Ray Sanchez (9 Marso 2014). "Plane bore painters, pilgrims, others from around the world". CNN. Nakuha noong 8 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Keith Bradsher; Eric Schmitt (9 Marso 2014). "Passport Theft Adds to Mystery of Missing Malaysia Airlines Jet". The New York Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jethro Mullen; Jim Clancy (9 Marso 2014). "Ticket purchase adds to mystery over plane". CNN.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Murdoch, Lindsay (10 Marso 2014). "Fake passports on Malaysia Airlines flight reveal flaw in airline safety". smh.com.au. Nakuha noong 10 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4 passengers' IDs being checked on missing jet Naka-arkibo 2014-03-10 sa Wayback Machine. Associated Press. 9 Marso 2014. Retrieved 9 Marso 2014
- ↑ Wang Chunxiao (9 Marso 2014). "警方:马航福州乘客护照号对应姓名不符" [Police:Malaysian Airlines's Fuzhou Passenger Passport Number Corresponds to Different Name] (sa wikang Tsino). China Central Television.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Areddy, James T (8 Marso 2014). "Chinese are Majority of Passengers on Missing Malaysia Airlines Flight". wsj.co. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Boeing team to offer technical help to investigators". Deccan Chronicle.
- ↑ Toh, Mavis. "NTSB sends team to assist in MH370 case". Flightglobal. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Serrano, Richard A. "FBI to investigate disappearance of a Malaysian Airlines jet." Los Angeles Times . 8 March 2014. Retrieved 9 Marso 2014.
- ↑ Simon Denyer, Robert Barnes and Chico Harlan (9 Marso 2014). "Four flew with false ID aboard Malaysia Airlines plane that vanished over South China Sea". The Washington Post. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Two more Europeans with suspect identities onboard missing MH370". Malaysian Insider. 9 Marso 2014. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pete Williams; Robert Windrem; Richard Esposito (8 Marso 2014). "Missing Malaysia Airlines Jet May Have Turned Back: Officials". NBC. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ DiBlasio, Natalie; Kevin Johnson (9 Marso 2014). "U.S. reviews possible terror links in missing Malaysian jet". USA Today. Nakuha noong 9 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "South China Sea oil slicks may be Malaysia Airlines crash site at 21:01 UTC today the tail has found in the Gulf of Thailand More info comes later. – terrorism possible". Daily News. New York.
- ↑ "Malaysia Airlines Flight MH370 Missing: Terrorism Fears Emerge After Two Passengers Boarded With Stolen Passports". International Business Times.
- ↑ "INTERPOL confirms at least two stolen passports used by passengers on missing Malaysian Airlines flight 370 were registered in its databases". Interpol. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-09. Nakuha noong 9 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lack of distress call from missing jet 'extraordinary'". The Irish Times.